01 | 1st Encounter

1.3K 37 11
                                    

YASMIN's POV

"NAK!! NAK!!!"

"Hmm.." ungot ko.

Natutulog ako pero bigla na lang pumasok si Mama habang paulit-ulit akong tinatawag.

"Gumising ka na d'yan!"

"Ma, maaga pa. Tsaka sinusulit ko pa po ang huling linggo bago magpasukan.."

"Tumigil ka nga at bumangon ka!"

Inis akong bumangon. "Mama naman eh —"

"Charaaaaaan!!" may hawak siyang envelop at winawagayway niya 'yon sa mukha ko.

"Mama ano ba 'yan?"

"Oh. Ikaw ang tumingin daliiii!"

"Bakit 'di nalang po kayo ang magbukas?"

"Eh para sayo 'yan! Alangan namang buksan at basahin ko ang hindi sa 'kin, 'di ba? Sige na buksan mo na!!"

"Okay sige bubuksan ko na po." dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakadikit ng takip ng envelop at binuksan ito.

Isang letter ang nasa loob.

"Anong sabi? Basahin mo bilis!!"

"Easy ka lang, Ma. Ito na nga po 'di ba?" binuklat ko ang letter at nagsimulang magbasa. "Congratulations, Ms. Yasmin Leina Castillo.. teka bakit kino-congratulate ako nito?"

"Basahin mo pa kasi para malaman natin!"

"Ehem.. We are gladly bringing you the news that you have passed the difficult Entrance Exam of Figuerra High University and by that you are given a special scholarship until you graduate. We hope that you'll not decline this, see you around this Monday on a FHU Uniform and again congratulations to you!" nanlaki ang mga mata ko ng mag-process na sa utak ko ang lahat ng nabasa ko sa letter.

"PUMASA KA SA EXAM, NAK!"

Napabuntong hinga ako.

"Oh bakit ganyan itsura mo, 'di ba dapat masaya ka? Alam mo ba ang lagi nilang sinasabi d'yan sa eskwelahan na 'yan?"

"Tanging sa 1% at para sa 1% lang ang FHU dahil ang best ay para lang sa mga best!" sinabayan ko si Mama sa motto ng Figuerra Group of Companies, ang mayamang kompanya na bumuo ng eskwelahan na 'yon.

"Oh alam mo naman pala eh!"

"Ma, pwede bang sa ibang school nalang ako pumasok wag lang do'n?"

"Ay ano ba, nak! Eto ang tinatawag na palay na ang nalapit sa manok, kaya kapag 'di mo to sinunggaban agad magsisisi ka lang sa bandang huli."

'Di ko alam kung ako lang ba pero wala talaga akong naiintindihan sa mga sinasabi ni Mama. Tapos meron pa akong hindi magandang nararamdaman. Puno ng mga mayayaman ang eskwelahan na 'yon. At alam kong madedehado ako pag nagkataon kaya ayoko talagang pumasok do'n.

K I N A B U K A S A N

"Sana lang talaga tama ang desisyon kong pinili." kinakabahan kong sabi habang tinatahak ko ang daan papunta sa loob ng Figuerra High University.

Hindi ko talaga gusto dito kahit pa nakatsamba lang ako sa Entrance Exam at nabigyan ako ng special scholarship. Pero dahil sa pagpipilit nila Mama, siguro mas maige rin na gamitin ko ang pambihira kong chance para makapag-aral sa kilala at mayamang school na 'to. Tutal ako at ang pamilya ko naman ang makikinabang kapag nakapagtapos ako dito.

Kitang-kita sa mga itsura ng mga estudyante dito na tamad na tamad silang pumasok. Hindi sa pagiging judgemental o kung ano pero isa na ata sa dahilan ng katamaran nila ay ang pagiging anak mayaman. Kung tutuosin nga pwede nalang sila mag-aral sa mga bahay nila pero pumapasok pa din sila sa eskwelahan, para ano? Para tamadin lang?

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now