12 | Alalay

310 17 0
                                    

YASMIN's POV

Pagkatapos ng ilang subjects namin ay tumunog na din ang bell. Sa wakas! At dahil uminom ako ng kape kanina nagugutom na ko.

"Yasmin, pwede ba 'kong sumabay sayo kumain?" tanong ni Justine habang pinapanuod akong nag-aayos ng mga gamit ko.

Nginitian ko siya tsaka tumango.

"Saan tayo kakain?"

"Mmm.. Sa Cafeteria na lang, nakalimutan ko kasi na magbaon ng pagkain kanina."

Tumayo siya sa upuan niya.

"Nagbabaon ka pala —"

Tumayo na din ako. "Oo. Taraaaaa!"

Papalabas na kami ng room nang biglang unahan akong lumabas ni Jaycee na sinundan nila James at Paolo. Si Gian naman ay tinignan muna ako bago sumunod sa mga kaibigan niya.

Bakit ba ang lungkot lagi ng mga mata niya?

"Bastos talaga ang Jaycee na 'yon.." dinig kong bulong ni Justine kaya nilingon ko siya.

"Hayaan mo na.. Tara na! Gutom na 'ko eh HAHAHA"

"Mmm, sige."

Pagdating namin sa Cafeteria pinagkakaguluhan na 'yong apat as usual.

"Pumili ka na ng table na uupuan natin, oorder lang ako."

"Ay teka!"

"Bakit?"

"Kumakain ako ng kahit na ano pero sana pagdating sa inumin.. 'yong Grape Juice ang gusto ko."

Natatawang tumango ito bago umalis.

Buti nalang libre ang pagkain dito kung hindi makakagastos talaga ako! Nakaramdam ako na may nakatingin sa 'kin kaya naman binigla kong lumingon sa direksyon kung saan ko nararamdaman galing ang tingin na 'yon.

At tamang-tama dahil nahuli ko si Jaycee na nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko.

Anong problema nitong unggoy na 'to?

Parang naiinis na inalis niya ang mga tingin sa 'kin at humarap sa mga kaibigan niya.

"Baliw.." ang bulong ko sa hangin.

Napatingin naman ako kay Gian.

Ako lang ba o talagang nakita ko siyang kakaiwas lang ng tingin mula sa akin?

Required ba talaga na kapag may crush ka naiimagine mo na silang tinitignan ka?

Hindi, gutom lang 'to. Hindi ako titignan ni Gian. Imposible 'yon!

"Oh, eto na." si Justine na may dala-dalang tray.

"Parang andami naman ata ng mga pagkaing 'to?"

"Wala namang bayad eh."

Natawa ako agad sa sinabi niya. Sabagay, totoo nga naman.

"Tara na't kumain —"

"Lumamon! 'Yon ang tamang sabihin HAHAHA" napatigil ako nang tinitigan niya lang ako. "Ayaw mo sa term na lumamon?"

"Huh?"

Kung gano'n lutang pala siya?

"Ano bang nasa isip mo at bigla kang nalutang d'yan?"

"Wala naman. Para kasing first time ulit ito nangyari.."

"First time? Ulit?"

"Ang ibig kong sabihin.. Parang kakakilala lang natin tapos ngayon naririnig at nakikita ko na ang mga tawa mo."

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now