Chapter 40 ∞ Get Lost

Start from the beginning
                                    

"Tang*na ka pala Bro eh! Ano, papamigay mo na si Yumiko? Ayaw mo na talaga sa kanya? Know what Lance? While you're ignoring her, someone is begging for her attention. Remember that. Sana nga hindi na lang ikaw ang minahal ni Yumi dahil pulos sakit lang ang binibigay mo sa kanya!"

 

Lalo akong naiiyak sa sigawan nila. Nag-aaway pa sila ng dahil sa'kin. Wala akong silbi. Wala akong kwenta. Pakiramdam ko, panggulo lang ako sa buhay nila.

"So what? I don't care. Dahil ngayon, wala na akong pakialam pa sa kanya. I hate that girl and I don't want to see her anymore. Ilang beses ko ba dapat na pagsisihan na siya ang minahal ko!?" Sigaw ni Lance.

</3

It truly hurts. Ang sakit sakit niya magsalita. Nagsisisi na siya? Tumunghay ako at tumingin diretso sa mga mata ni Lance. "S-Sorry." I started crying in pain. "Sorry for coming into your life. Sa mga sinabi mo, ramdam na ramdam ko na ayaw mo na sa'kin. Na halos isuka mo na'ko. Na halos ipagtulakan mo ako sa iba. Na halos ipamukha mong wala ka ng pakialam pa sa'kin. P-Pwede bang tama na? Tama na ang pagpapamukha sa'kin na nagsisisi kang mahalin ako. Masakit na sobra Lance. Sobra na.." Halos kapusin na'ko ng hininga dahil sa pag-iyak. "Dahil sa'kin pati kayong magkapatid nag-aaway. Wala na'kong nagawang tama. Gulo at away lang yata ang nabibigay ko sa inyo. Sorry. Hayaan mo Lance, titiisin ko ang lahat. Gagawin ko ang lahat para matanggap na hindi talaga tayo para sa isa't isa. Itong pinagbubuntis ko? Kaya ko naman 'tong buhayin mag-isa. Siguro nga hindi ikaw ang ama ng dinadala ko. Yun nalang ang isipin mo Lance mula ngayon." Mas mabuti na 'yun. Tutal hindi naman niya 'to matanggap kahit sigurado ako na siya ang ama nito. "I don't understand myself. Even if you're causing so much pain in my heart, I still want you in my life. Pero wala na akong magagawa 'diba? Ayaw mo na sa'kin. Nakakapagod ng i-explain ang sarili ko. If you don't want to believe me, fine. Mas mabuti ngang kalimutan mo ng may nakilala kang Yumiko Hayashi."

Ang sakit sakit sa'kin lahat ng binibitawan kong salita. Kelangan ko 'tong gawin. Kelangan ko na yata talagang tanggapin na hindi kami ang para sa isa't isa.

"Yumi tama na 'yan. Hayaan mo na si Lance." Sabi ni James.

"Then get lost." Sabi ni Lance saka tumalikod pero hinigit siya ni James at sinuntok.

"As a man, you shouldn't allow anyone to disrespect your girl. Pero ikaw mismo ang hindi rumi-respeto kay Yumiko! Wala ka talagang kwenta Bro! Hindi na ako magtataka kung mawala na ng tuluyan si Yumiko sa'yo. You don't deserved her." Sabi ni James saka ako hinila palabas ng mansyon.

"J-James."

"Diba sabi ko sa'yo 'wag kang lalapit kay Lance? Sh*t Yumi hayaan mo na si Lance. Kita mo naman 'diba? Wala na siyang pakialam sa'yo! Matigas masyado ang puso niya kaya 'wag mong pababain ang sarili mo para sa kanya. Narinig mo naman ang sinabi niya 'di ba? Get lost na daw. Ano? Kelangan ko pa bang ulitin 'yun para tanggapin mo na wala na kayo ni Lance!? Ha? Isipin mo ang baby mo Yumi! Wag si Lance!"

 

Galit na galit si James. Tama naman siya pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Wala tuloy akong magawa kung hindi ang umiyak.

Get lost..

 

Yun ang salitang kinatatakutan kong marinig mula kay Lance. Get lost? Hindi na niya ako mahal. Dahil kung mahal niya ako, hindi niya 'yun masasabi sa'kin.

---

Gabi na. Andito lang ang ako sa unit ni Janna. Dito ako hinatid ni James. Kinausap pa niya ang receptionist sa baba na itawag agad sa kanya 'pag lumabas ako ng building. Gano'n ako ka-secured.

Ayaw na niyang makipagkita pa'ko kay Lance pero 'di ko kaya.

"Yumi!" Narinig kong sigaw ni Janna.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa salas. Naaubutan ko d'on si Chelsea at Janna.

"Yumiiiii!!!" Niyakap agad ako ni Chelsea.

Ayan na naman ang luha ko, lumalagpak na naman.

"Ano ba kasing nangyari? Tell us. Kaibigan mo kami." Tanong ni Chelsea saka kami naupo sa couch.

"Oo nga Yumi. Mas mabuting sabihin mo na sa'min ang totoong nangyari." Sabi ni Janna.

Umiiyak na umiiling ako. "Hindi ko kayang sabihin. Sorry but still, it's confidential." Sabi ko.

"Okay. We'll understand pero sana sabihin mo na sa'min kapag kaya mo na ha? Wag mo 'yang kimkimin. Handa naman kaming makinig." Sabi ni Chelsea.

We had a group hug. Kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko.

--

Matagal-tagal din kaming nag-kwentuhan nina Janna at Chelsea kanina. Naiwan nalang akong mag-isa dito sa condo dahil may lakad si Janna. Si Chelsea umuwi na. Buntis din kasi 'yun at hindi pu-pwede sa kanya ang mapagod.

Ako buntis din ako pero lahat na yata ng sakit naramdaman ko. Stressed na stressed na nga ako. Wala na yata akong ginawa sa araw-araw kundi ang umiyak.

Get lost..

Naalala ko na naman 'yung sinabi ni Lance sa'kin. Sa tingin ko, dapat ko na nga siyang bitawan. Kahit anong kapit pa ang gawin ko sa kanya, kung siya mismo bumitaw na, wala na ring sense.

Masakit, oo. Pero kailangan ko nga 'yung tanggapin.

Napahimas ako sa tiyan ko. I'm pregnant. Baby namin ni Lance pero ayaw niya 'tong tanggapin. Ang sakit sakit sa'kin non.

Pero 'yun nga, tulad ng sabi ko kay Lance, pipilitin kong hindi na magpakita pa sa kanya. Kakalimutan ko na siya. Igi-give-up ko na siya.

Ito nalang baby ko ang pahahalagahan ko. Ito nalang ang pagtutuusan ko ng pansin. Bubuhayin ko 'tong mag-isa.

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa kama para mag-banyo pero..

Sh*t. Ang sakit ng tiyan ko. "Aaahh!" Bakit ganito. Ang sakit sakit ng tiyan ko. Napaupo ulit ako sa kama. Napapahawak na'ko sa tiyan ko dahil sa sakit. Anong nangyayari sa’kin?

Pagtingin ko sa may binti ko..

O_O

Sh*t bakit may dugo!? No. Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari ‘to. Pinilit kong abutin ang phone ko na nakapatong sa side table. Tumayo ako pero napaupo lang ako sa sahig dahil sa sakit ng tiyan ko. “Baby ko, wag kang bibitaw. Hindi, hindi ka pwedeng mawala. Ikaw nalang ang natitira sa’kin..Hindi..” napaiyak ako habang pinipilit na abutin pa rin ang phone ko. I need to call someone.

Malapit ko nang maabot ang phone ko nang makaramdam ako ng mas matinding sakit. Sh*t dumadami na ang dugo. Sa binti ko..

T_T

What to do? Sh*t. “Lance, I need you..”

BLANK.

**

A/N: Tweet niyo ang reactions niyo. Use hashtag #MY2Heartbreak

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now