"Senior Paolo."

Hindi ko maintindihan.. Bakit niya ginagawa 'to?

"Ano pang hinihintay mo? Hindi mo ba 'ko narinig?"

"Narinig kita. Gano'n din ang lahat ng sinabi mo ngayon lang. Salamat, Senior Paolo."

"Hindi kita tinutulungan ―"

Natawa ako. "Wala akong sinabi, nagpapasalamat lang ako."

Nahuli ko siyang ngumisi.

"Sige na, umuwi ka na."

Tumango ako bago tumalikod na sa kanya at naglakad.

Weird pero simula no'ng kagabi, mas naging pamilyar ako sa kanya, pinakapamilyar pa nga ata sa kanilang apat. Malaking parte do'n siguro ay dahil sa niligtas niya 'ko. Kasama ko siya no'ng may panganib.

Nakakatawa dahil ang first impression ko sa kanya mainitin ang ulo. Hindi ko pa masasabi sa ngayon na hindi totoo pero sigurado na ako sa ibang mga parte. Una, hirap siyang tumanggap ng mga salitang nagpapakita ng appreciation. Pasasalamat? Subok na subok, wala nang debate-debate, ayaw niya talaga ng salitang 'yan. Pangalawa, ayaw niyang lumalabas na nangingialam siya sa buhay ng iba. Medyo pareho sila ni Senior Gian dito, mas defensive nga lang siya. Halatang halata namang umaarte lang siya na walang pakialam pero ang totoo naman talaga meron. Para bang cool on the outside ang datingan na trip niya.

Nakarating na 'ko sa harap ng bahay namin at kasalukuyan ko nang sinususian ang pintuan.

"YASMIN!"

Napalingon ako.

"ALIS NA 'KO." napakamot pa ito sa likod ng ulo.

Tinaas ko ang kamay ko para magpaalam. "INGAT, SENIOR PAOLO!"

"OH. IKAW RIN, SIGE.."

Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob.

Hindi ko alam pero natawa ako. Medyo may pagka-awkward din pala siya. Ang cute! Tigasin kasi masyado ang itsura at buong aura niya. Atleast ngayon alam ko nang kaya niya rin maging cute.

Tutuloy na sana ako sa kwarto ko no'ng mapansin ko 'yung package na nasa lamesa sa may kusina.

Sino naglagay nito dito? Hindi ba dapat nasa harap ng pinto ito iniiwan? Bakit andito sa loob?

Nanlaki ang mga mata ko.

MAY PUMASOK SA BAHAY! SINO?!

Kumalat bigla ang takot at kaba sa buong katawan ko. Kumuha ako kaagad ng kutsilyo at dahan-dahan na tinignan ang bawat kwarto at sulok ng bahay. Napadasal ako sa isip ko, huwag naman sana ako makakita ng tao!

Nang makasiguro na 'kong walang ibang tao sa bahay bukod sa 'kin binalikan ko ang kahon.

Hinawakan ko ito at inikot ikot. Gusto kong makita kung kanino nanggaling ang package pero wala akong nakita na sulat o kahit sticker man lang na nakadikit kung saan nakasulat 'yung from, to, at address ng sender o recipient.

Inalog alog ko ito.

Walang tunog. Ano 'to?

Pinisil pisil ko ang package paikot.

Hindi ko mahulaan kung anong laman.. Buksan ko ba?

Umiling iling ako.

Mamaya hindi naman pala dito 'yan dapat mapunta eh. Pero kung totoo nga 'yon edi bakit pinasok pa sa loob ng bahay namin? Sa amin nga 'to.. Hm, huwag na. Ang pinakamagandang gawin ay wala.

The Prelude of Facades (Under Revision)Onde histórias criam vida. Descubra agora