Lahat tayo may nakalaang taong mamahalin at makakasama natin habang buhay. Minsan nasa paligid lang pala natin sila pero hindi natin pansin o kaya naman ay hindi pa natin nakikita. Meron din naman na bigla na lang dumadating, yung tipong hindi mo in...
"Jusko naman Drigo. Yung anak mo halos makuba na sa pagtatrabaho para lang mabayaran utang mo tapos eto na naman may bago ka na namang utang. Kalahating milyon pa! San mo kami papakuhanin ng ganong kalaking pera sa loob ng isang linggo."
"Lor pasensya na, hindi ko alam na ganon ang mangyayari, gusto ko lang na bigyan kayo ng magandang buhay."
Hindi ko masisi si Papa, hindi ko magawang magalit dahil wala namang inisip si Papa kung hindi ang kapakanan namin, yung magkaron kami ng magandang buhay, yun nga lang lagi na lang may nangyayaring hindi maganda kagaya ngayon.
"Maghiwalay na tayo Drigo, mapapahamak mga anak mo dahil sayo."
"Lor huwag niyo naman akong iwan. " Pagmamakaawa ni Papa. "Kung may kakilala lang sana tayong mayaman, hindi tayo mamomroblema. "
"Mayaman?" Biglang nagliwanag ang mukha ni Mama, "Tama ka diyan!" Tumingin sakin si Mama.
Uh-oh mukhang alam ko na kung ano gustong sabihin ni Mama.
"Ma alam ko iniisip mo. Tigilan mo na 'yan dahil hindi mo ako mapipilit. " Sabi ko. "Gagawa ako ng paraan, wag kayong mag-alala. "
ONE WEEK LATER...
Andito ako ngayon sa isang sikat na restaurant na tanging mayayaman lang ang nakakapasok. Pers time ko makapasok sa ganito mga bessy. Ang awkward tuloy, mukha akong basahan sa suot ko na tshirt, pants at sandals. Lumapit ako dun sa receptionist para magtanong.
"Uhmmm... Ano po...".
Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa."Do you have reservation?VIP lang po ang pinapapasok namin."
Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou mettre en ligne une autre image.
"Uhmm...kasama ko si Elle Kreiss. "
Tumawag sakin si Elle kagabi, sabi magkita daw kami dito, sakto naman may sasabihin din ako sa kanya.
Natawa yung receptionist, "Marami na po nagsabi niyan Miss."
"Po? "
" Marami ng fans ni Sir Kreiss ang nagsabi ng line na 'yan, kaya Miss kung pwede lang wag ka na manggulo dito. "
Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou mettre en ligne une autre image.