Rayne's
"Good morning, baby!" Isang maaliwalas na mukha ni Nathan ang bumungad sakin paglabas ko ng gate. Kung ganito lang palagi ang makikita ko tuwing umaga, hindi na ako tatamaring pumasok. Nakaka-inspire ang pagiging grade conscious niya kahit busy siya. Nakakahanga talaga ang strategy niya sa pagma-manage ng oras niya. Nagpapahinga pa kaya ang isang 'to?
"Natulog ka ba?" Curious kong tanong hindi dahil mukha siyang puyat kundi dahil parang petiks pa rin siya kahit ang dami niyang ginagawa, nakakapaglaan pa siya ng oras na sabayan akong pumasok and that requires also time kasi medyo malayo ang bahay nila samin at sanay siyang naka-kotse kapag pumapasok. Isang kanto pa ang lalakarin niya galing sa school namin para makarating sa school nila (my former school).
Biglang nawala ang ngiti ni Nathan. "Y-yeah. Why did you ask?"
"Nah. It's just amazing na kaya mong ma-manage ang oras mo para sa mga priorities mo." I patted his head kahit mas matangkad siya sakin na nagpabalik ng ngiti niya.
"Babe, may gagawin ka ba mamaya after class mo?" Tanong niya habang naglalakad kami
"May meeting ako with Mikhaila's dad. Why?"
"What time yon?"
"6pm pa."
"1:30 labas mo di ba? Wala kang gagawin after class mo?"
"Training." Bored na sabi ko. Hindi kasi magkasabay labas namin ngayon. May klase pa siya hanggang 5pm kaya magti-training akong mag-isa. I need to strengthen myself dahil last battle ko na 'yon to defend my position. Dalawang beses ka kasing susubukan kung deserving ka ba sa position mo, una at ikadalawang taon mo, lalabanan mo ang kung sino mang ihaharap nila sa'yo at kapag nanalo ka, permanent ka na or mapo-promote ka pa pero since hindi na ako pwedeng ma-promote dahil ang leaders namin ang founder ng org, at permanent na sila sa posisiyon nila, hanggang second in command lang ako. Mas gugustuhin kong maging second in command na lang para hindi ako gagamit ng dahas or direktang papatay. We will just exist to execute the plan and train the other gangs na sumasabak sa misyon.
"Tss. Wag ka ng mag-training ngayon, papagurin mo lang ang sarili mo e. At saka wala ako don para i-train ka. Sunduin na lang kita mamaya." Napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa daan. Seryoso niya ngayon ah. Problema nito? Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at hinarangan siya.
"Problema mo?" Tinaasan niya lang ako ng kilay tsaka kinuha ang kamay ko at naglakad muli. Hindi ko alam kung bakit nase-sense kong may mali sa ikinikilos niya. Siguro dahil sobrang kilala ko na siya at isang maling galaw niya lang may meaning na sakin though hindi ko yon pinapansin noong mga panahong hindi ko pa siya boyfriend.
Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya at humarap sakin. Ako naman ang nagtaas ng kilay ngayon kaya napabuntong hininga siya at niyakap ako.
"Baby, wala akong problema ok? Ayoko lang pumunta ka sa Zone na hindi ako kasama at may laro kami mamaya sa P.E. subject namin. That's our practical exam kaya kailangan ko ng lakas galing sa'yo. Ayokong matalo kaya I need you to support me there." Mahabang paliwanag niya tsaka ako hinalikan sa noo. "You worry too much. Ganyan ka ba maging girlfriend?" Natatawang tanong nito kaya kinurot ko siya para makawala sa yakap niya.
"Edi hanap ka ng girlfriend na hindi mag-aalala sa'yo. Tch" I walked away from him. Fine. Ako na paranoid. Ayoko lang naman na sinasarili niya problema niya e.
Bigla akong may naramdamang mga braso na yumakap sakin mula sa likod kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Sorry na. I just want you to know that I appreciate your concern and love. It's just that it amaze me every time you become transparent with me, every time you let me see your emotions, and I don't know how to react with your responses. Sanay kasi ako na ako ang nag-eeffort para mapalapit sa'yo e kaya sobrang saya ko kapag nakikita kong nage-effort ka rin to keep this relationship working. Akala ko mahal na kita pero mas minamahal kita habang dumadaan ang mga araw. Tss aga aga ang drama natin, male-late na tayo niyan, babe. Accept mo na apology ko." Sweet na sabi nito. Hindi ko napigilan ang mapa-ngiti.
YOU ARE READING
Trouble Yet Indispensable
Spiritual"If your heart is broken, you'll find God right there; if you're kicked in the gut, he'll help you catch your breath. Disciples so often get into trouble; still, God is there every time." (Psalm 34:18-19 MSG) Christians were not exempted in facing...
