-After a Week-
Chleo's POV
Mahigit 1 week na nung nangyari ang hindi dapat mangyari. And it keeps on bothering me. Nandito ako sa bahay ng Honey ko. Kaninang umaga nagsimba kaming ni Honey kasama ang kapatid at mama niya. Pumuta na kami agad ni Homey diyo sa bahay nila kasi walang tao tapos sina Tita Amnda naman at JJ namasyal muna. Kanina pa nga kami nandito ni Bee. Nagkwekwentuhan lang kami ah....wala kaming ginagawang masama.
"Bee! Nakikinig ka ba?" Biglang nagising ang katawang lupa ko sa pagsigaw na iyo ni Honey.
"Ha? A-ano oo! Nakikinig ako! Sabi mo nga yung pusa ni Ansh at aso ni Zyne laging nag-aayaw. Tapos, amazona yung pusa and yung aso bipolar. Teka? May ganon bang klase ng aso at pusa?" Sabi ko na lang.
-___- itsura ni Honey.
"Alam mo hindi ka nakikinig. Ang sabi ko sina Ansh at Zyne parang aso at pusa! Lagi silang nag-aaway. Napapansin ko lang ah....ilang araw ka ng ganyan. Nakatulala, wala sa sarili tapos lagi kang lutang? Anyare sayo?" Sabi niya.
"Wala naman."
"Hay...Bee, I know you. Alam kong may problema ka. What's bothering you?" Tanong niya. Yayks! Kinakabahan na ako. Ano bang sasabihin ko.
"A-ano....kasi....iniisip ko lang kung, paano kung naghiwalay tayo? Paano kung isa sa atin ang nagloko or may nagawang mali?"
"Bakit naman sumagi yan sa isip mo? Alam mo, walang makakapaghiwalay sa atin. Tandaan mo yan. Walang kahit na sino ang makakapaghiwalay sa atin dahil kung gawin man nila yun. Ulo at katawan nila ang paghihiwalayin ko. Mahal kita Bee. At yung sinasabi mong baka isa sa atin ang magloko? Sus! Di mangyayari yun! Hindi kita lolokohin kasi mahal na mahal kita at may tiwala naman ako sayo eh kaya....alam kong hindi mo ako lolokohin." Sabi niya then she smiled.
"Saranghaeyo.....sobra." sabi ko.
"Saranghaeyo?"
"Oo. It means I love you in korean." Sabi ki at napatango naman siya.
Niyakap ko siya at niyakap niya run ako. Grabe. Sobrang mahal ko tong babae na to. Ang tanga ko lang.....may nangyari sa amin ni Samantha. Sana lang hindi niya malaman. Sana lang hindi mabuntis si Samantha. Dahil kung mabuntis man si Samantha....hihiwalayan ako ni Honey ko at ayoko yun mangyari.
Hindi ko kaya........
Ansherina's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng simbahan. Sunday kasi ngayon eh. Actually tanghali na rin at nagugutom na ako. Huhu!
"Uy! Ansh, andito ka rin pala." Napatingin ako. Si Jayden pala.
"Oh? Jayden, anong ginagawa mo dito?"
"Ah...katatapos lang ng misa. Ikaw ba? Magsisimba ka pa lang ba?" Tanong niya.
"Ah...tapos na rin ako. Sabay pa yata tayong nagsimba. Wala ka bang kasama?" Tanong ko.
"Wala naman. Uuwi ka na ba? Kain muna tayo oh. Punta tayong mall. Malapit lang naman eh. Siguro mga 10 minutes walk." Sabi niya.
"Sige ba. Wala naman akong gagawin sa bahay eh." Sabi ko na lang at nagsimula na kaming maglakad.
Nang makarating kami ng mall ay dumiretso agad kami sa KFC. Sabi niya treat niya na lang daw. Ang yaman talaga ng mokong na to. Haha.
"Kaun na tayo." Sabi niya.
"Thank you sa treat ah."
"Wala yun. Magkaibigan naman tayo eh." Sabi niya.
Oo nga naman! Magkaibigan naman kami eh! Magkaibigan! Nagsimula na lang akong kumain. Ang sarap talaga dito.
Nang matapos kaming kumain.....siyempre umalis na kami sa KFC! Psh. Ano pa ba?
"Saan mo pa gustong pumunta?" Tanong ni Jayden.
"Ikaw bahala. Gusto ko sanang manuod ng sine." Sabi ko.
"Eh anong papanoorin natin?"
"Pwede yung.....Transformers?" Sabi ko.
"Sige." Sabi niya. Naglakad na lang kami papunta sa Cinema.
"Bili lang akong popcorn ah?" Sabi ko tas tumango siya.Naglakad na lang ako papunta sa bilihan ng popcorn.
*Booooggssshhhh..*
"Aray ha! Tumingin ka nga sa--- Zyne?"
"Ansh? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Zyne.
"Ah...bibili ng popcorn." Sagot ko.
"Ahhh...manonood ka rin ng sine?" Aba! Mukhang mabait ang mokong na to ngayon ah! Pero tuwing may klase lagi na lang akong inaaway! Ang sama! Ang bipolar pa! Nakakabwisit!
"Oo. Kasama ko si Jayden."
"What? Kasama mo siya? Teka nga...nagdedate ba kayo?"
O_____O
"Hindi noh! Nakita ko kasi siya sa simbahan kanina tapos inaya niya akong kumain sa KFC. Tapos inaya ko siyang magsine. Ikaw ba? Wala ka bang kasama?"
"Wala. Ano bang papanoorin niyo?"
"Yung Transformers. Ikaw ba?"
"Yun din. Bibili na nga ako ng ticket eh." Sabi niya tapos nagsmile.
"Ah....okay sige. Bibili pa ako eh."
Maglalakad na sana ako pero hinawakan niya ako.
"Saglit lang..." sabi niya at unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukaha ko. Hala! Anong balak nito? Hahalikan ba ako nito? Shemas! Wag naman oh! Tapos nagpaside ang ulo niya at itinapat sa tenga ko. Parang may ibubulong yata siya.
"........pabili din ako ng popcorn. Eto pera oh." Sabi niya at may inabot pang pera sa akin.
-___-
"Bwisit ka! Akala ko na kung anong gagawin mo! Magpapabili ka lang pala ng popcorn! Walanghiya ka! Bumili ka ng popcorn mo! Wag mo akong mautos-utosan! Hindi mo ako katulong. Nakakainis ka! Ayoko ng makita ang pagmumukha mong peste ka!" Sigaw ko tapos umalis na. Siya naman tawa lang ng tawa.
Bwisit na lalaki yan! Akala ko kung ano na gagawin. Nakakainis! Siya lang talaga ang sumisira ng araw ko! Aish!
Zyne's POV
Gabi na at kakauwi ko lang dito sa condo ko galing kasi ako sa mall. Oo may condo ako. Kanina nakita ko si Ansh. Hindi ko na ikukwento sa inyo ang buong detalye kasi alam niyo naman na. Ayun at bwinisit ko nanaman siya. Hahahhaha! Ang ganda kayang sirain yung araw non.
Kasama niya daw si Jayden kanina. Sabi niya nagkita lang naman sila sa simbahan at nagkayayaan. Teka...nagsimba rin naman ako kanina ah. Bakit hindi ko sila nakita? Wag kayong magtaka. Tao ako at nagsisimba rin noh! Tch. May takot ako sa Diyos.
Nakakainis din yung Jayden na yun eh! Lagi na lang sila magkasama ni Ansh. Paepal eh. Kapag kasi inaaya ko si Ansh na maglunch bigla na lang siyang susulpot kaya isinasama siya ni Ansh na maglunch. Nakakasabay nga namin lagi ang loko sa lunch eh. Oy! Pero wag niyong lagyan ng malisya ah! Inaaya ko lang siya kasi kasabay naming Phoenix lagi si Ace na maglunch. Nakakabwisit talaga yang si Jayden! Bakit pa kasi sa B.U pa siya nagtransfer? Aish!
Kapag nga hindi kasama ni Ansh yung lalaking yun saka na lang ako lumalapit kay Ansh eh. Pero sa lunch lagi kaming magkasama. Ayoko kasing nakikita yung lalaking yun! Bwisit siya!!!! Eh bakit ko ba iniisip yun? Ano bang pakialam ko kung lagi silang magkasama ni Ansh? Tch. Ano bang nangyayari sa akin? Edi magsama sila kung gusto nila! Ipagdikit ko pa sila eh! Aish! Ano ba kasing problema at parang may issue sa akin na lagi silang magkasama. Tch. Basta ang gusto ko lang asarin si Ansh. Oo! Yun na lang ang gagawin ko! Ang asarin ang araw ni Ansh. Hahhahah! Epic kaya mukha niya kapag naasar. Hahahhahaha! Ang cute lang! Teka....erase pala! Hindi siya cute! Hindi!
(AN: Sus! Deny ka pa! Nakucutan ka nga sa kanya eh. Nagagandahan pa!)
Tch. Shut up author! Wag mo akong pakialaman! Maghanap ka ng jowa mo!
(AN:Bata pa po ako! Atska walang poreber!)
Edi ikaw ng bitter. Ah...basta! Hindi ako nakucutan sa kanya! Hindi rin siya maganda!!! Pero kung tutuusin maganda at cute naman talaga siya. Aaaahhh! Hindi!
YOU ARE READING
I'M INLOVE WITH A NERD
Teen Fiction"Fate is the one making things complicated and love is the one who will lead you the way out of those complicated things." _____ Mahal mo siya....pero may girlfriend siya. Nung naghiwalay sila, napansin ka niya. Habang tumatagal, nafafall na siya...
