-Same Day-
Zakkiel's POV
Puta! Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Ang putcha! Naitulak ko si Ace! Nasaktan ko ang babaeng mahal ko! It's Chleo's fault! Kung hindi lang sana niya ako sinapak kanina, hindi sana hahantong sa away at hindi ko sana naitulak si Ace nun!
Psh! Bwisit! Ang sarap iuntog yung mukhang pato kong pinsan na yun! Paano kung layuan na ako ni Ace ng tuluyan? Paano kung hindi na niya ako pansinin? Hindi ko kaya! Dati nga nung iniiwasan niya ako dahil sinabi ni Chleo eh hindi ko kayang tiisin eh! Hayss...pero...saan kaya siya dinala ni Chleo? Syet! Matawagan nga! Ay teka! Wala pala akong number ni Ace! Putcha naman oh! How can I call her? Teka...yung kaibigan niya! Si Ansherina yata yun? Oo! Hahanapin ko siya baka alam niya number ni Ace! Pero baka hindi niya ibigay sa akin kasi ang alam niya masama ako. Arrrrgghhh!!! Ahhhh!! May naisip na ako. Nandoon lahat ng record ng mga estudyante sa Principal's Office! Baka nandoon number niya! Mapuntahan na nga!
-At the Rooftop-
Acelle's POV
Dinala ako ni Chleo dito sa rooftop. Nakatunganga lang ako dito. Wala akong imik.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Chleo.
"Hmmm.." sabi ko na lang.
"Sorry kanina ah." Sabi niya.
"Alam ko namang ginawa mo lang yun kasi gusto mo akong protektahan sa kanya. Pero ang tanong ko.....bakit? Bakit mo ako kailangan protektahan laban sa pinsan mo?" Sabi ko.
"Hindi mo kilala si Kiel. Tuso siya. Kaya niyang saktan ang kahit na sino. Maging ako na pinsan niya ay kaya niyang saktan."
"Eh bakit ang bait niya sa akin?"
"Kasi ginagamit ka niya para saktan ako!" Sabi niya.
"Huh? Hindi kita maintindihan. Paano?"
"Diba sabi niya mahal ka niya?" Tanong niya.
"Oo...pero paano ka naman masasaktan dun?" Naguguluhang tanong ko.
"Kasi ano....kasi....fuck...paano ba sasabihin? Shit. Kasi ano....ahhh....ano kasi...uhm....kasi I lo--"
Rrriiinnnggg.....
May biglang tumunog. Nararamdaman ko na nagvivibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.
Huh? Unregistered? Sino kaya ito?
"Sino yan?" Tanong ni Chleo.
"Hindi ko alam." Sabi ko at sinagot ang tawag.
"Hello? Sino to?"
(Si Kiel to.)
"K-Kiel?" Nauutal kong sabi.
Nabigla ako ng kunin ni Chleo ang cellphone ko at inend ang call.
"Ano ba?!" Sigaw ko na lang. Nabubwisit ako eh. Bigla ba naman kunin yung phone ko?
"Wag mo siyang kausapin."
"At bakit ha? Ano bang paki mo?!"
"Kasi nga ginagamit ka niya para saktan ako!" Sigaw niya.
"Bakit naman niya gagawin yun?!"
"Eh kasi galit siya sa akin! Naiinggit siya! Lahat ng meron ako kinukuha niya! At ayaw kong kunin ka niya sa akin!" Sabi niya.
"At bakit naman ha?! Bakit ka naman masasaktan?! Hindi ko talaga maintindihan eh! Ano ba talaga ang ibig mong sabihin?"
"Basta!" Sigaw niya.
"Bakit nga kasi?! Naguguluhan na kaya ako! Bakit ka ba masasaktan kapag inagaw niya ako sayo?! Kaibigan mo lang naman ako diba?" Sabi ko
"Hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin ko sayo."
