Chapter 30: Offer

Magsimula sa umpisa
                                    

"Clyde, hindi ba parang ang bilis ng mga nangyayari? Magdadalawang buwan palang tayo magkakilala."

Kumalas si Clyde sa pagkakayakap sa akin. Tinitigan niya ako ng tagos sa aking kaluluwa. Ganun siya kaseryoso ngayon.

"We should not argue on how time works. Alam ko mas gusto kita kesa sa pagkagusto mo sa akin. Dont worry baby. I love challenges. I will make you want me badly that you cant stand not having me beside you"

Tinignan ni Clyde ang kamay ko. "Pero bago yun, kumain muna tayo."

Hinawakan ni Clyde ang kamay ko at dahan dahan akong hinila papunta sa veranda.

Nakita ko yung dalawang plato na may bacon, egg, toasted bread, kanin at may saging at mangga sa tabi. May chocolate milk din na nasa malaking baso.

"Niluto mo yan? Ang dami naman" gulat kong tanong sa kanya.

"Hindi inorder ko." natatawa niyang sinabi sa akin

Natawa din ako. As if naman magluto si Clyde no. Eh pero bakit parang ang aga niya nagising?

"Bago ka maturn-off sa akin, eto talaga ang gusto kong ipakita sayo" Tinuro ni Clyde yung vase na nasa gitna nung lamesa kung saan nakalagay yung mga plato namin.

Maraming blue at green roses ang nandun. Ngayon lang ako nakakita ng ganung mga rosas.

"Yun pa" tinuro ni Clyde yung nasa gilid ng veranda "Tapos yun" sabay turo nung sa kaliwa namin "Ayun, tas ito pa, sama mo na din yun at yun"

Pitong vase na may laman na mga blue at green roses ang nagkalat sa kinatatayuan namin. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa mga nakita ko.

"San mo binili yan?"

"Ano? Hindi ko yan binili no" iritang sagot sa akin ni Clyde "Pinitas ko yan"

Lumapit ako dun sa vase na nasa may lamesa at hinawakan yung petals nun.

"Talaga? Meron palang ganito dito sa Pilipinas" Tumingin ako kay Clyde na ngayon ay naka-cross arms na.

"Oo. Sinabi ko na sayo may mga importanteng bagay bukod sa pera"

"Oo na. ilang beses ko na naririnig yun sayo ah"

"Naririnig mo nga pero hindi mo iniintindi. Tawag sa ginawa ko effort hindi gawa ng pera" padabog niyang hinila ang upuan mula sa lamesa at umupo dito.

Ginaya ko din siya. Umupo ako sa tapat niya. "Bahala ka nga dyan."

Hindi kami nagusap at kumain na lang kami. Sa totoo niyan natutuwa ako na ganito kami ni Clyde. Akala ko sa pagamin namin sa nararamdaman namin eh mababago na ang pakikitungo namin sa isat isa. Hindi ko akalain na agad agad din kaming magaaway tulad ng dati.

Kahit alam ko na nagsisinungaling ako pag sinabi ko na gusto ko to kesa pag masyado kaming malapit sa isat isa, sasabihin ko pa din. Hindi ko kasi maiwasan ang hindi matakot sa pwedeng mangyari. Siguro dito malaya kami pero pagbalik namin alam kong marami kaming kailangan harapin ni Clyde. Yung mga taong hindi papalampasin na ganito ang nangyayari sa aming dalawa.

Alam ko dati pa na si Clyde ang tipong lalaki na gusto mong pagmasdan. Lahat naman ata ng tao sa school ay hindi maikakaila ang katotohanan na yun pero ngayon lang ata ako hindi makatiis na hindi siya pagmasdan. Yung feeling na pag pumikit ako mawawala siya sa harap ko at magigising ako sa panaginip na ito.

Pagkatapos kumain ay naligo lang ako at nagsimula na kaming magreview. Si Clyde pa ang nag-aya na magaral kami dahil gusto niya daw magpagoodshot sa akin. Kaso kelan pa ako nawalan ng focus ng ganito kalakas habang nagaaral kami. Siya tong tutok na tutok sa notes na ginawa ko habang ako ay pabalik balik ang tingin mula sa kanya at sa notes ko.

Naka blue na blouse ako at fit na jogging pants. Si Clyde naman naka jersey na may sleeves at cap ng Chicago Bulls. Akalain mong mahilig pala to sa sports? Basketball pa talaga.

Kahit na sinasabi ni Clyde na mas gusto niya ako alam ko na gusto ko siya higit sa inaakala niya. Natatakot ako kasi nawawalan na ako ng control at mas nagugustuhan ko yun.

"Am I an eye candy? Bakit gusto mo akong tignan"

"Sinong nagsabi na tinitignan kita?"

Ngumiti si Clyde " You are natural in showing your emotions, Hannah. Kaya nga nalaman ko agad na may gusto ka sa akin diba? The thing I hate the most is rejection. Sa tingin mo gagawin ko ang lahat ng ito if I am not sure about your feelings for me"

Inabot ni Clyde yung kamay ko at hinawakan niya yun.

"Ayoko na magpanggap na nagaaral ako. I just want to be the one that is good for you. Alam kong di ko na kailangan ang mga bagay na to. Bakit kailangan ko pa aralin ang mga lessons na to? It does not make any sense. Hindi naman ako magkakapera sa ganyan"

Ang mga salita ni Clyde ang naguntog sa akin. Ginising ako ng mga salita niyang alam kong para sa kanya talaga.

Dahan dahan kong binawi ang kamay ko. " Magkakapera ako pag nagaral akong mabuti" nahihiya kong sabi kay Clyde.

Mukhang nagulat siya at naguilty sa sinabi ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa libro na nasa harap ko. Napakagat ako sa labi ko. Ayoko ng ganito. Ayoko na nanliliit ako pag kasama ko siya pero ano pa nga ba ang mgagawa ko. Yun na yun. Ito talaga dapat ang pwesto ko.

Nagulat ako nung pinatong ni clyde ang sumbrero niya sa ulo ko.

"Wag kang iiyak. I hate seeing you doing that"

Hinarap ni Clyde yung upuan ko paharap sa kanya at inayos ang pagkakasuot sa akin ng cap niya.

"God, I want to kiss you right now"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Papayag ka ba pag ginawa ko yun?"

"Hindi no."

"Edi wag. Akala mo naman ako ang mawawalan. Im a good damn kisser."

"Kisser mo mukha mo! Pano mo nalaman? siguro kasi madami nang babaeng parang dancer sa club ang nakahalik mo"

"Watch your mouth Hannah. May class ako pimili ng hahalikan."

Muntikan na akong masamid sa sinabi ni Clyde. Class? Eh ano yung ka-itsurahan nung babae na hinalikan niya sa harap ko kagabi.

Hinubad ko yung cap na sinuot sa akin ni Clyde at hinagis sa kanya sa inis ko sa sinabing may class yung hinalikan niyang babae.

"Eh di puntahan mo yung babae na yun ngayon" Sinubukan kong tumayo nung biglang linapit ni Clyde yung upuan niya sa upuan ko at inipit ang dalawa kong legs sa pagitan ng legs niya.

"Mas gumaganda ka pag nagseselos"

Sinubukan kong hawakan yung tuhod niya para matanggal yung legs ko pero hinawakan niya yung dalawa kong kamay gamit ang isa niyang kamay.

"Clyde ano ba? Bitawan mo nga ako"

"May itatanong muna ako" seryoso niyang kausap sa akin.

"Ano?"

"Gusto mo bang ligawan kita? O tayo na? Para sa akin kasi simula kagabi, girlfriend na kita."

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon