Chapter 31: Everybody's Pain

Magsimula sa umpisa
                                    

"May ichecheck lang ako. Magaral ka na ulit. Wala na akong gana. Babalikan kita mamaya"

Dalawang beses niyang mahinang tinapik ang ulo ko bago umalis sa harap ko at sinarado ang pintuan ng kwarto ko. Kung saan siya pupunta ay hindi ko alam. Hindi ako nakakilos sa pagkakaupo ko kasi natanga parin ako sa mga sinabi niya.

Ang almighty na si Clyde at ang babaeng hindi deserving sa affection niya. Sobrang gulo. Sobrang nakakalito.

Kahit na mahirap ay tinuloy ko ang pagaaral. Napapatingin ako sa pinto tuwing akala ko ay padating na ulit si Clyde. Kaso magaalas kwatro na ay wala pa siya. Hinubad ko angvsuot ko na cap at napa buntong hininga. Lumabas ako ng kwarto para huminga. Hindi naman na pumapasok ang mga inaaral ko kasi lagi kong naaalala yung itsura ni Clyde pag kinakausap niya ako tungkol sa sitwasyon namin.

Ni minsan hindi niya iniwas ang mga mata niya sa akin. Seryoso seryosong siya.

'Saan ka pupunta?"

Halos mapatalon ako nung narinig ko ang boses ni Clyde.

"Magpapahangin lang sana."

"Bakit dito pa?" pagtataka ni Clyde. Kinuha niya yung kamay ko at naglakad palayo sa tapat ng kwarto ko "I have a better idea than yours"

Hindi ko na pinansin yung huling sinabi ni Clyde. Sa ngayon kasi mas nakatuon ang mata ko sa ayos ng pagkakahawak ng kamay namin ni Clyde. Nasasanay na siyang hawakhawakan ang kamay ko ng walang abiso. At kahit na alam kong ganun ang gawain niya at hindi ko parin makuhang masanay. Laging nagfiflip ang tiyan ko tuwing ginagawa niyang hawakan ang kamay ko.

Nakarating kami sa parking lot nung villa. May kinuha si Clyde mula sa bulsa niya habang di niya parin binibitawan ang kamay ko.

"Lets go for a ride" nakangiti niyang sabi sa akin nung pinakita niya ang susi na hawak niya.

Kumunot ang noo ko at hinila ang kamay ko mula sa kanya "Wala ka pa namang lisensya ah? Ano na namang kalokohan ang iniisip mo? Pano pag napahamak ka?"

Natawa si Clyde sa sinabi ko. "Concern ka sa akin? Edi sumama ka." Sumandal si Clyde sa pickup na nasa harap namin. Ibang iba to dun sa Jolly Roger niya.

"Ayoko nga. Maaksidente pa ako"

"Then stay here." matigas na sabi ni Clyde.

Sa gulat ko sa sinabi niya ay agad kong hinila ang Jersey na suot niya. "Ano ba Clyde?! Wag na matigas ang ulo mo"

Hindi siya huminto kaya nabitawan ko na yung damit niya. Nagpatuloy lang siya sa pagangkas dun sa likod ng pickup.

"Maiwan ka diyan ha. Go and read your books but I am telling you that's not the way you will learn in life"

May sense ang sinabi ni Clyde pero ayokong magpatalo kahit na alam kong lagi siyang nanalo sa akin.

"Anong gagawin ko pag may nangyari sayo ha?" halata ang pagaalala sa boses ko.

Lumapit si Clyde sa may bukana nung pickup at nilahad niya sa akin ang kamay niya.

"Sumama ka para malaman mo"

Yun na yun. Talo na ako sa sinabi niya. Inabot ko yung kamay niya at binuhat niya ako paangkas dun sa likod ng pick up truck.

"Alam mo kung ano ang bagay na di mo kaya? Hindi mo kayang sumugal. Akala mo ako ang magdadrive nitong pick up na to? No, I will not do anything to make you in danger. Ang gusto ko lang ay magrisk ka para sa akin kasi lahat ng ginagawa ko ngayon ay parang suntok sa buwan pero wala akong pakialam. Kung ikaw ang makukuha ko sa dulo, walang wala sa akin ang sugal na ito"

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon