15 | Unknown Visitor

386 16 1
                                    

YASMIN's POV

Sinukat ko lahat ng damit na pinili ni Ate Jill. Bawat isang outfit ay pinapalabas ako nito para tignan kung bagay ba sa 'kin o hindi.

"Bagay naman sa 'yo eh. Pero bakit parang may kulang pa din?" nakapalumbabang sabi nito habang umiikot ikot sa akin. "Hmm.. I think you need to learn how to pose."

"P-Pose?"

"Yes, pose. Actually let's also include walking, sitting, standing and proper posture."

"Kailangan po ba 'yon kapag magsusuot ng mga ganitong damit?"

"Of course, it is!"

"Hindi ako —"

"That's why I'm here. Tama nga si Justine, you need me in this kind of things. Kailan ang pageant? Alam mo na ba kung ano ang gagawin mo? Do you have any plans to win?"

"P-Po?" nabibilisan ako sa pagsasalita nito. Parang nagmamadali at may hinahabol na kung ano.

"Wait," may nilabas itong measuring tape at pinaikot sa beywang ko. "Gaano ka ba karami kumain? Do you do diets? Exercises? Don't take it hard I just want to know so that I can help you properly."

"Ate."

"If you don't do those kind of things then I advise you to start doing them."

"Ate!"

Lumingon ito kay Justine. "What?"

"Don't pressure her."

"I'm not." nilingon ako nito. "Right?"

Tumango tango na lang ako dahil wala akong masabi. At mukhang 'yon din naman ang gustong makita nitong reaksyon ko. Isa pa, hindi ako aarte na parang hindi ko gusto. Ako ang lumapit para humingi ng tulong.

Pagkatapos kong isukat lahat ng damit binigyan ako nito ng ilang payo sa pananamit. Ang sabi nito kailangan ko daw matutunan ang lahat ng ituturo niya. Gusto kong manalo sa pageant kaya susunod ako.

"Yasmin, always remember how to keep your poise everytime you walk, talk, stand and sit."

Nandito ako ngayon sa bahay nito. Hindi ko kasama si Justine dahil meron daw siyang gagawin. Hinatid lang niya ako papunta dito tapos ay umalis din siya kaagad.

Napakagat labi ako. "Sorry po."

"I already told you not to use honorifics. Bakit di mo 'ko tawaging Ate Jill gaya ng pakiusap ko?" tanong nito. "Don't tell me -"

"Hindi po.."

"Are you scared of me? Or am I pressuring you?"

Hindi ako umiling gaya ng ginawa ko kanina at nanahimik lang ako.

"I guess its both." ang sabi nito sa nagtatampong boses.

"P-Pasensiya na po hindi kasi ako sanay sa mga ganito.."

Nagulat ako nang lumapit ito sa 'kin at hinawakan ako sa dalawang kamay. "Its alright. I do understand. Pagpasensiyahan mo na 'ko sa pagiging strikto ko. Actually, sa ganitong paraan ko pinalaki si Justine."

"Po?" tinignan ako nito ng seryoso. "A-Ate Jill?"

Ngumiti ito bigla.

Nakakailang na tawagin siyang Ate. Biruin mo ba naman mukha ko lang siyang ka-edad. Isa pa, wala naman akong kapatid kaya wala akong natatawag ng gano'n.

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now