Denial

43.3K 1.3K 83
                                    

Chapter 11:

Celestine's POV:

"YOU ARE MY PROPERTY! YOU ARE MINE!"

Gigil na tinakpan niya ng unan ang mukha at nagtitili siyang gumulong gulong.

Bwisit.

Hindi siya makatulog.

Hindi niya alam kung kikiligin siya o mabwibwisit na lang.

Hindi siya pwdeng kiligin eh, bakit???

Duhhhh!! Bakla siya!

O mabwibwisit siya kasi sa tingin nito para siyang laruan na pag aari daw nito?

Pero teka?

Diba friends daw sila?

Eh di san banda mailalagay iyong 'You're my property, you are mine' nito?

Di naman pwede sa kung may gusto ito sa kanya kasi bakla ito.

Di rin sa friends sila kasi walang friends na nang aangkin bilang pag aari nito?

Ibig sabihin....siya sa pagiging laruan nito?

Eh di pinaglalaruan siya nito?

Pero bakit?

Di'ba nga tutulungan siya nito? Bakit siya paglalaruan at pag aaksayahan ng oras??

"Bwisit! Argh!" Inis na tumayo siya at pinatungan ng roba ang katawan niyang natatakpan lang ng panty at sandong manipis.

Saka siya lumabas ng kwarto niya.

Nang tinignan niya ang digital clock niya sa bedside ay nakita niyang ala una na ng magaling araw.

Maaga pa siya dapat bukas dahil ito-tour pa niya si Castor sa farm, hindi natuloy ang dapat sanang pag tour niya dito kasi naiilang na siya dahil sa sagutan nila.

Hayun at nagdahilan na lang siyang bukas na at pagod na siya.

Bumuntong hininga siya.

Hindi na niya alam ang iisipin eh.

Nakakaloka na.

Naglakad siya pababa at binuksan ang ref at kumuha ng gatas.

Tulog na kaya ito?

"Ah bwisit, tumigil ka na nga!" Pinagalitan niya ang sarili.

Ano kaya ang gagawin nila bukas kapag tinu-tour niya ito?

Namula ang mukha niya ng maisip na baka kung ano ang mangyayari sa kanila.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Bakla siya, bakla siya, bakla siyaaaa! Paulit ulit niyang sigaw sa isip niya.

Teka lang.

Tinanggap na ba niyang bakla talaga ito? Kasi parang hindi? Denial ba siya? At ayaw niya talagang tanggapin?

Bwisit kasi, ang gwapo niya kasi... bakit ba kasi sa karamihan ng bakla eh ang gugwapo?

Bakit kasi gwapo din ang hanap ng mga ito? Tunog bitter siya kung bakit ba kasi nagkaka crush siya di-

TEKA LANG!

Crush niya talaga si Castor?

"Putekk" nasabi niya.

Celestine, isipin mo na lang kahoy siya okay?

Pero may kahit bang kasing gwapo ni Castor?

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDWhere stories live. Discover now