Naghihintay si Rain sa labas ng classroom ni Xander para sabay na silang kumain. Inamoy niya ang lunchbox na dala niya. Luto ito ng kanyang ina at pinabaunan din nito si Xander.
Inabangan na niya si Xander na lumabas dahil naglalabasan na rin ang mga iba nitong kaklase. Ang iba pa nga sa mga ito ay binabati siya na ginagantihan rin naman niya ng ngiti.
Hindi nagtagal ay nakita na rin niya si Xander. Nagtataka pa siya kung bakit parang iba ang aura nito.
“Boss! May problema ba?”
“Iniisip ko kung paano magkakaron ng kapayapaan sa Pilipinas.”
“Sira!” Pabiro niyang binatukan si Xander.
“Sinasadista mo na naman ako! Bakit ka ba andito? ‘Di ba sabi ko ako ang susundo sa’yo, saka may klase kayo ‘di ba?”
“Maaga kaming pinauwi ng Prof namin, e. Tinatawag na ata ng kalikasan.”
“Loka-loka. Tara na sa canteen. Gutom na ko.”
“Ay teka Xander! May dala ko para sa’yo, si Nanay nagluto niyan.”
“Ayos ah! Makakatipid ako!”
“Timang! Tara na.”
Naunang siyang maglakad pero napalingon siya kay Xander. “O? Bakit nakatayo ka lang diyan? Akala ko ba gutom ka na?”
Ngumiti lang sa kanya si Xander at sumunod na rin ito.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na rin sila sa kani-kanilang klase.
Kagaya ng nakagawian ay sabay silang pumasok sa trabaho sa Restaurant gamit ang bisekleta. Inihatid rin ni Xander si Rain pauwi.
“Sige na, pasok ka na sa loob. Uwi na ko.”
“Ang daya! Hindi mo ko ihahatid hanggang sa bahay namin? First time ‘yan Xander, a!”
“Gabi na kasi, e.”
“E, mas gabi ka pa ngang umuuwi dati, e.”
“Oo na, ihahatid na kita.”
“Sige, ‘wag na lang.”
“Ang gulo naman nito.”
“Parang napipilitan ka lang, e.”
BINABASA MO ANG
When Rain Falls
Short StoryC O M P L E T E D Highest rank: Short Story #8 Because when rain falls, teardrops will follow.
