Chapter 44: Pregnant

425 3 0
                                        

Samantha's POV

Nandito ako sa condo ko. Walang magawa! Nakakainis naman kasi! Nasa Baguio sina Chleo and Acelle. Namimiss ko na si Chleo! Epal lang talaga yang Acelle na yan eh! Nanonood ako ng movie ngayon pero sobrang boring lang talaga.

"Makakuha nga ng pagkain." Tumayo ako at pumunta sa fridge.

Ano kayang pwedeng kainin? Maraming pagkain dito sa fridge ko pero parang wala akong gusto! Aish! Matawagan nga si Zakkiel.

(Hello?)

"Magkita tayo mamaya sa bar. Wala akong magawa at gusto kong maglibang."

(Tch. What time?)

"10:00 dapat nandoon ka na."

(Sige na. May gagawin pa ako.)

"Psh. Bye." Sabi ko.

Agad akong naligo at nagbihis. Nagmake-up din ako. Pero kahit hindi naman ako magmake-up, maganda pa rin ako. Hindi gaya ng Acelle na yun noh! Ang pangit lang ng babaeng yun! Ako lang ang bagay kay Chleo. Psh. Kinuha ko ang perfume ko. This is my favorite perfume. Inamoy ko muna yung perfume ko at......












Accckkkk!

Bakit ganon? Parang ayaw ko na yung amoy niya. Eh favorite perfume ko to eh! Shit! Tinapon ko yung perfume na yun. Pero bakit ayaw ko nung perfume na yun eh favorite ko yun? Galing pang London yun noh! Aish. Makaalis na nga.
















Nandito na ako sa bar na pagkikitaan namin ni Zakkiel. Agad akong pumasok sa loob. Pumunta ako sa VIP room.

"Hello." Sabi ko habang nakangiti.

"Bakit ba gusto mong makipagkita?" Sabi niya. Aba nagsusungit?

"Mukhang badtrip ka?"

"Wala kang pakialam." Sabi niya at tinungga yung bote ng beer na hawak niya.

"Why? Bakit ka badtrip?"

"Hindi na talaga ako makapaghintay na maagaw si Ace sa pinsan ko. Kailan ba kasi ang next move?" Tanong niya.

"Hintay ka lang. Darating rin ang tamang panahon."

"Kailan pa?! Naiinip na ako!"

"Chill ka lang. Siguro nga masaya sila ngayon, pero maghintay lang sila. Mapaghihiwalay natin sila." Sabi ko.

"Whatever. Oh, nandyan na yung wine mo." Sabi niya.

Nagsalin ako ng wine sa glass at akmang iinumin iyon kaso....















Accckkkk...

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Zakkiel.

Tumakbo agad ako papuntang cr. Bakit? Bakit ako nagsusuka? Wala naman akong nakaing masama.

Accckkkkk....

Accckkk....

Patuloy pa rin ako sa pagsusuka dito sa cr.

*tok tok*

"Samantha okay ka lang?" Tanong ni Zakkiel mula sa labas ng cr.

Lumabas na rin ako agad nung hindi na ako nagsusuka.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Zakkiel.

"Oo. Don't worry about me." Sabi ko.

Nagsimula akong magalakad pabaliksa VIP room. Nararamdaman kong nasa likod ko lang si  Zakkiel. Tumigil ako sa paglalakad dahil parang nahihilo ako. Bakit ganon? Ano ba tong nararamdaman ko?

Bigla akong natumba. Nahihilo talaga ako. Nasalo ako ni Zakkiel. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala.

"Huy! Ano bang nangyayari sayo?!" Narinig kong sigaw ni Zakkiel pero wala eh. Nahihilo na talaga ako hanggang sa.........

BLANK

















-_-

O_-

-_O

O_O

Bakit ang liwanag? Aish naman! Pinagmasdan ko ang paligid ko. Tch. Puro puti ang kulay ng dingding at sahig. Hospital yata to. Tinignan ko ang kamang hinihigaan ko. Tama nga. Hospital nga to.