"Na ano? Alam mo ang gulo mo kausap! Maghanap ka na nga lang ng kausap na magulo rin at mag-usap kayo! Ewan ko lang kung magkaintindihan kayo dyan! Dyan ka na nga!" Sabi ko at akmang aalis na kaso...hinila ako pabalik ni Chleo at...
O______O
Ahhhh.....!!! What the?!
Naglapat ang labi namin!
Ahhhh!!!! First kiss ko!
Hanggang ngayon ay nakalapat parin ang labi niya sa labi ko. Hindi ko maintindihan! Naestatua ako! Ang first kiss ko! Wala na! Bakit niya ako hinalikan?
Ang labot ng labi niya. Parang humahalik ako sa ulap. Isang malaking OMG! Nakapikit ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tumugon na lang ako. Just go with the flow lang ako. Ganito pala ang feeling ng mahalikan noh? Lalo na at first kiss ko pa.
Minulat ko na ang mga mata ko kasabay ng pagtanggal ni Chleo ng labi niya na nakalapat sa labi ko.
"Masasaktan ako kapag inagaw ka niya sa akin kasi....." he paused.
"Mahal kita."
O_______O
What the? Totoo ba ang mga sinabi niya? Mahal niya ako?!
"Ah...." hala wala akong masabi! Para akong natuyuan ng lalamunan!
"Totoo ang sinabi ko Ace. Mahal kita. Kaya ayaw kitang palapitin kay Kiel kasi sure ako na aagawin ka niya sa akin. Ayaw kong mangyari yun! Ayaw kong maagaw ka sa akin ng iba lalong lalo na si Kiel! Mahal kita. Kapag umaaligid si Kiel sayo nakakaramdam ako ng selos! Sa akin ka lang! Ikaw iniisip ko lagi! Sa klase lagi akong lutang kasi iniisip ko, kung naging tayo....anong future natin? You are mine! Fucking mine! Wala ng iba pang pwedeng umangkin sayo dahil ako lang! Ako lang ang para sayo." Sabi niya.
Wala na talaga akong masabi! Wala na yata akong boses! Totoo ba ang lahat ng ito? Kung panaginip lang ito ayoko ng magising! Ahhh!!! Yung crush ko na hinahabol habol ko dati ay mahal na ako ngayon! Nakatunganga lang ako sa kanya. Grabe! OMG talaga!
"Tatanungin kita Ace. Mahal mo rin ba ako?" Tanong niya. Shemays!
Wala akong lakas ng loob na sabihin ang salitang OO. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta napansin ko na lang na dinala na pala akong ng mga paa ko sa tapat ng pintuan.
"Sige. Hihintayin ko na lang ang sagot mo. I'll wait kasi mahal kita." Narinig kong sabi ni Chleo mula sa likuran ko.
Chleo's POV
Nanatili ako dito sa rooftop. Gusto ko munang magpahangin. Medyo gumaan na ang loob ko nung nasabi ko kanina na mahal ko si Ace.
Napangiti na lang ako ng maalala ko na hinalikan ko pala si Ace kanina.
"Hahahha...." natatawa ako! Yung reaksyon niya kasi kanina nung matapos ko siyang halikan.
"Sa araw na sinagot mo ako Ace....hinding hindi na kita iiwan. Pinapangako ko, hindi kita sasaktan at kahit anong mangyari, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sayo. Pangako yan. Mahal na mahal kita." Bulong ko. Hawak ko ang phone niya kasi naiwan niya eh.
Sa akin lang si Ace. Ako ang nagmamay-ari sa kanya. I will protect her from Kiel. Tch. Babasagin ko talaga ang mukha ng galunggong na yun pag binalak niya na agawin si Ace sa akin.
YOU ARE READING
I'M INLOVE WITH A NERD
Teen Fiction"Fate is the one making things complicated and love is the one who will lead you the way out of those complicated things." _____ Mahal mo siya....pero may girlfriend siya. Nung naghiwalay sila, napansin ka niya. Habang tumatagal, nafafall na siya...
