8th Bite (edited version)

Start from the beginning
                                    

“I’m just asking you beautiful twerp! Hindi mo ba alam na malalaki na ang tenga ng mga tao sa Valdemort kapag naririnig ang pinagsamang pangalan niyo? Hello! Si Lucas yun! The drop dead gorgeous Lucas ng Engineering Department!!!” sabi niya sa akin na may yugyog pa. 

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko. Aba, kunwaring di mga nakatingin eh nagsisilakihan naman ang tenga at naghahabaan ang leeg. 

“umamin ka na kasi!” pamimilit niya

Hindi ko na siya pinansin dahil sa pumasok na ang prof at ayoko na talaga siyang sagutin.

Date? You can’t call that a date, more like barging into my bathroom!

Kinulit niya ako ng kinulit. Kung nakakasugat lang ang pangungulit, well, goodbye flawless skin! Tadtad na ako ng sugat ngayon dahil sa pamimilit ng Ekang na toh.

Buti hindi napapanis ang laway ko, kanina pa kasi talaga siya! Simula kaninang pagtungtong ko sa Valdemort hanggang sa matapos lahat ng klase namin hindi ako tinantanan! Goodness!

Tumambay muna kami ni Ekang sa may malapit na bar sa school. Since we both felt like not coming home.

“Kainis na ha! Talsik talsik na ung laway ko wala ka pa ding sagot! Tindi mo ah!” pagsuko niya sabay inom ng Bloody mary.

I chuckled, nakakatuwang asarina ng bff ko. 

“Huh?” she leaned to me. 

“Ang ganda naman ng nacklace mo, bago ah” sabi niya habang iniinspect ito. 

“It’s a gift. From someone, and SHE’S A SHE okay?” I cleared to her malicious mind.

She just grinned saka hinawakan ito. “Ang ganda talaga nito Ira, how could these red stones shine in a dark place? Hindi naman nakatapat dito ang mga ilaw ah?” 

“anong red stones?” 

Napahawak ako sa kwintas. Oo nga, it’s red! Paano? Hindi naman ito red kanina at nung binigay ni geek ah?! Pero mas napukaw ang kuryosidad ko ng mas kuminang ito. Wala naman ilaw!

“Oh my gosh! Gorgeous spotted!” biglang sabi ni Ekang saka nag-giggle habang umiinom ng bloody amry niya.

Fallen Vampire...on my bathtub?! (BOOK 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now