IKAWALONG KABANATA: Nakaraan at Kasalukuyan

3.4K 124 18
                                    

Nakapag-ayos na si Xander ng sarili at nakapaghanda na rin ng gamit pero nagtataka siya kung bakit wala pa rin si Rain. Kanina pa siyang nakaupo sa sofa nila at naghihintay pero pa ring Rain na dumadating. Nag-aalala siya para dito dahil nang tinignan niya ang cellphone pagkagising niya ay napakadaming missed call at text ni Rain sa kanya.

“Naku anak, baka nauna na ‘yun sa trabaho niyo. ‘Wag mo na siyang hintayin baka ikaw naman ang ma-late,” sabi sa kanya ng kanyang ina.

Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ng ina. Umalis na siya ng bahay at dahil wala si Rain ay nag-commute na lamang siya papunta sa trabaho. Pagdating niya sa trabaho ay laking pagtataka niya kung bakit wala si Rain. Miski sa school nila ay wala rin si Rain. Ipinagtanong niya sa mga kaklase ni Rain kung may balita ba sila pero wala siyang nakuhang impormasyon. Kaya wala siyang nagawa kundi ang puntahan siya sa bahay nito. Kaya lang ay nagdalawang isip pa siya dahil siguradong magkikita sila ni Paoline. Pero sobra na tlaga siyang nag-aaalala kay Rain kaya itinuloy na lang niya ang pagpunta.

Pagdating niya sa mismong tapat ng bahay nila Rain ay laking gulat niya nang nakita niya si Rain na umaakyat sa puno.

“Ulan!” tawag niya kay Rain.

Napatingin sa kanya si Rain at napansin niyang namumutla ito. Bumaba si Rain mula sa puno at nakangiting lumapit sa kanya.

“Boss! Bakit andito ka?”

“Bakit hindi ka pumasok sa trabaho? Saka sa School? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko?”

“Ang dami namang tanong! Ganito po kasi ‘yan, kagabi kasi tintext kita saka tinatawagan. Gusto ko sanang ipagawa sa’yo ‘yung assignment ko kasi antok na antok na talaga ko. Kaya lang hindi ka nagrereply so ginawa ko na rin lang. Kaya lang paggising ko kaninang umaga bigla na lang akong nahilo tapos sabi ni Nanay bumagsak daw ako. Kaya pinagpahinga na lang ako ni Nanay, hindi na ko nakapasok. Saka kakagising ko lang kasi kaya hindi kita kaagad nireplyan.”

“Ayun pala, e! Nahilo ka pala eh bakit nangangalakyat ka na kagad sa puno?! Paano kung mahilo ka ulit at bumagsak ka mula sa puno? Ha?!”

“Teka, ‘wag mo naman akong pagalitan. Hindi naman ako mahihilo kung hindi ako nagpuyat, e. At hindi ako mapupuyat kung tinulungan mo kong gawin yung assignment ko.”

Napatahimik si Xander at naisip niya ang nangyari kagabi. Kung hindi lang sana siya masyadong nagpaapekto nang nakita niya si Paoline, siguro nga ay hindi nahilo si Rain.

Tinignan niya si Rain. “Sorry ha? Halika nga dito, masyado mo kong pinag-aalala, e.”

Marahan niyang hinigit si Rain papalapit sa kanya at niyakap siya ng napakahigpit na siya namang ginantihan ni Rain.

“Wala ka bang kasama? Wala si Tita?” tanong niya kay Rain habang hinahaplos-haplos ang buhok nito.

“Wala eh, nasa mansyon naglilinis.”

When Rain FallsWhere stories live. Discover now