18 | Who Cares and Worries

Start from the beginning
                                    

"Saan po ba kayo pupunta?"

"Sa probinsiya namin ng Mama mo."

Medyo kumunot ang noo ko. "Pero 'di ba wala na po kayong kamag-anak? Anong.. gagawin niyo do'n?"

Tinignan ko si Mama at napa-iwas siya agad ng tingin. Anong meron? Nitong nakaraan pa ako nakakaramdam ng kung anong hindi ko maipaliwanag.

"Magbabakasyon lang kami do'n. Huwag kang mag-alala babalik kami agad pagkatapos ng ilang linggo."

"Eh bakit hindi niyo na lang po ako isama?" excited kong sabi habang nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila.

"Hindi pwede. Nak, may pasok ka at tsaka ang pangit naman kung aabsent ka lang para sumama sa 'min na magbakasyon."

Hinawakan ko na ulit ang kutsara ko. "Kung gano'n iiwan niyo po pala akong mag-isa dito?"

"Oo, pasensiya ka na. Alam naman naming kaya mo na. Magaling, maparaan at higit sa lahat malaki ka na, sigurado kaming maaalagaan mo ang sarili mo kahit wala kami dito."

Tumingin sa akin si Mama at tumango. Gusto ko silang pigilan pero anong magagawa ko kung ganito sila kahanda? Nakita kong may mga nakalabas na silang maleta na nasa sala. Talagang aalis na sila at wala na akong magagawa pa doon.

"Saglit lang ang ilang linggo, nak. Bago mo pa mapansin nakauwi na kami dito panigurado."

Tumango tango na lang ako at binilisang kumain. Pagkaubos na pagkaubos ng pagkain ko, tumayo na 'ko at nagpaalam sa kanila.

"Mag-iingat po kayo, papasok na ako."

Paglabas ko ng bahay napabuntong hinga ako. Hindi ako galit, nagtatampo lang. Sa tanan nang buhay ko hindi man lang ako nakapagbakasyon kasama sila. Ito sana ang pinakamagandang oras para do'n kaya lang ayaw nila akong isama.

Hindi na bale marami pa namang chance para magawa namin 'yon. Kinuha ko na ang bike at sumakay do'n. Nakalimutan ko nga pa lang itanong kung saang probinsiya sila pupunta, sayang! Nagpedal na lang ako nang nagpedal hanggang sa makarating ako sa FHU.

Papasok na 'ko sa main gate ng school nang may umangkas bigla sa rear rack ng bike ko, sa gulat ko naipreno ko ang bike. Nilingon ko kung sino ito.

"Yasmin.."

Tumayo ako sa pagkakaupo sa upuan bike para matinignan ito nang maige. Sino ba 'to? Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang kabuuan niya.

"J-Justine? B-Bakit ang d-dami mong dugo sa uniform mo?" gulat kong tanong. "M-May nangyari ba?!"

"HOY!"

Nakita ko ang grupo ng mga lalaking estudyante na tumatakbo papunta sa 'min. Sila ba ang may gawa nito? Napakadami nila laban sa isa, anong — Teka, sa itsura ng mga estudyante 'yon sinusugod nila kami!

Umupo ulit ako sa bike at medyo nilingon siya. "Kumapit ka ng mahigpit dahil bibilisan kong mag-bike."

No'ng kumapit siya sa backpack na suot ko doon ko na sinimulang pumadyak paalis. Ano bang nangyari? Bakit ang aga-aga duguan si Justine? Sa mga uniform pa lang nila alam ko ng hindi sila dito nag-aaral sa FHU.

Lumingon ako sa likuran namin at no'ng hindi ko na sila nakita, umikot ako papunta sa Park ng school. Pagka-preno ko sa bike bumaba agad ako at inalalayan siya.

"Justine, sabihin mo nga.." dumukot ako ng panyo sa bulsa ng palda ko at pinunasan ang nagdudugong dulo ng kilay niya. "Sino ba ang mga 'yon? Hindi sila taga-dito pero nagawa nilang makapasok sa loob ng gate ng University, tanda na talagang hinahabol ka nila."

The Prelude of Facades (Under Revision)Where stories live. Discover now