"HA-HA-HA.Joke time ba 'to ma? Uso ba ngayon yang joke na yan? Kanina ko pa naririnig yung kasal kasal na yan. Wag niyo naman gawing biro 'yon kasi hindi nakakatawa!"

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan! Totoo 'to anak, pinag-uusapan na nga namin eh. Gagawin ko bang biro ang kinabukasan mo." Seryosong sabi ni mama.

Unti- unti akong nakaramdam ng kaba. "Kanino ako ikakasal? Sa kanya?" Itinuro ko yung lalaking kausap nito. "Siya ba inutangan ni papa ngayon? Ako gagawin mong pambayad utang?"

"Hindi ka sa kanya ikakasal anak. Wag kang assumingera"

"Kanino? Sa Big Boss nila? Yung kagaya sa mga movie na matataba at malalaki ang tiyan? Maaaaaaaa naman! Patayin mo na lang ako!"

Binatukan ako ni mama ng super intense. "Luka luka kang bata ka kung ano ano pinagsasasabi mo! Hindi nga sinabi eh!"

"Eh kanino nga!?"

"Sakin nga! Ang kulit mo din noh. "

Napalingon kami ni mama sa nagsalita.

"Ikaw na naman? Hindi ka pa rin umaalis?" Lumapit ako kay Elle at tinulak siya palabas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ikaw na naman? Hindi ka pa rin umaalis?" Lumapit ako kay Elle at tinulak siya palabas. "Lumabas ka family problem to! Wag ka dito magjoke!Chupi!"

Hinubad ni Elle yung bigote at cap niya. "Good Evening everyone."

"KYAAAAAAAAAHHHHHH!" Halos magiba ang bahay namin sa tili ni Jha, Mon at Lou.

" Let me formally introduce to you your future husband, Young Master Elle Severin Kreiss, the heir of Kreiss Group." Sabi nung lalaking mukhang modelo.

"Imposibleng mangyari 'to." I said in disbelief. "Hindi naman kami mayaman. Bakit ako? Diba ang mayayaman kinakasal sa mayayaman? So bakit ako?"

"Ipinagkasundo kayo ng mga lolo niyo." Sagot nung gwapong modelo.

"Ni lolo? Sino Ma?" Naguguluhang tanong ko kay Mama.

"Si lolo Nato mo anak." 

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. 

"Nice to meet you....future wife." He said halatang nang iinis.

Lumapit ako kay mama na ngayon ay nakatulala kay Elle. "Mama!Mama! Ayaw ko! Sabihin mo bata pa ako para mag-asawa." Bulong ko.

Binatukan ako ni mama. "Manahimik ka diyan!"

Sila Jha, Mon at Lou naman parang bulate na nagkikisay sa sobrang kilig, todo thumbs up sakin.
                                     
"Nakooo! Napakagwapo naman pala ng magiging uhmm- ano nga ba 'yon sa ingles? Son... Son..."

"Son in Law tita." Bulong ni Jha mula sa hagdan.

"Ayun tama! Napakagwapo naman ng magiging son in law ko at sikat pa!" Lumapit siya kay Elle at yumakap. "Mama na itawag mo sakin ha?"

Fated To Be With You(Taehyung + Yoona + Luhan)Where stories live. Discover now