Chapter 6: Second Attempt

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko namalayan na medyo matagal na pala ang pagtitig ko sa kanya. Natauhan lang ako ng makita kong pulang pula ang pisngi ni kuyang kumausap sa akin noon.

"A-ayos kalang ba? May lagnat kaba?" Tanong ko sa kanya at akmang hahawakan ko na sana ang noo nya ng may humatak sa kanya paalis sa harap ko at napalitan ng dalawang lalaki na parehas ang mukha. Ohmygass!!! Parehas sila ng mukha!!! Kambal talaga at ang cute naman nila... natulala naman naman ako kasi first time ko makakita ng kambal at nakaka amaze talaga!!
^______^

"The f*ck Smith?!?! Do you wanna die now?!? Pasalamat ka at wala pa si Boss dito kundi bulagta ka na sana dyan!" Pasigaw at galit na sabi ni kuyang nakasalamin at mukhang napakaseryuso. Huhuhuhu.... Bakit ba niya inaaway si kuyang nakausap ko noon? Wala naman siyang ginawa ahh.

Nagulat nalang ako ng bigla akong hawakan ng kambal sa magkabilang balikat at giniya papunta sa isang isolated na part ng hotel.

huhuhuhuhu.... Dito naba nila ako papatayin?!? Ayaw ko pang mamatay sabi ehh!! Kailangan kong maka isip ng paraan para makatakas. Isip2x...... for my bright future.

...

...

...

Tama! Magpapanggap nalang ako na naiihi ako tapos tatakasan ko sila. hihihihihi.... kailangan ko nalang na mag-acting ngayon.... minsan ko narin kasing pinangarap na maging artista eh, matry nga.

Bago pa kami makapasok sa isang kwarto ay nag start na akong mag acting.

"Kuyang kambal, pwede po bang makapag CR muna ako? Naiihi na talaga ako kanina pa eh. Please po sandali lang naman." Sabi ko sa kambal na nakahawak sa akin tapos lahat sila ay tumingin sa akin. Sila ba si kuyang kambal? Assuming naman nila, hininaan ko na nga yung boses ko para itong kambal lang ang makarinig sakin.

"No. Let's keep moving." sabi ni kuyang nakasalamin, ang sungit naman niya. ~___~

Siya ba ang kausap ko?

"Mga kuya hindi naman po ako magtatagal. Iihi lang po ako tapos ok na. Ang hirap na kasing pigilan." Sabi ko habang nakatingin sa kanilang lahat. Mukhang hindi sila naniniwala kaya bago paman sila makapagsalita ay inunahan ko na.

"Mabilis lang naman po eh, please?" Last natong bala ko kaya mas pinalambing ko pa ang boses ko with puppy dog eyes pa. Tinitigan ko sila isa2x sabay sabing please. Ganito rin yung ginagawa ko kay ninong, dylan at bessy pag gusto kong gumala tapos hindi nila ako pinapayagan. Hihihihi.... effective kaya yun palagi, walang palya! Tsaka expert na ako dyan eh!

At gaya nga ng inaasahan ay lumambot ang mga expresyun nila at napabuntung hininga nalang. Yessss! Nagcecelebrate nako sa loob loob ko!! Hihihihi.... pakiramdam ko tuloy ang sama ko. 

*evil laugh*

"Come on. Dito kana magCR kasi mas malapit." sabi ni kuyang tinawag nilang Scott.



O_O


Sila talaga lahat ang sasama sa akin papuntang CR?!? Naman ihh.

Binitiwan na ako ng kuyang kambal tapos pagpasok ko sa restroom ay isasara ko na sana ng bigla akong pigilan ni kuyang nakasalamin.

"What are you doing? We're going in also." Masungit niyang sabi. Naku naku ang taray nya para sa lalaki ha?!? Pero tama ba yung narinig ko?!? Papasok rin sila? Ano sila babae para pumasok? Omg! Baka babae nga naman sila? Sayang naman... ~_~

"Ha?!? Bakit po kayo papasok?!? Babae po kayo?" Nagtataka kong sabi sa kanya, habang yung mga kasama niya naman na nakarinig ng sinabi ko ay humagalpak ng tawa. Tama naman ako diba?!? Nakakatakot na talaga tung si kuyang nakasalamin.

