Chapter 15: Fighting

589 13 0
                                        

-The Next Day-

Acelle's POV

Wala ako kahapon sa school. Yung kapatid ko kasing si JJ gabi na umuwi. Nakakainis! Halos 12:00 na ako nakatulog kagabi dahil sinamahan ko pa yung mama ko sa paghihintay sa kanya. Sobrang nagalala kami sa kanya. Hindi pa niya sinasagot yung mga tawag namin. Aba! Kasama niya pala yung kabarkada niya! May group project daw sila kaya nalate silang umuwi. Napuyat talaga ako nung time na yun kaya hindi ako nakapasok kahapon kasi late na ako nagising! Talaga naman yung kapatid kong yun eh!

"Ate, kamusta gising mo?!" Napatingin ako kay JJ.

"K lang." Sabi ko.

"K." Sagot niya.

*Rrriiiinnnggg....*

Tumutunog yung phone ko. Kaya tinignan ko. Si Chleo myloves pala.

"Bakit?"

(Pumunta ka dito sa Bar ng kaibigan ko. Itetext ko sayo ang address.)

"Bakit? Ano--"

*toot toot*

Aish! Binabaan ako! Nakakainis!

"Mama! May pupuntahan po ako ngayon." Paalam ko kay mama.

"Oh sige. Maghanda ka na. Basta umuwi ka ng maaga ha?"

"Opo mama." I answered.

Kinuha ko ang twalya ko at pumuntang banyo. Naligo na ako at nagtoothbrush. Nagbihis na ako pagkatapos maligo.

"Mama aalis na po ako." Nagpaalam na ako.

"Sige. Ingat anak!" Sabi ni mama.

Umalis na ako ng bahay. Tinext kanina ni Chleo myloves ang address ng bar na sinasabi niya. Bakit ba siya nasa bar? At ano ba ang gagawin ko dun? Psh! Bahala na nga!

Sumakay na ako ng taxi. Matapos ang mahabahabang pagtitiis sa traffic ay nakarating na rin ako. Aish! 12:00 na! Nakakainis. Pero baka may pagkain dun. Nagugutom na ako. Pumasok na ako sa loob ng bar. Ang pangalan pala ng bar is Spade Bar.

Ng makapasok ako sa loob.....wow! As in wow! Grabe naman! Kahit tanghali na marami pa ring tao. Hinanap ko pa si Chleo myloves kasi di ko siya nakita agad sa dami ng tao. Ng nahagilap ko na siya ay agad akong lumapit sa kanya. Kaso may lumapit sa akin. Malapit na ako kay myloves eh! May humarang lang na lalaki!

"Hi miss." Sabi ng lalaki.

"Ah..sorry ha? Kasi pupuntahan ko pa yung boyfriend...I mean yung kaibigan kong lalaki." I answered.

"Ahh...may gusto ka sa kanya ano? Kaso hindi ka niya mahal?"

"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko na lang.

"Wala lang. Halata naman eh. By the way I am Zid. Ganyan din ako eh. Parang ikaw....nagmamahal ng taong hindi ka mahal. Hehe." Mabait naman pala siya eh.

"Sa bagay tama ka. Ako nga pala si Acelle." Akmang makikipagshake hands na ako kaso...

O_____O

...may tumulak sa amin kaya napahiga kami. Nasa ibabaw ko na siya! Ahhh...sobrang lapit na ng mukha namin! Yung tipong isang galaw na lang magkikiss na kayo.

( 0_)(_0)

KYAAAA!! Ayoko pa magkafirst-kiss! Bigla naman tumayo si Zid. Phew! Akala ko nagkikiss na kami! Salamat!

*BOOOGGSSHH*

Napatingin ako! Waaaaa! Si Zid nakahiga na sa sahig! Napatingin ako sa sumuntok sa kanya......waaaa! Si Chleo myloves! Bigla naman akong hinila ni Chleo. Ang hilig naman nitong manghila. Papunta na kami sa parking area. Yung pagkakahawak niya sa kamay ko, mahigpit! Nasasaktan ako sa paghila niya.

