-The Next Day-
Acelle's POV
Ahhhh! Nakakainis talaga si Chleo! Ang sakit ng mga salitang sinabi niya sa akin kahapon! Ahhhh! Ayoko siyang makita ngayon! Kahit mahal ko siya ayoko siyang kausapin o pansinin! Ang sakit talaga yung mga sinabi niyang mga salita sa akin!
Nandito na ako sa school. Kinakabahan na ako. Paano kung makita ko siya? Ahh...basta di ko siya papansinin. Nakita ko si Ansh.
"Ansh!" Tawag ko sabay taas ng hand.
"Oh! Di kita napansin. Psh. Okay ka na ba?" Tanong niya. Naikwento ko kasi sa kanya yung nangyari sa amin ni Chleo.
"Okay na." I answered.
"Paano kung magkita kayo ngayon?" I sighed.
"Hindi na lang ako mamamansin. Bahala siya sa buhay niya." Sabi ko.
"Eh kung kausapin ka niya?" Tanong niya.
"Di ko siya kakausapin!" I said.
"Pag humingi siya ng tawad sayo?"
"Di ko siya papatawarin! Manigas siya! Sa sakit ba naman ng sinabi niyang mga salita sa akin! Hmp! Tara na nga sa classroom! Wala ng maraming tanong diyan." I said at hinila ko siya papunta sa classroom. Bahala na kung magkita kami. Basta ang alam ko, masakit sa pakiramdam na sabihan ka ng malandi at mukhang pera ng taong mahal mo.
*Rrrriiinnnggg.....*
Hayss.....lunch time na! Ho! Sa wakas makakakain na ako! Gutom na ako eh. Hehe.
"Ansh, tara na!" Tawag ko sa kanya. Napakabagal eh.
"Maghintay ka nga!" She shouted.
"Eh ang bagal mo eh! Gutom na ako!"
"SPG!"
"Huh? Anong SPG? Striktong patnubay at gaybay ng magulang ang kailangan? Maaaring may maseselang tema, lenguahe, karahasan, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga bata?" I asked.
"Mali! Walang hiya ka! SPG is super patay gutom! Putspa! Tara na nga!" Hinila na niya ako. Infairness. Memorize ko ang rated G, PG and SPG. Haha!
Chleo's POV
Nandito ako ngayon sa canteen. Nakaupo ako sa mesa. Psh. Gusto ko nga kausapin si nerd. Nasabi ko lang naman talaga ang lahat ng yun dahil sa selos. Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos eh. Hayss...
"Ansh! Ano ang gusto mo?"
0____0
Boses ni nerd yun ah! Agad naman akong napatingin sa pila. Nandoon sila. Tumayo na ako at lumapit sa kanila. Hinawakan ko ang braso ni nerd. Gustong gusto ko na talaga siyang makausap.
"Nerd, pwede ba tayong mag-usap?" I asked. Halata na nagulat siya kasi bigla ko na lang siyang hinawakan.
"Ahh...Ansh may nakalimutan pala ako sa classroom. Dito ka lang ha? Babalikan ko lang." Sabi niya at tumakbo. Sinundan ko naman siya.
"Nerd, please...mag-usap tayo." Sabi ko. Hindi niya ako nilingon.
"Nerd, please." Hindi niya ulit akong nilingon. Ah....deadma lang ako sa kanya.
"I just want to say sorry." Deadma pa rin. Bat ba di niya ako pinapansin? Malamang Chleo may kasalanan ka! Mag-isip ka nga!
Mas binilisan ko ang paglalakad ko at hinarangan ang dadaanan niya kaso nilagpasan niya ulit ako. Ahhh!!! Ang hirap kapag dinedeadma ka lang ng taong mahalaga sayo. Oo, mahalaga siya sa akin. Siya kasi ang dahilan kung bakit ako nagbago. Kung bakit nagbago ang pag-uugali ko. Ah!!! Ang hirap pag dinedeadma niya ako ngayon. Ang sakit sa pakiramdam!
"Please, let us talk." Patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya. Para akong aso. Nakasunod lang ako sa kanya. I stopped walking.
"Acelle, alam kong may nasabi ako sayong masasakit na salita. Pero sana, wag mo akong iwasan. Sana wag mo akong deadmahin. I can give you time to think. Kaya kong maghintay ng sign mo na magusap tayo. Sana sabihin mo kung ayaw mo pa akong kausapin or pansinin. I'll give you space. Pero sana wag mo akong deadmahin lang at di pansinin. Sana wag mo akong deadmahin na parang hangin lang o kaya ibang tao. Because it hurts. It just fucking hurts." Huminto siya nong sinasabi ko ang mga katagang yon. Eh totoo naman eh, it hurts like you are hugging a cactus. The tighter you hug, the more it hurts.
Umalis na ako. Humanda ka sa akin bukas Acelle Zyrish Sandoval. Because Chleo Josh Bartolome will ask for your forgiveness. And I will not stop until you give up and forgive me.
Acelle's POV
Oh. My. Ghad! Tinawag niya ako sa pangalan ko! Ah....first time! Walang hiya! Kinikilig ako! Parang sasabog na ako sa kilig! Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Kasi naman eh! Nakakainis na yang Bartolome na yan! Ah basta! Kahit ano pang pagpapakilig ang sabihin niya, it will never change the fact na galit ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.
Pero ano yung sinabi niya kanina? Anong it hurts? Ang masakit dun sa hindi pagpansin sa kanya? At bakit naman masasaktan siya? What's the valid reason? Ahhh!!!! Nakakainis ka talaga Bartolome ka! Ang dami tuloy tanong sa isip ko! Nakakainis ka talaga Bartolome! You are driving me crazy! Ugh!
YOU ARE READING
I'M INLOVE WITH A NERD
Teen Fiction"Fate is the one making things complicated and love is the one who will lead you the way out of those complicated things." _____ Mahal mo siya....pero may girlfriend siya. Nung naghiwalay sila, napansin ka niya. Habang tumatagal, nafafall na siya...
