He smirked. "Wala." Naupo siya sa couch so naupo ako dun sa kabila. Medyo awkward kasi walang nagsasalita samin.
This is the right time na siguro. Ayaw ko na patagalin pa 'to mas lalo akong natetense, natatae tuloy ako.(Pasintabi po sa kumakain Hehehe) Inipon ko ang natitira kong hiya sa katawan. Inhale....exhale. Thiz iz it chiz it!
"Uhmm E-Elle-"
"Let's get married. " He said seriously.
"Hind-"
"Listen to me first bago ka magreact."
"Okay sorry naman." Tinaasan ko siya ng kilay. "Wait, hindi mo nga ako pinatatapos sa-"
"I know you need money."
"Pano mong-"
"Marry me then you'll get the money. Easy as that. Then I will divorce you after one year. Ipapakita natin kay lolo and sa Kreiss Clan na hindi tayo nagkakasundo kaya maghihiwalay tayo. Then that's it. The end. "
"Tapos ka na? Pwedeng ako naman? " I asked in a sarcastic tone.
"Sure go ahead. " He said.
"Hindi ba napakatagal naman ng one year? Tsaka ako ang kawawa sa dulo, magiging divorce woman ako sa edad na twenty years old ganon? Tsaka pano mo nalaman na may utang pamilya ko ha? " I asked.
"One year ang maximum ng magiging contract natin, kung ayaw mo problema mo na 'yon. Pano ko nalaman? Simple, pina-imbestigahan ko family mo para makagawa ako ng paraan para hindi ka makatanggi sa offer ko and...Voila! The loan shark is the answer. " He said raising his eyebrows up and down while smiling evilly. May ibinigay siya saking mga papeles. "Now sign those papers and you'll get the money. "
I'm speechless. Hindi ko ineexpect 'tong offer na 'to kay Elle. I thought it's over dahil after ng last na pagkikita namin sa kwarto ko, hindi na kami ulit nagkita. Now he's using my weakness.
RING RING RING!!!
Nagring yung phone ni Elle kaya sinagot nito yung tawag.
"Okay. " Yun lang ang sinabi nito bago i-end ang call. He looked at his watch. "You only have two minutes to decide."
"Ha ano?" Napatayo ako. "Bakit naman? Hindi ba pwedeng pag-isipan to overnight? Hindi naman ganon ganon lang 'yon diba? Sa mga movies may one day yung girl bago magdesisyon kaya dapat ganon din ako. " Natatarantang tanong ko.
"Wala tayo sa movie at higit sa lahat hindi ka mukhang artista kaya wag ka magdrama. Sign those papers and I'll give you the money. "
"Pwede bang give the money muna bago yung answer? Napepressure ako eh!"
"Exactly! Kaya ako nakipagkita sayo para mapressure ka and It's going according to my plan."
RING RING RING!!!
Kinuha ko yung cellphone ko sa bag. Si Mama yung tumatawag.
"Hello ma?"
"Anak bilisan mo, andito na sila. Nakautang ka na ba sa boss mo?"
Tiningnan ko si Elle.The way he looks at me parang bang sinasabi nito na I told you bibigay ka rin sa offer ko.
"Hello anak!? Nakaut... Sino-" Sigaw ni Mama bago i-end yung call.
"Hello ma! Hello!?" Natatarantang sabi ko. Ano ba nangyayari sa bahay? Sh*tty life na buhay na 'to oh.
"Hurry up time is running. " He said evilly.
YOU ARE READING
Fated To Be With You(Taehyung + Yoona + Luhan)
Teen FictionLahat tayo may nakalaang taong mamahalin at makakasama natin habang buhay. Minsan nasa paligid lang pala natin sila pero hindi natin pansin o kaya naman ay hindi pa natin nakikita. Meron din naman na bigla na lang dumadating, yung tipong hindi mo in...
Chapter 7
Start from the beginning
