Taking advantage

40.2K 1.3K 25
                                    

Chapter 16:

Celestine's POV:

Agad na nagpulasan paalis ang mga babae na parang mga dagang nahuli ng pusa.

Hindi niya maintindihan ang inis na nararamdaman niya, gusto niyang pagbuhulin ang mga ito.

"M-maam?"

"Layuan niyo siya" Malamig niyang sabi.

Agad niyang nilapitan si Castor na nahihilo, nang tingnan niya ang iniinom nito ay nakita niyang gin ang nasa harap nito.

Diyos ko, kapag gin pa naman matatanggal ang kaluluwa mo.

Masama niyang tinitignan ang mga babae agad namang yumuko ang mga ito.

"Alam niyong dayuhan siya, nananadya ba kayo?"
Sikmat niya.

Nakita niyang nag alisan na ang mga ito.

Gustong niyang sapakin ang mga ito dahil sa inis.

Natutop niya ang noo ng makitang wala man lang naging chaser si Castor.

Kapag gin pa naman hindi agad maalis sa sistema sa katawan.

"Castor?" Untag niya dito pero wala at halatang lasing na lasing na.

"Castor?" Nakita niyang dumilat ito at tinitigan siya.

"Oh, an angel" slurred ang pagsasalita nito.

"Hindi ako anghel, si Celestine 'to"

"Rightttttt, Celestine is an evil person" sabi nito, amoy na amoy niya ang hininga nito, napakabango pa din niyon kahit na nahahaluan na iyon ng alak.

"Evil? Why?" Tanong niya, kailan siya naging masama dito? Sinenyasan siya nitong lumapit dito, umupo naman siya sa tabi nito saka ito lumapit sa kanya at naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa tenga niya.

"An evil with a banging body" bulong nito sa kanya.

Ha?

Namula siya.

Tumatawa naman ito.

Pinagtitripan ba siya nito?

"Siraulo, halika na, umuwi na tayo" sabi niya.

"Nooooo"

Umiling siya.

"Where's my Celestine?" Tanong nito na ikinabilis ng tibok ng puso niya.

My Celestine...

Napalunok siya, inulit ulit niyang lasing lang ito.

"Nasa harap mo" wala sa loob na sabi niya.

"You don't look like her, she's wayyyy to pretty and you're wayyy tooooo blurryy" tumawa pa ito at namumula ang pisngi nito.

Ano daw? Siya maganda?

Sheeetttt, lasing siyaaaa!!

Bwisit naman kasi bakit ba kasi itong naglalasing? Kung ano ano na tuloy naiisip niya, agad siyang tumawag ng mga trabahador para tulungan siyang iuwi na ito at ng hindi kung ano ano ang pumapasok sa isip niya.

Habang nagmamaneho siya  ay pasulyap sulyap siya sa kay Castor, ang gwapo pa din kahit tulog, pero ang cute cute niya, ampula pula ng pisngi nito.

Pero hindi na ito cute ng bigla itong simula sa sasakyan, napangiwi siya.

Nang makarating sila sa bahay nila ay tumawag siya ulit ng tutulong sa kanya para buhatin ito.

Lawit na ang dila nila ng sa wakas ay naipasok nila ito sa kwarto nito.

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon