20 | The Young Miss

394 14 0
                                    

YASMIN's POV

Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig. Tama ba ako ng dinig? A-Ako? Ako ang nanalo?! Papaano eh —

Lumiit ang mga mata ko ng may maalala ako. Si Jaycee, ang unggoy na 'yon! Sabi ni Justine sa 'kin kanina, ito daw ang nagsali sa akin dito. Ano bang iniisip no'n?

Bumukas bigla ang kurtina kung nasaan kami. At mula dito sa kinatatayuan ko, nakatingin ang lahat.

"Oh, Ms. Yasmin is right there! Would you mind stepping out there and go here for your price?" ang sabi ng Host.

Ayokong lumapit pero may tumulak sa akin kaya naman napatalon ako papasok sa stage. Nilingon ko kung sino 'yon at nakita si Jaycee. Saan ba nanggaling ang loko-loko na 'to at bigla na lang nanunulak?!

Ngumuso siya bigla na kinakunot ng noo ko. Anong — Naalala ko na nasa stage nga pala ako kaya humarap ako ulit. Mamaya ka na magalit sa unggoy na 'yon, Yasmin. Tandaan mo pinagtitinginan ka pa ng mga tao ngayon.

Umakyat ng stage ang isa sa mga judge ng pageant na may bitbit na korona. Pagdating sa may gilid ko ay ipinatong nito iyon sa ulo ko. Hindi ko na pinagtuonan ng pansin kung ano ang itsura ng korona, tumayo lang ako ng tuwid habang nakaharap sa tahimik na crowd. Teka, magmula no'ng binanggit akong winner wala man lang pumalakpak?

"Congratulations, hija." bati nito sa akin, ngumiti lang ako ng matipid.

Edi paano pala ako nanalo kung gano'n? Hindi ba't 20% ang boto ng crowd? Tapos 80% naman ang boto ng mga judge? Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit parang wala naman atang bumoto sa akin ni isa base sa reaksiyong binibigay nila ngayon?

"Let's give her a round of applause!" sabi ng Host na napilitang sinunod naman ng buong crowd. "Now that you have wore the crown. Lets move on to your secret price —"

"Ah, hindi po ba kayo nagkamali ng binanggit na winner?" tanong ko.

"Bakit naman ako magkakamali eh nakalagay mismo dito sa card ang pangalan mo? Read it yourself, if you don't believe me." inabot nito ang card sa 'kin na agad ko namang kinuha para tignan.

Tumabingi ng kaunti ang ulo ko nang makitang ako talaga ang nakasulat na nanalo.

Eh bakit gano'n pakiramdam ko parang may mali?

Tinignan ko ang mga nanunuod. Wala akong kilala sa kanila maliban na lang kila James, Paolo. Gano'n din sa mga judge na nasa nakaupo sa unahang row. Posible bang binoto nila ako dahil sa pagpa-piano ko kanina kasama si Senior Gian? Napabuga ako ng hangin at umiling-iling, imposible 'yon.

Natauhan ako sa iniisip ko nang may umakbay sa akin. Lumingon ako ng kaunti para makita ang tao pero napa-ilag agad ako nang makitang si Jaycee ang tao na 'yon. Nginitian niya ko na ikinangiwi ko naman agad.

Nagulat ako nang kunin na lang niya bigla ang microphone mula sa Host. Bastos talaga 'to!

"Pasensiya na kayo kay, Mr. Takamura." biruin mo kilala pala niya ito tapos basta na lang niyang inagawan ng mic. "Medyo may kabagalan na siyang magsalita kaya ako na lang mismo ang magsasabi kung ano ang secret price ng winner."

Pilit kong itinutulak paalis sa balikat ko ang naka-akbay niyang kamay. Pero mas lalo lang niyang tinigasan ang porma nito, dahilan para hindi ko iyon maalis.

Nilapit niya ang mukha sa gilid ng mukha ko at bumulong. "Your secret prize is.. me."

Dahil hawak pa rin niya ang mic, narinig 'yon ng lahat at pare-parehong napanganga. Ang iba naman ay nagsimula nang magbulungan.

"Anong pinagsasabi mong ikaw ang secret prize ko?!" taas na kilay kong tanong.

"Nagkaroon ka lang naman ng once in a lifetime chance para maka-date ako, si Jaycee Figuerra." mahanging sagot niya.

The Prelude of Facades (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang