Ikadalawampu't Apat na Kabanata

35.5K 637 42
                                    

Andrew's POV

Hindi na maalis-alis ang ngiti sa mukha ko habang magkaharap kaming nakaupo dito sa isang table. Naghanda ako ng candlelight dinner para sa aming dalawa at dahil espesyal ang araw na ito, ako pa mismo ang nagluto ng pagkain namin.

=___=

Kung alam niyo lang ang mga nangyayari habang nagluluto ako paniguradong sasabihin niyong masarap ang mga hinanda ko.

"Ako ang naghanda ng mga yan." Proud na sabi ko kay Athena.

"Talaga?" Athena

Tumango ako. Dali-dali siyang kumuha ng kutsara at tsaka tinikman ang niluto ko. Salisbury steak ang niluto ko para lang sa kanya.

-____- <---- Athena

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"

"Andrew, alam mo namang mahal kita di ba? Pero please promise me na last mo na yan." Athena

-___-

Kumuha ako ng kutsara at tsaka tinikman ang pagkaing hinanda ko.

"PWE!"

>_<

Ang panget nga ng lasa.

"Sorry."

Natawa naman si Athena.

"Ayos lang naman. Natutuwa nga ako dahil may mga bagay palang hindi kayang gawin ng isang Andrew Santillan." Athena

"Bakit mukha ba akong perpekto?"

Tumango siya bago magsalita. "Yes. Most of the times. Halimbawa, sa school. Kapag may activities ang student council palaging successful yun. Sa academics, kahit na hindi ka madalas pumasok, palagi ka namang topnotcher sa mga exams. Sa pag-ibig, napaamo mo ang isang sigang katulad ko ..." Athena

Amputs! Kinikilig ako sa litanya ni Athena. Bumabanat na ngayon si Athena.

"Minsan nga napapaisip ako, may mga bagay bang hindi umaayon sa plano mo o kung may mga gusto kang gawin na hindi mo nagawa. Para kasing ang perpekto na ng buhay mo eh." Athena

Hinawakan ko ang kamay niya tsaka marahang pinisil ito.

"Alam mo Athena, may mga bagay din namang hindi umaayon sa plano ko. Sa katunayan may isang bagay akong plinano na hindi ko nagawa."

"TALAGA? ANO YUN?" Athena

-___-

Bakit parang mas excited pa siyang malaman yun? Ganun ba siya kasabik hanapan ako ng mali?

Ngumisi muna ako ng pagkatamis-tamis bago nagsalita.

"Ang anakan ka."

O___O <----- Athena

Pffffft! Hahahaha! Her face is epic! Talagang naniwala siya sa sinabi ko. Namumula pa siya ngayon! Hindi ko alam kung sa hiya o inis pero alam ko namang kinikilig lang sa akin yan. Bwuhahahaha!

**TING**

O___O <---- Ako

"Athena naman! Joke lang yun!"

>_<

Ikaw ba naman batuhin ng kutsilyo! Napalunok ako ng maraming laway dun dahil sa kaba. Pasalamat na lang ako nakaiwas ako. -_-

The old Athena is back!

"Siraulo ka ah!" Athena

Hinawakan ko ulit ang kamay niya at tsaka muling nagsalita.

"Ikaw naman kasi napakaseryoso mo. Pero seryoso, may isang bagay akong hindi ko nagawa."

"Umaayos ka ng sagot Santillan ah. Kapag hindi matino yan, makakatikim ka sa akin sinasabi ko sayo." Mataray na sagot ni Athena.

She's the BossWhere stories live. Discover now