"MAGNANAKAW!"
Sa sobrang lakas ng sigaw ni Rain ay napatigil ang lahat ng tao na nakapaligid sa kanya. Lahat sila ay tumingin sa kanya at halos lahat ay hindi maipaliwanag ang reaksyon: Merong nagulat, merong natawa, at meron ding naguluhan.
"Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Sabi ko may magnanakaw! Habulin natin siya!"
At dito na napagtanto ng mga taong nakapaligid sa kanya ang nangyari. Nagsigawan ang mga kababaihan at nagsipagtakbuhan ang mga kalalakihan upang habulin ang magnanakaw.
Ang Sitio Magulong Buhay ay kilala bilang isang pinakamagulong Sitio. Nagkalat ang mga magnanakaw, mga tsismosa, at mga manggagantso. Sa totoo lang ay wala nang mga masasamang loob sa impyerno dahil asa Sitio Magulong Buhay na sila. Ngunit sa lugar na ito ay matatagpuan pa rin ang mga taong may malasakit sa kapwa, mga taong may mabuting loob. Sa lugar na ito ay magkakahalo ang mga iba't-ibang uri ng tao.
"Kuya, may magnanakaw! Habulin natin siya dali!"
Agad hinawakan ni Rain ang bag ng lalaking nakasabay niya sa daan at hinila nang hinila.
"Teka lang, teka lang, Miss! May klase pa ko, baka malate ako!"
"Wala akong pakealam! Basta habulin natin ‘yung magnanakaw! Isa siyang kampon ng dilim!"
Walang nagawa ang lalaki kundi ang magpahila sa kanya kahit kapansin-pansin naman na madami na’ng humahabol sa magnanakaw.
"Ayun ‘yung magnanakaw!"
Bigla na lamang niyang binitawan ang bag ng lalaki at tumakbo ng mabilis kaya nasubsob ang mukha ng lalaki sa semento. Labis na nagalit ang lalaki. Sino bang hindi magagalit sa ginawa ni Rain? Matapos manghila ay bigla na lamang mang-iiwan.
"Hoy babae! Bumalik ka dito!"
Hinabol ng lalaki si Rain. Kaya lumabas na hinahabol ni Rain ang magnanakaw, hinahabol ng lalaki si Rain at kasunod nilang tumatakbo ang mga taong naghahabol sa magnanakaw. Nang mga oras na iyon ay buong giliw na naghahabulan ang mamamayan ng Sitio Magulong Buhay.
Malapit nang mahabol ni Rain ang magnanakaw kaya lang ay bigla siyang huminto dahil may bukas na manhole sa daraanan niya. Lilipat sana siya sa kabilang daanan para muling habulin ang magnanakaw kaya lang ay naabutan siya ng lalaki.
"HOY!" Hindi napansin ng lalaki ang bukas na manhole kaya natulak niya si Rain dahilan para mahulog si Rain sa bukas na manhole!
Napunta ang antensyon ng mga tao kay Rain at sa lalaki at nawala na sa isipan nila ang magnanakaw. Mabilis na naghubaran ng t-shirt ang mga kalalakihan at pinagkabit-kabit para ihulog ito sa manhole at tulungan si Rain na makaalis mula sa manhole.
Napatanga na lang ang lalaki sa mga nangyayari. Sa totoo lang ay natutuwa siya sa pagkakaisa ng mga taong nakikita niya para lang mailigtas ang babaeng naging dahilan kung bakit napirat ang ilong niya sa semento.
BINABASA MO ANG
When Rain Falls
Short StoryC O M P L E T E D Highest rank: Short Story #8 Because when rain falls, teardrops will follow.
