Acelle's POV
One week na simula nung magsorry sa akin si Chleo. At 2 weeks ko na rin siyang titututor. Ang dali rin pala niyang umintindi. Naintindihan niya na ang physics at trigo. Buti na nga lang eh. Lunch time na pala namin ngayon at nagalalakad ako kasama si Ansh papunta sa canteen.
"Ace, punta tayo sa mall mamayang uwian." Napatingin naman ako kay Ansh.
"Di pwede. Papagalitan ako ni mama at gagawa pa ako ng lesson plan para sa ituturo ko sa kanya bukas." Sagot ko naman.
"Wushu! Teacher lang ang peg? Psh. Atska saglit lang naman tayo eh." Pamimilit niya sa akin.
"Hindi nga pwede." Mataray kong sagot.
"Sige na! Please..." sabay puppy eyes pa siya.
"A.yo.ko." sagot ko.
"Pretty please?" Puppy eyes pa rin siya.
"Ano ba sa salitang AYOKO ang hindi mo maintindihan?" Tanong ko.
"Psh. Sige na nga! Sa susunod na lang. Basta sasama ka sa susunod ah!" Sabi niya.
"Oo na."
"Sige, hahanap na lang ako ng ibang makakasama ko." Sabi niya tas umalis na. Teka! Akala ko ba sabay kaming maglulunch? Nakakainis oh! Sinong nakakasama ko?
"Nerd!" Napalingon ako sa likod ko.
*---*
Waaaa! Si Chleo myloves!
"Oh? Bakit?" Tanong ko.
"Mukhang wala si Amarin----este Ansherina ah!" Sabi niya.
"Oo nga eh. Wala akong kasabay maglunch."
"Wala rin akong kasabay eh. Eh kung tayo na lang kaya?" Tanong niya.
"Talaga? Tayo na lang?" Tanong ko.
"Oo. Sabay na lang tayong maglunch." Sabi niya. Psh akala ko pa naman kung kami na. Hahahhaha....assuming na ako.
^////^
Hwaaaa! Kinikilig ako! Walanjo!
Naglakad na kami papunta sa canteen. Waaa...kinikilig ako. Pano ba naman eh nakaakbay sa akin si Chleo habang naglalakad kami! Sino ba naman ang di kikiligin don?
Nang makarating kami sa canteen ay agad kaming pumunta sa counter.
"Anong gusto mo?" Ang pogi ni Chleo myloves ko! Kyaaa....
"Ikaw." Wala sa sariling sagot ko. Wait. What did I just said?
"Me? You want to order me?"
"Ahh...hindi...ang ibig kong sabihin. Ikaw. As in ah...ikaw? Anong order mo?" Woo...kinabahan ako. Ikaw naman kasi Acelle, masyado kang nabibighani kay Chleo! Kung ano-ano tuloy nasasabi mo!
"Gusto ko? Ikaw." Sabi niya tas naglip-bite. Shemay! Kinikilig ako! Agad kong naramdaman ang pamumula ang pisngi ko.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko.
"Wala. Sabi ko umorder ka na."
"Ah...." sabi ko tas tumango tango
"Ahh...ate dating order." Sabi ni Chleo myloves. Ano kaya yun?
"Ah...ako ate --"
"Give her carbonara." Sabi agad ni Chleo.
"Carbonara? Ayoko non!" Sabi niya.
"Psh. Wala ng reklamo. Basta yun na ang order mo. Gets? Tara na nga." Sabi niya at hinila ako papunta sa isang bakanteng table. Hayss....
Ansherina's POV
Iniwan ko si Ace kasi nakita kong papalapit si Chleo sa kanya. Nakakainis! Ayaw sumama ni Ace sa akin! Aish!
*boggsh*
May nabunggo ako. Napaangat ang ulo ko sa nabunggo ko.
O_____O
Si Zyne Bautista lang pala.
"Tignan mo ang dinadaanan mo." Pangaral niya. Inirapan ko naman siya.
"Hi Ansherina!" Napatingin ako sa gilid ko.
-_-
Droy Oineza
"Mukhang wala si Ace ah! Tara, sabay na tayong kumain." Sabi niya.
"Ayoko." Maikling sagot ko.
"Bakit? May kasabay ka na ba?" Tanong niya.
"Wal--"
"Oo, ako." Sumingit si Zyne hilaw! Bwisit! Gusto ko siyang sapakin!
"Anong---"
"Tara na Ansh." Sabi pa niya at inakbayan na ako.
"Wag ka nga!" Reklamo ko sa kanya.
"Psh. Sungit talaga. Meron ka ba?" Tanong niya.
"Bastos!" Sigaw ko.
"Tch."
"Eh ayaw pala ni Anhserina sayo eh. Kaya sa akin na lang siya sasama." Hinawakan ni Droy ang kamay ko at hihilain na sana ako kaso pinigilan ni Zyne.
"You don't have rights to bring her with you." Sabi ni Zyne.
"And why? Ano ka ba niya?"
"I am her BOYFRIEND. Oo tama ang pagkakadinig mo BOYFRIEND niya ako! So back off!" Sigaw niya.
"Let's go love." Sabi niya at inakbayan ulit ako. Sinama niya ako sa paglalakad papuntang canteen. Did he just call me love? At sinabi niya ba kay Droy na boyfriend ko siya kahit hindi naman? Ano bang problema nito? Oh no! What to do?
Acelle's POV
Nandito ako ngayon naghihintay sa INORDER NI CHLEO na pagkain. Hindi man lang ako nakapagorder ng gusto kong kainin.
"Oh andyan pala sina Ansherina at Zyne ah." Napatingin naman ako sa harap ko. Nakaakbay si Zyne kay Ansh. So sweet! Perfect match! Hahaha.
"Anong inorder mo?" Tanong ni Chleo kay Zyne.
"Malamang yung dating inoorder ko." Sagot ni Zyne.
Lumapit sa akin si Ansh at umupo sa tabi ko. Nakakatawa lamg ang itsura niya kasi sobrang pula ng pisngi niya. Hahaha! Parang kamatis sa sobrang pula!
"Andito na po ang order niyo!" Agad naman inilagay sa table namin ang mga order.
Sa akin carbonara...
Kay Ansh fresh lumpia....
Kay Zyne at Chleo......
.....????
Anong kalaseng pagkain yun?
?____?
Yung spaghetti noodles nilalagayan ni Chleo ng calamansi at si Zyne naman nilalagyan ng spaghetti sauce ang pansit!
What the?
Anong klaseng tao sila? Parang baliktad naman ata?
"Gusto niyo?" Aya sa amin ni Chleo.
"Anong klaseng pagkain yan?" Tanong ni Ansh.
"Teka parang baliktad. Dapat ang spaghetti sauce nilalagay sa spaghetti noodles ni Chleo at ang calamansi ay kay Zyne. Anyare?" Tanong ko.
"Favorite kasi namin to. Ang sarap kaya. Mmmmmm.....favorite!" Sabi ni Chleo. Nagkatinginan naman kami ni Ansh.
Whut? Favorite nila yun. Ibang klase! Daig pa ang mga buntis! Naglilihi ba sila kasi kung ano-ano ang kinakain nila? Hayss....
YOU ARE READING
I'M INLOVE WITH A NERD
Teen Fiction"Fate is the one making things complicated and love is the one who will lead you the way out of those complicated things." _____ Mahal mo siya....pero may girlfriend siya. Nung naghiwalay sila, napansin ka niya. Habang tumatagal, nafafall na siya...
