IKA-ANIM NA KABANATA: Unang Halik

3.7K 153 24
                                        

Tahimik at nakayuko na naglakad si Rain papasok ng Classroom habang nakatingin sa kanya ang mga iba pang estyudyante. Nakakahiya man ang sinapit niya ay hindi niya mapigilang mapangiti.

Habang nagkaklase ang Prof. nila ay panay lang ang kwentuhan ni Rain at ng kaibigan na si Pipoy. Idino-drawing nila ang matabang Prof at kung anu-ano ang sinusulat kaya parehas nilang pinipigilan ang pagtawa.

“Drowingan mo ng mansanas sa bibig,” bulong ni Rain kay Pipoy at parehas nilang pinigilan ang tawa kaya lang may naramdaman si Pipoy na may tumama sa kanyang chalk.

“Hala, Pipoy may sariling buhay yung chalk!”

Napatingin sila parehas sa Prof nila nang biglang kunin nito ang dinrowing nila. Napatungo na lamang silang dalawa at halos mabasag ang eardrums nila sa lakas ng sigaw ng prof nila. “Ms. Rain Angelica Jewel Santos, Mr. Philip Valencia, GET OUT!!”

Nakatungo at nahihiyang lumabas ng classroom sina Philip at Rain.

“Paano na tayo Rain?”

“Maghintay na lang tayo ng himala.”

Umupo silang dalawa sa malapit na hagdan at humalumbaba doon. Madaming estyudyante ang dumadaan at panay ang bati kay Rain.

“Pwede ka na talagang kumandidato, Rain. Ang daming nakakakilala sa'yo.”

“Oo kilala nila ko. Pero hindi naman nila ko lubos na kilala. Iilan lang kayong totoong nakakakilala sa'kin.”

“Ang drama mo, Ulan!”

Pabirong siyang binatukan ni Pipoy kaya gumanti siya dito.

“Epal mo ha! Konyatan kaya kita? Ha? Gusto mo? Gusto mo?” Dumukwang pa siya para lang hampasin si Pipoy.

“Rain, Rain go away!” Pilit na umiilag si Pipoy sa mga palo at hampas ni Rain.

Tumigil naman siya sa pagpalo at muling humalumbaba.

“Rain?”

Napalingon silang dalawa sa mas mataas na baitang ng hagdan at nakita nila si Xander.

“Hala lagot ka. Baka pagalitan ka ng syota mo,” bulong ni Pipoy sa kanya kaya nasiko niya ito.

Tumayo silang dalawa at hinarap si Xander. Pababa na si Xander nang napagpasyahan ni Pipoy na iwan muna silang dalawa.

“Bakit andito kayo sa labas? May klase ka 'di ba? Saka bakit magkasama kayo?”

“Ikaw? Bakit andito ka sa labas? May klase ka rin 'di ba?”

“Nagpaalam ako sa Prof ko na magsi-CR. Ikaw?”

“Ah ano kasi.. Ah.. Kailangan mo ng CR? So naiihi ka? Sige CR ka muna, aalis na ko!”

Tatakbo na sana siya pero nahawakan siya ni Xander sa laylayan ng polo blouse nito.

“Saan ka pupunta? Tatakasan mo ko? May tinatanong pa ko 'di ba?”

 “Xander naman eh! Bitawan mo blouse ko, magugusot!”

Binitawan naman siya ni Xander kaya naisipan niyang tumakbo ulit at nagtagumpay naman siya.

Pero hindi padadaig itong si Xander dahil hinabol niya si Rain.

“Rain Angelica, bumalik ka dito!”

When Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon