Ikadalawampu't Limang Kabanata

34.9K 595 19
                                    

Hera's POV

AIGOOOOO! >_< HINDI KO MAIWASANG MAINGGIT SA KANILA! SILA NA SWEET! *pouts*

"Langya! Hindi pa ba sawa sa labi ng isa't-isa yang dalawang yan? Kanina pa naghahalikan yang mga yan eh!" Leo

"Wag ka nga. Inggit ka lang." Amethyst

"Masyado kayong inggit. Bakit? Wala ba kayong mga babaeng pwedeng halikan?" Ruby

"Marami." Gemini

"Marami naman pala eh di manahimik kayo diyan." Ruby

=___=

Kasama ko sila sa isang kwarto malapit sa hall. Pinapanood namin silang dalawa gamit ang mga camerang tinago namin sa buong hall.

Kilala ko na tong mga gems eh pero pinagtataka ko ay tong mga naggagwapuhang lalakeng kasama rin namin sa kwarto.

"Sino kayo?"

Kanina pa kami magkakasama pero ngayon ko lang sila tinanong. Unang-una, wala akong lakas ng loob. Pangalawa, busy kaming manood sa kakornihan nung lovebirds sa hall.

"Ah. Kami ang zodiacs." Pakilala nung medyo malaki ang katawan pero gwapo.

Zodiacs. Kaaway ni Athena tong mga to ah! Bakit kasama ng mga gems to?

Nilingon ko ang mga babaeng nakaupo sa kaliwang side ko. Lahat sila nagkibi-balikat lang.

"Don't get us wrong. Kaibigan sila ni Andrew." Pearl

"HUWAAAAT?!"

"Oo. Kaibigan kami ni Andrew na asawa ni Athena." yung isang payat na gwapo.

Kaaway ng asawa niya pero kaibigan niya. Teka, sumasakit ang ulo ko. -__-???

"Pero sino nga kayo?"

"Ako si Leo."

"Aquarius." sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman yun. Wala naman akong choice eh.

"Virgo."

"Aries."

"Gemini."

"Taurus."

-___- Sabi ko nga si Aquarius lang ang friendly sa kanila. Sungit ah. Pasalamat na lang gwapo sila. Tsk.

"Teka, nasaan na yung dalawa?" Aries

Binalik namin ang atensyon namin sa screen. Wala na yung dalawa sa hall. Saan naman kaya nagpunta yung dalawang yun?

"Wag niyo na hanapin. Matanda na sila. Malamang nagsosolo lang yung mga yun sa kung saan." Amethyst

"Oo nga. Anong plano niyo?" Tanong ni Ruby sa mga Zodiacs.

"Anong plano?" Naguguluhang tanong ni Virgo.

"Kaibigan ni Andrew na boss niyo si Athena na nagkataong tinuturing na rin naming boss." Quartz

"Malamang wala. Kailangan ba may mangyari porket mag-asawa sila? Isa pa, wala namang ginawang masama si boss sa kanya kaya bakit siya madadamay sa galit niya sa amin?" Leo

May katwiran nga naman siya. Labas nga naman sa kalokohan nila si Andrew kaya dapat lang na hindi ito madamay sa galit ni Athena.

"Pero lalayuan niyo na si Andrew?" Pearl

"At bakit naman namin gagawin yun? Hindi namin siya lalayuan hanggat wala siyang sinasabi." Gemini

-__- Okey. OP nga ako sabi ko. Hindi naman ako kagaya nila na miyembro ng gang. Hamak na bestfriend lang ako ni Athena na may alam sa lahat ng bagay na pinapasukan niya.

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon