VOTE AND COMMENT KUNG NAGUSTUHAN :)
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Tao po! Tao po! May tao po ba?! Xander James! Pabukas!"
Napabalikwas ng bangon si Xander dahil sa ingay na narinig mula sa labas. Kinusot niya ang mata niya at padabog na pumunta sa may bintana para silipin kung sino ba ang tawag ng tawag. Pagkasilip niya ay nakita niya si Rain na may dalang bisekleta at nagpanama ang kanilang mga paningin.
"Hoy, Xander! Bakit ba hindi mo ko pagbuksan? Kanina pa ko tawag nang tawag sa’yo ah!"
Napasapo sa noo si Xander. Nalaala niya kasi na sasamahan niya nga pala ang babae sa pinagtatrabahuhan nito. "Oo na! Andyan na!"
Naghilamos muna siya at nagmumog bago dumeretso sa pinto ng kwarto. Pero pagkabukas niya ng pinto ay bumulugta ang kanyang ina sa sahig!
"Mommy! Ano ba kasing ginagawa mo dito sa tapat ng kwarto ko?! Ayan! Nabagsak ka tuloy!" Tinulungan niyang tumayo ang kanyang ina.
"Eh paano kasi ‘yang babae mo! Kanina pa sigaw nang sigaw sa labas kaya pupuntahan na sana kita."
"Mommy! Hindi ko babae ‘yun! Tara na nga sa baba." Sabay na bumaba ang mag-ina.
"Si Daddy? Hindi na naman ba umuwi?"
"Anong bago dun anak? Saka mas gugustuhin kong huwag umuwi ang demonyong iyon kesa umuuwi nga dito lasing na lasing naman, nagwawala pa!"
Napabuntong hininga na lamang siya at umiling-iling. "Puntahan ko lang si Rain."
"Rain? Aba'y kagandang pangalan ah? Umuulan!" at tumawa nang tumawa ang ina nito kahit hindi niya malaman kung ano bang nakakatawa dun.
Lumabas na siya at sinalubong kaagad siya ng sunod-sunod na hampas ni Rain.
"Aray naman hoy! Ano ba? Masakit!"
"Loko ka! Kanina pa ko naghihintay sa’yo!"
"Pasensya naman ho! Kakagising ko pa lang. Teka nga, pumasok ka na muna sa loob. Mag-aayos lang ako, hintayin mo ko ha?"
"Asus! Kahit hindi ka na mag-ayos pogi ka na!" at ginulo-gulo ni Rain ang buhok niya habang tumatawa.
"Puro ka kalokohan! Ipasok mona lang yang bike mo sa loob, baka manakaw pa yan."
BINABASA MO ANG
When Rain Falls
Short StoryC O M P L E T E D Highest rank: Short Story #8 Because when rain falls, teardrops will follow.
