07 | Blazer

343 18 0
                                    

XANDRA's POV

"Manong, pwede niyo po ba akong ideretso sa Figuerra High University?" tanong ko kay manong driver ng taxi.

"Sure po, Miss." sagot nito.

I can't wait to see my friends.

Its been years since I left this beautiful country para mag-aral abroad. At ngayong graduate na 'ko, I decided to return here para bisitahin ang mga magulang ko at kaibigan.

Kakababa ko palang ng eroplano pero imbes na sa bahay namin dumiretso ay kaagad akong sumakay sa taxi na 'to para pumunta sa FHU. Ang aking old school. I studied there from Kinder to High School. Espesyal sa akin ang ekswelahan na 'yon dahil doon ko nakilala ang mga kaibigan kong lalaki.

I hope maging masaya sila sa pagdating ko.

I'm very sure na pinagkakaguluhan na sila ngayon ng mga babae. Actually nakikita ko ang mga mukha nila through internet, pero mas madalas sa mga social media's nila. Chineck ko ang phone ko dahil nag-text ang Manager ko.

You need to go back here after 1 week.

Napabuntong hinga ako.

Tuwing magbabakasyon na lang ako ay pinapaalalahanan ako nitong bumalik agad. Nakakairita man minsan but I get it, responsibilidad ko naman talagang bumalik agad knowing na ang sideline kong pagmo-model ay nakakontrata.

Maya-maya pa ay natanaw ko na ang University.

Nakakamiss ang lugar na 'to, there's so much memories left here at gaya pa din ito ng dati na walang pinagbago.

"Miss, andito na po tayo. Saan niyo po gustong bumaba?"

"Just drop me nalang po in the Main Gate." ang sabi ko.

"Okay po."

Bababa pa sana si Manong para pagbuksan ako ng pinto nang pigilan ko siya. "Kaya ko naman na po."

"Pero baka po kailangan niyo ng tulong sa maleta niyo eh."

Umiling ako at ngumiti. "I'm okay naman po."

Kinuha ko na agad bagahe ko at ang bag ko. Tangkang maglalakad na ako paalis nang magsalita si Manong Driver.

"Ah.. Pasensiya na po pero 'di po ba kayo si Ms. Xandra Orwell? 'Yong sikat na modelo sa ibang bansa?"

Medyo natawa ako dahil sa totoo lang kanina ko pa ramdam na kilala niya ako kaso nahihiya lang siyang magtanong.

"Ako nga po."

"Bago po kayo umalis pwede po bang magpapicture?" tanong nito at tumango naman ako kaagad.

Nagmamadaling dinukot nito sa bulsa ng pantalon ang phone pagkatapos ay iniangat ito ng konti habang ako naman ay lumapit sa kanya at ngumiti sa camera. Pagkabigay ko ng bayad na may kasamang tip nakipagkamayan ito sa 'kin tsaka sumakay sa taxi at umalis.

Humarap na ako sa Main Gate ng FHU.

Here I go..

I walked normally as I enter the Entrance Hall. At syempre di ko maiwasang marinig ang mga bulungan ng mga estudyante dito habang ang iba naman ay gulat na gulat.

I just smiled at them as I pass by.

"Nginitian ako ni Senior Xandra Orwell!"

"Hindi kaya! Ako ang nginitian niya eh!"

"Anong ikaw?! Ako, kitang-kita ko mismo na sa akin siya nakatingin!"

Wow nakakabigla na may tumatawag sa akin ng Senior even though hindi naman ako dito nag-college.

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now