Chapter 35: Broken

482 3 0
                                        

Zakkiel's POV

R.I.P. sa namatay kong puso! Shit! Ang sakit!!! Ahhhh!!! Walanghiya! Dapat kasi sa akin si Ace! Sa akin dapat siya! Nakakainis yang pinsan ko! Bakit ba kasi nainlove pa sila sa isa't isa? Sana pala hindi ma lang muna ako lumayo matapos nung nag-away kami sa canteen ni Chleo dati. Natakot kasi ako noon kasi nasaktan ko si Ace ng physical kaya ako lumayo kasi ayaw ko siyang masaktan ulit. Baka kasi lumayo siya o kaya matakot siya sa akin. Hindi naman ako halimaw ah! Sadyang nagiging halimaw ako kapag ang pinsan ko na ang kaharap ko. Nandito ako ngayon sa bar ng kaibigan kong si George. At nagbabasag ako ng bote dito sa VIP room.

"Ahhhhh!!!!" Sigaw ko at nagbato ng bote sa pader.

"Uy pre! Tama na! Malulugi na ang bar namin." Pigil sa akin ni George.

"Wala akong pakialam! Naiinis ako! Bwisit na Chleo yan! Argghhh! Sana kasi ako na lang ang minahal ni Ace! Dapat ako at hindi yung pinsan ko." Lumabas na ako sa VIP room.

*booogsh*

"Ouch!" May babae akong nabunggo.

"Samantha?" Tanong ko.

"Oh, Zakkiel." Sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Magpapakalasing ako para nakalimutan na sinagot na ng babaeng mahal mo ang lalaking mahal ko." Sabi niya atska umupo malapit sa counter.

"Parehas pala tayo ng rason. Kaya nandito ako dahil din dyan sa rason na yan." Sabi ko atska umupo sa tabi niya.

"Kung hindi lang talaga magagalit ang mahal ko, pinigilan ko na yun. Kuya hard drink."  Nagorder na siya at hard pa ah...

"Eh ano pang magagawa natin? Sila na eh. Ah...kuya ako rin, yung hard." Nag-order na rin ako.

"Zakkiel...baka naman nakakalimutan mo? Maggf/bf pa lang sila...hindi pa sila mag-asawa. Kaya may magagawa pa tayo." Sabi niya tapos ininom yung alak.

"Tch...mahal nila ang isa't isa at kahit anong gawin natin hindi na natin sila mapapaghiwalay." Sabi ko at ininom din ang alak ko.

"Ganyan ka ba talaga Zakkiel? Madali kang susuko? Hindi pa nga naguumpisa ang laban eh sumusuko ka na? Ano ba naman yan? Hindi porket BROKEN TAYO eh SUSUKO ka na. Psh. Mahal mo ba talaga si Ace? Kasi ako mahal ko si Chleo at HINDI AKO SUSUKO! Gagawin ko ang lahat para lang maagaw siya. Kahit landiin ko siya araw-araw o kaya minu-minuto pa ay gagawin ko." Mataray niyang sinabi yun.

"Hay naku! So desperate huh? Hindi ko alam na ganyan ka pala, palaban at walang inuurungan. Sa ngayon mag-inuman nuna tayo. Broken tayo diba? Psh. Gusto ko munang makalinutan ang sakit. Gusto ko munang malasing para makalimutan ko na broken ako." Sabi ko at nag-shot ulit ng alak.

"Alam mo....kahit naman na maglasing tayo eh maalala pa rin natin yan! Panandalian lang pagkalasing. Pag-uminom ka ngayong gabi, pagkagising mo bukas maalala mo rin lahat. At kung nasasaktan ka ngayon mas lalo ka pang masasaktan bukas kasi sasakit din ulo mo."

"Eh kung panandalian lang pala ang alak, eh bakit ka pa umiinom?" Tanong ko. Tumulo naman ang luha niya.

"Kasi gusto kong makalimot kahit saglit lang. Gusto kong makawala sa sakit kahit saglit lang." Sabi niya.

"Hmmm..tanong ko lang ah....ano bang nagustuhan mo sa pinsan ko at patay na patay ka sa kanya?"

"Ewan ko rin eh. Basta na lang kasung tumibok ang puso ko sa kanya.  Nakakainis lang talaga eh. Sana kasi pinigilan ko na lang yung kanina para hindi na naging sila. Psh. Pero magagalit nga kasi yung mahal ko eh. Teka nga...hoy Kuya! Bakit ba puro shot glass? Bigyan mo nga ako nung hard na nakabote! Isang case ah!"

O_______O

Grabe? Isabg case?!

"Wag kang magalala Zakkiel....sa ating dalawa na yun. Pero kung nagkulang, ikaw na lang ang magdagdag." Sabi niya.

"Oo na! Oo na! Sige na!"

Agad namang dumating yung isang case tapos kumuha kami ng tig-isang bote. Ininom namin iyon ng ininom.

















-3 hours later-

Nandito pa rin kami sa bar at hindi pa rin tumitigil kakainom. Kanina pa rin kami nagkekwentuhan. Madalas naming mapagusapan ang lovelife pero kung minsan ay napaguusapan rin namin ang business.

"Hehehe....hik......gagawin ko ang lahat.....hik....para lang makuha si Chleo kay Ace. Hik...ilang beses na akong nasaktan....hik....noon! Ilang beses na ako...hik....nabigo noon! Kaya ngayon....hik.....mag-iisip ako ng plano....hik...para mapaghiwalay sila. Kontra---hik---bida na kung kontrabida basta......hik....basta makuha ko lang si Chleo. What Samantha wants.....Samantha gets!" Sabi niya. Sobrang lasing sa siya. Pero ako din eh. Lasing na rin ako.

"Alam mo Samantha.....lasing ka na eh!" Sabi ko.

"Eh....ikaw rin kaya! Lasing ka na rin! Hik!" Sabi niya.

"Umuwi ka na kaya! Magpasundo ka na! Hindi mo kaya magdrive!" Sabi ko.

"Ayoko pang umuwi! Mag-iisip pa ako ng plano para.....hik.....maagaw ko si Chleo ko!" Sabi niya.

"Lasing ka na nga! Ako rin medyo lasing na ako at medyo nahihilo pero hindi naman ako pwede umuwi kasi wala kang kasama dito. Kaya magpasundo ka na!" Sabi ko. Shit! Naliliyo na ako! Lasing na talaga ako.

"Ayoko pa nga! Inom pa tayo! Hik!" Sabi niya pero........








Bumagsak na siya sa balikat ko. Hayyss...sabi na kasing umuwi na siya at uuwi na rin ako kasi naliliyo na ako. Haysss....tulog na siya at wala na akong magagawa kundi dalhin siya sa condo ko malapit dito.

I'M INLOVE WITH A NERDWhere stories live. Discover now