*eeeecckkk*

Bumukas abg pinto kaya napatingin ako. Si Zakkiel lang pala.

"Okay ka na ba?" Tanong niya.

"Oo. Ano bang ginagawa ko dito?" Tanong ko.

"Wala ka bang maalala?"

"Magtatanong ba ako sayo kung meron? Sagutin mo na nga lang!"

"Chill. Kagigising mo lang nagsusungit ka na agad. Dinala kita dito kanina kasi bigla kang natumba. Nahilo ka ata pagkatapos mong magsuka. Nagpanic pa nga ako eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Paliwanag niya.

"Ah....naalala ko na. Nahilo talaga ako. Ano bang sakit ko ha?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam eh. Pupunta pa lang yung doctor dito mamaya." Sabi niya.

*eeeeccckkk*

Tumingin kami sa pinto. Agad naming nakita ang isang babae.

"Hello. I am Dra. Gia Prado. May itatanong lang ako sa patient."

"Ano po yun?" Tanong ko.

"May napapansin ka bang kakaiba sayo bukod sa pagsusuka at pagkahilo mo?" Tanong niya. Agad akong nag-isip.

"Actually, kaninang umaga nung nannonood ako ng movie, nagutom ako bigla tapos pumunta ako sa fridge para kumuha ng pwedeng makain pero parang wala akong gustong kainin. Parangay gusto akong kainin pero hindi ko alam kung ano. At nung pagkatapos kong magbihis kinuha ko yung favorite perfume ko tapos inamoy ko. Pero nagtaka ako kasi parabg ayoko na nung amoy nung perfume na yun. Tapos kung minsan, parang tinatamad akong tumayo. Tapos parang gusto ko laging matulog. Ewan ko ba! Ang weird ko na eh! Ano bang sakit ko?"

"May boyfriend, fiance or husband po ba kayo?" Tanong niya. Bakit ba tanong ng tanong to?

"Wala. Teka nga! Sagutin mo nga ako! Ano bang sakit ko?!" Sumigaw na ako.

"This is impossible. Paano ka mabubuntis kung wala ka man lamg boyfriend, fince or husband?" Nalito naman ako dun. Tinignan ko si Zakkiel at parang naguluhan din siya.

"What did you say? Anong buntis?" Naguguluhang tanong ko.

"You heard it right Ms. Lopez. You are 2 weeks pregnant."










O_____O

"WHAT?" Sabay pa kaming sumigaw ni Zakkiel.

"Yes. You are pregnant. And nilista ko na ang lahat ng vitamins at pagkain na kailangan mo para magung healthy ka ang ang baby mo. Excuse me but I have to go. Heto na ang listahan." Sabi nung doctor tapo inabot kay Zakkiel yung listahan na sinasabi niya at umalis na.

Hindi pa rin naalis sa mukha ko at mukha ni Zakkiel ang pagkagulat. Shit! Totoo ba ang narinig ko? Buntis ako?

"Paano na yan?! Buntis ka. Nabuntis kita! Hindi naman pwedeng si Chleo ang ama kasi wala naman talagang nangyari sa inyo! Pinalabas mo lang na meron pero wala! Paano na yan? Paano na ang plano natin? Paano na natin mapaghihiwalay sina Chleo at Acelle?" Sabi ni Zakkiel.

Nag-isip ako ng malalim. Shit! Ano bang gagawin ko? Paano ko maagaw si Chleo? Teka, parang alam ko na ang gagawin ko.

"Zakkiel, may naisip na akong plano." Sabi ko.

"Ano yun?"

Binulong ko sa kanya ang naisip ko. Hahahhaha! Siguradong mapaghihiwalay ko na ang dalawabg yun!

I'M INLOVE WITH A NERDWhere stories live. Discover now