IKALABING ISANG KABANATA: Ang Tunay na Kwento

2.8K 124 50
                                    

Naghintay si Paoline at Xander sa may gilid. Sobra nang naiirita si Paoline samantalang si Xander ay desididong maghintay.

“Xander kailangan mo pa ba talaga siyang kausapin?”

“Pao naman, matagal akong walang balita sa kanya at isa pa, may pinagsamahan kami.”

“That’s exactly my point, Xander. May pinagsamahan kayo, she loved you nakalimutan mo na ba? Your relationship used to be so special way back then.”

Huminga ng malalim si Xander. “Paoline, please. Gusto ko lang siyang makausap. That’s it.”

“Fine.” Tumingin si Paoline sa malayo at humalukipkip.

“Pao, naman, e.”

Sinubukang suyuin ni Xander ang kasintahan pero binalewala siya nito hanggang sa dumating na si Rain.

“Sorry ha? Pinaghintay ko kayo.”

“It’s okay. Kung gusto niyong mag-usap, I think it would be better kung sa Restaurant tayo mag-usap. C’mon Rain, we’ll give you a ride,” sagot ni Paoline.

“Sabihin niyo na lang sa’kin kung saang Restaurant, may kotse naman ako, e.”

“May kotse ka na?”

“Oo naman, Xander. Ano? Saang Restaurant tayo?”

“Gabriella’s.”

Napatingin si Xander sa kasintahan dahil alam naman nitong minsan silang nagkatrabaho ni Rain sa Gabriella’s Restaurant pero bakit doon ang pinili niyang lugar.

“Grabe! Ang sarap pa rin ng pagkain nila dito,” panimula ni Rain “Ang tagal ko na rin hindi nakakain dito.”

“Ikaw eh, nag-resign ka dito tapos bigla ka na lang umalis,” deretsahang sagot ni Xander.

“Bakit ka nga pala biglang nawala? I mean, hindi ka man lang nagpaalam. Dahil ba sa nangyari noon?” tanong ni Paoline.

“A, ‘yun ba? Sorry ha kung bigla na lang akong umalis. ‘Yung mga nangyari noon, hindi ‘yun ‘yung dahilan kung bakit nawala ako. Ang totoo niyan na-ospital kasi ako, e.”

Nabitawan ni Xander ang hawak niyang kubyertos at napatingin kay Rain. “Anong na-ospital? Bakit? Kailan? Saan?”

“Ang OA Xander ha! Tanda mo ba noon? Ang bilis kong mapagod tapos umuubo ako kapag hinihingal saka kapansin-pansin ‘yung pagpayat ko. Ayun ‘yun, may sakit kasi ako.”

When Rain FallsWhere stories live. Discover now