"Come on Bro. Let her do her business. Let's just wait here." Sabi naman ni kuyang kinausap ako nuon. Sumang-ayon naman ang iba nilang kasamahan habang yung mga MIB naman ay tahimik lang at parang walang paki alam.

Sinara ko na ng maigi yung pinto ng restroom tapos ni lock ko pa talaga. Hihihihihi... ang bad ko na talaga.


^_______^


Pagkatapos kong i-lock iyon ay nakita ko agad yung maliit na window sa ibabaw ng isang cubicle kaya tumuntong agad ako at lumusot. Mabuti nalang talaga at may kaliitan ang katawan ko kaya nagkasya. Pagkababa ko agad ay tumakbo na ako paalis. Nasa parking lot pala ako.. medyo malayo 'tong parking lot na 'to sa main high way ah. Habang tumatakbo ako ayy palinga2x ako kasi baka nahalata na nilang tumakas ako tapos hinahabol na pala nila ako.


takbo..

takbo...

takbo....


o_O

W-what?!? huhuhu... paglingon ko sa likod ko ay nandyan na nga sila at hinahabol ako. Mas binilisan ko pa ang takbo ko kasi takot ko lang mahuli ako huhuhuhu...

Aray!! Huhuhu... ang sakit ng braso ko,.. nadapa na naman ako. Paglingon ko sa likod ay napa angat ako bigla at tumakbo ulit. Ang lapit2x na kasi nila at parang may tinatawag na back up. huhuhuhuhu.... mamamatay na talaga ako nito ehh.

Nasa main highway na ako pero bakit parang walang mga sasakyan dito?!?! Asan na ang mga sasakyan na nagdudulot ng traffice dito?!? Bakit parang naging disyerto 'tong highway ngayon? Imposible naman talaga. Huhuhu.... paano na ako tatakas nito?!? Kainis! Alangan naman takbuhin ko lang tapos habol parin sila ng habol sa akin edi mahuhuli lang nila ako sa huli. Nagpalinga linga ako tapos may nakita akong bike. Nilapitan ko ang bike tapos ang swerte ko ata ngayon kasi wala siyang lock. Yesshhh!! Agad kong sinakyan ang bike tapos nagpadyak ako pauwi.

Paglingon ko ay naku naman!! Hinahabol parin ata nila ako kasi tatlong itim na kotse ang nasa daan, nandito lang kasi ako sa gilid eh.

"Miss, please huminto kana bago ka paman masaktan!!" Biglang sigaw ni kuyang nakausap ko na noon. Ayaw ko nga!! Ibenta pa nila organs ko eh. Kaya niliko ko ang bike ko tapos sa may eskinita ako dumaan yung hindi magkakasya ang sasakyan tapos dumaan ulit ako sa shortcut na madalas kong daanan mula mall papunta sa apartment ko. Ang bilis ng pagpapatakbo ko sa bike ko yung tipong nililipad yung buhok ko-- hala! Kinapa ko yung ulo ko tapos nanlumo kasi yung favorite cap kung si spongebob ay nawawala. Huhuhuhu... baka nilipad ng hangin sayang naman... regalo kasi yun ni ninong sa akin noong 16th birthday ko.

Huhuhuhuhu.... pero dahil sa cap ni spongebob ay nakarating ako ng ligtas sa apartment namin ni bessy. Palingon lingon na rin ako kanina at mukhang naiwala ko na talaga sila. Hihihi... ang galing ko talaga.

^____________^

Buti nalang pagdating ko sa apartment namin ay wala pa si bessy. Kaya naligo na ako agad at pumunta sa kitchen para kumain ng-- "Ahhhh!!! Strawberries and chocolates ko!!" Sigaw ko dito sa kusina... Paano ba naman ay hindi ko matandaan kung kelan ko nawala yung favorites ko.

Huhuhuhu.... di bale si Bessy nalang ang pabibilhin ko. Mahirap ng bumalik nanaman ako sa mall baka kasi nandon na naman yong mga kuyang weird at tuluyan akong makuha para ibenta ang lamang lood ko. Huhuhuhu..... nakakatakot talaga. Ang muntik na akong mamatay pero buti nalang nakatakas ako. hays..... makatulog na nga muna.

Zzzzz....

---------------------------------

Salamat po sa lahat ng nagbabasa nito! Comment lang po kayo for any feedback. And please don't forget to vote. Thanks!!

The Possessive Mafia's BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon