Admirer

41.7K 1.3K 26
                                    

Chapter 19:

Celestine's POV:

Nang mga sumusunod na araw ay laking pasalamat niya ding umalis muna si Castor sa farm, ang paalam nito kay manang ay ay aasikasuhin daw ito pabalik ng maynila, pero nanlulumo din siyang hindi niya maintindihan dahil umalis ito ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya.

Pero sabi mo kasi ayaw mo ng maging friends kayo diba? Usig ng isip niya.

Pinaikot niya ang mata.

"Oo na, kasalanan ko na" wala sa loob na sabi niya. Gusto na niyang kasing iwasan ito para hindi na siya mahuhulog dito at sinabi lang niyang makikipag date siya, kahit wala naman siyang balak makipag date dahil wala din siyang idedate.

Natawa siya ng mapakla.

Pero ang tanong hindi pa ba siya nahulog dito? Eh parang nade- depressed ang pakiramdam niya, dalawang araw nang wala si Castor sa farm at halos wala siyang ganang kumain kasi iniisip niya ito.

Kung babalik pa ba ito? Or kung titira pa ito dito sa bahay niya.

Or hindi na?

Sumakit ang dibdib niya sa naisip.

Bumuntong hininga siya.

"Ma'am?" Nakarinig siya ng katok sa pinto.

"Bakit po?" Tanong niya.

"Nandito si Andrew"

Si Andrew?

"Ah sige po manang, bababa na po ako" sabi niya dito, wala naman silang usapan na may delivery or kung ano, ano kaya ang sadya nito?

Nang bumaba ay nakita niyang nakangiti ito.

"O Andrew? Napadalaw ka?" Takang tanong niya.

"H-ha oo eh, ano, g-gusto mong mamasyal?" Mabilis nitong sabi, natawa naman siya tapos ay nag isip, sabagay wala naman siyang gagawin.

"Sige, saan ba?" Tanong niya, napansin niyang parang nagulat ito.

"H-ha? Talaga? Sa may piyesta sa kabilang bayan, may perya din" sabi nito, anong meron at parang naiilang ito?

"Ang hilig mo pa ring pumunta sa mga perya noh?" Iyon kasi ang hilig nitong pasyalan simula nung bata pa sila.

"Naalala mo pa iyon?"

"Oo naman! Sige, magbibihis lang ako sandali"
Sabi niya, napansin niyang nakatingin din ang ibang kasambahay sa kanila.

"Gusto niyo ding pumunta?" Tanong niya sa tatlong kasambahay.

"Pwede po?"

"Syempre naman! Basta gawin niyo na muna lahat ng gawain ha?" Nakangiting sabi niya.

Okay na din sigurong lumabas din siya para makalimutan niya si Castor ng saglit.

Nang makarating sila doon ay nagkanya kanya din sila ng lakad, habang ang mga naglilibot sila naman ni Andrew ay sumakay sa mga rides na nakikita nila, tawa siya ng tawa at tuwang tuwa sa mga rides, si Andrew naman tahimik at parang nahihirapan pero tinitiis nito kaya naman pinagtawanan niya ito.

Enjoy na enjoy siya.

Habang kumakain sila ng kwek kwek ay naalala niya si Castor at ang itlog nito...ah iyong itlog joke nito, bahagya siyang namula.

Ipinilig niya ang ulo, dapat hindi na muna niya ito iisipin.

Muna? Wow ha?

Nang narating nila ang isang booth ay namaril ito ng mga maliliit na laruan at hindi niya akalaing magaling itong mamaril, at asintado pa, kaya naman tuwang tuwa siya nung nakakuha siya ng isang malaking stuffed toy na yellow at malaking itik at ang cute.

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon