Chapter 40 ∞ Get Lost

Start from the beginning
                                    

 

May point siya. Ilang beses na nga ba? At oo, hindi pa rin siya nagbabago. Ganun pa din siya. Mainitin ang ulo at laging pinaiiral ang galit at pride niya.

"Pero mahal na mahal ko siya.."

She hugs me. "Alam kong mahal na mahal mo siya Yumi but give yourself a break naman. Kahit konting oras lang, kalimutan mo muna yung nararamdaman mo para kay Lance kasi nasasaktan kalang eh."

 

Lalo akong naiyak sa sinabi niya. "Di ko kayang kalimutan siya.."

 

"Di ko naman sinabing totally ay kalimutan mo siya. What I mean is, yung kahit sandali, isipin mo muna 'yung sarili mo. There's a fact kasi na, some of the boys never realize how much one little thing can hurt a girl. Puro sila pride."

"Pero ang sakit Janna. Ang sakit sakit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Feeling ko, wala ng sense ang buhay ko kung wala si Lance. Di ko na alam ang gagawin ko." Umiiyak na sabi ko.

"Being hurt is something we can't stop from happening, but being miserable is always your choice. Isipin mo rin 'yung sarili mo Yumi. Oo nasasaktan ka, natural lang 'yan dahil nagmamahal ka. Pero 'wag mong gawing miserable ang buhay mo dahil ikaw lang ang nasasaktan sa ginagawa mo."

 

Again and again, may point siya pero bakit 'di ko naman ma-i-apply sa sarili ko 'yung mga sinasabi niya.

Napahagulhol na'ko ng iyak. Gusto kong makita si Lance. Gusto ko siyang makausap. "B-Bakit kailangang kong masaktan ng ganito? B-Bakit ko nararanasan 'to?"

Janna smiled at me at wipe my tears. "We must hurt in order to grow. Because some lessons in life, are best learned through pain. And you need to accept that."

 

Damn, she's right.

--

Nagpaalam si Janna kanina na aalis muna kaya umalis din ako ng hindi nagsasabi sa kanila. I want to see Lance. I badly wants to see him.

Nandito na'ko sa may labas ng Abellano's mansion. Pagpasok ko, naabutan ko naman si Lance sa salas.

"L-Lance.."

He looked at me but in just a seconds, nanlilisik ang matang nilapitan niya ako. "Why are you here!?" Galit na tanong niya.

"B-Babe mag-usap tayo.." Sh*t. Naiiyak na naman ako. Wala na ba talaga akong gagawin kundi umiyak?

"I don't want to talk to you. I don't want to see you. Get out."

Nahahabag na naman ako sa sarili ko. "L-Lance, i-ikaw lang ang kailangan ko. I loved you. Please believe me. Ikaw ang ama ng dinad--"

 

*PAKKK*

For the second time, he slapped me.

"BRO! Tang*na!"

Natulala ako. Gano'n lang ba kadali sa kanya ang sampalin ako? Gano'n ba kadali sa kaniya ang saktan ako?

*boogsh*

Naririnig ko ang suntukan nina James at Lance pero tulala pa din ako. Kusa lang na tumutulo ang luha ko.

"Gago ka Lance! Buntis si Yumi tapos sasampalin mo!? Kung 'di ka ba naman gago!" Sigaw ni James.

"Wala akong pakialam! Ba't hindi mo 'yan dalhin sa Enrique na 'yun ha?" Sigaw ni Lance.

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now