"Chleo! Ano ba?! Nasasaktan ako!" Sabi ko. Tumingin siya sa akin nung humunto siya sa paglalakad. Yung mukha niya! Sobrang galit!

"What the hell was that?!" Bigla niyang sigaw.

"Ang alin?!" Nagsisimula ng uminit ang ulo ko.

"That! Yung natumba kayo! Yung muntik na kayong magkahalikan! What was that?! Are you flirting with him?!"

"What?! Hindi ako nakikipaglandian sa kanya!" I shouted.

"Then what?!"

"Nakikipagkaibigan lang siya sa akin! Masama ba yun? Ano bang problema mo ha?!"

"You! You are my problem. Lumalandi ka na!" Mas lalo akong nainis sa sinabi niya.

"Hindi ako malandi!" Naiinis na talaga ako.

"Hindi malandi? Eh ano yung nakita ko kanina? Panlalandi yun diba?"

"Iba ang panlalandi sa aksidente! May tumulak lang sa amin kaya kami napahiga! Ikaw nakakainis ka na! Hindi na kita maintindihan!" I shouted.

"Edi mainis ka! Wala akong paki! Manlandi ka kung gusto mo!" Sabi pa niya.

"Eh hindi nga ako malandi eh! Baka ikaw kasi you are a jerk!"

"Jerk? Me?! Haha! I am not a jerk! And you! How dare you shout at me?!" Sabi ni Chleo.

"Eh ikaw din naman eh! Sumisigaw! Edi patas lang!" I shouted.

"You have no rights to shout at me! Binabayaran kita!" Sabi niya.

"Hoy! Excuse me! Hindi ikaw ang nambabayad no! Lolo mo ang nambabayad sa akin everyday ng 1,000! Kaya wag kang ganyan!"

"Wala akong paki! Mapera ka naman eh!"

"Anong sinabi mo? Ako mapera?! Kanina malandi ngayon mapera! Ano pa ha? Pangit? Walang utak? Walang modo? Moron? Jerk? Bastard? Ano?! Sabihin mo na! Pintasan mo na ako! Ganyan ka naman eh! Porket mahirap lang kami pinipintasan niyo na kami! Oo! Nagtatrabaho ako sa inyo! Ako ang tutor mo at sinuswelduhan ng 7, 000! Pero hindi ibig sabihin nun eh mukha akong pera!" My tears started to fall.

"Nagtatrabaho ako bilang tutor mo para makatulong sa pamilya ko! Kasi mahal ko sila! Ayokong mapagod si mama! Gusto ko na bumalik si papa galing ibang bansa! Gusto kong tulungan ang mga magulang ko sa pagtatrabaho para may pang gastos kami araw-araw at para makapag-aral kami ng kapatid ko! Ngayon sabihin mong mukha akong pera. Pero ang sinasabi mong mukhang pera ay hindi lang ginagasta ang perang sinusweldo niya sa wala. Yung mukhang perang sinasabi mo ay gusto lang makatulong sa pamilya niya. Kaya wag mo akong pipintasan, Chleo. Dahil ginagawa ko lahat to, hindi para sa wala lang." Sinabi ko yan habang umiiyak. Umalis na ako. Ayoko ng makipagsigawan sa kanya.
















Chleo's POV

Fuck! I hate myself! Sinigawan ko si nerd ng masasakit na salita! Fuck! Pinapanood ko siya habang naglalakad palayo sa akin. Hindi ko magawang pigilan o habulin man siya dahil sa hiya. Mahal na mahal niya talga ang mga magulang niya. Tsk! Naiinis ako sa sarili ko! Bakit ko ba siya sinigawan ng ganun? Hindi ko naman ginusto yun ah. Nagawa ko lang yun dahil sa galit at selos. Oo, nagseselos ako. Pinagseselosan ko yung lalaking kasama niya kanina. Ewan ko ba! Hindi ko alam sa sarili ko. Bakit ba ako nagseselos. Wala naman akong karapatan kasi hindi niya ako boyfriend. Aish! Ewan! Kakausapin ko na lang siya bukas at aayusin ang problema sa kanya. Magsosorry ako sa kanya.

I'M INLOVE WITH A NERDWhere stories live. Discover now