IKASAMPUNG KABANATA: Ang Muling Pagkikita

Start from the beginning
                                    

“Manong naman, bakit kasi dito tayo dumaan? Sobrang sikip ng kalsada dito.” pagrereklamo ni Paoline sa driver.

“Pasensya na po Ma’am, ginagawa po kasi ‘yung kalsada sa kabila.”

“Hay naku.” Napairap si Paoline. “Hey Honey, bakit ka nakangiti diyan?”

Saka lang bumalik sa realidad si Xander nang tanungin siya ng kasintahan. “Wala, Honey.”

“Sus. Ang saya mo siguro kasi kasama mo ko ‘no?”

Tumingin si Xander kay Paoline. “At pa’no mo nalaman?”

Nagkangitian silang dalawa na nauwi sa tawanan.

Nang makausad na ang sinasakyan nila ay may napansin si Xander na tumpok ng mga taong nagtatatalon at parang naghihiyawan. Pinagmasdan niya pa ito at nakakita siya ng mga bisekletang nagliliparan.

“Manong, pakihinto.”

Inihinto ng driver ang pagmamaneho at lumabas siya ng kotse at tumakbo papunta sa tumpok ng tao. Hinabol siya ni Paoline at panay ang tawag niya dito.

Pagkadating nilang dalawa sa tumpok na tao ay pinilit nilang sumingit hanggang makarating sila sa pinakaharapan at manghang-mangha sila sa nasasaksihan.

May mga malalaki at matatarik na bicycle ramps sa harap nila. Hindi lang iyon, merong mga nag-eexhibition gamit ang kanilang bisekleta. Panay ang sigawan ng mga taong nanonood kaya nakikisigaw rin sila at nakikipalakpak.

Nang matapos ang palabas ay kinausap ni Xander ang katabi niyang may katandaan na. “Matagal na bang may ganito dito?”

“Mag-iisang buwan na rin siguro. Napakadaming mga kabataang napapariwara ang buhay sa lugar na ito kaya laking pasasalamat namin na nagkaroon ng ganito sa lugar namin. Bukod sa nagkakaroon ng libangan ang mga kabataan, ay nalalayo sila sa bisyo. Ang nakakatuwa pa diyan, tuwing linggo ang mga nananalo ay binibigyan ng cash prize at scholarship. Sa katunayan nga ‘yung isang kasali diyan ay anak ko.”

“Wow naman. Sino po ang nagsimula nito? Sigurado akong napakabait niya,” singit ni Paoline sa usapan ng dalawa.

“Ay naku napakabait po talaga niya. Hindi ho kayo maniniwala, pero babae po ang nagsimula nito. Kahit noong mga panahong dito pa siya nakatira sa Sitio Magulong Buhay ay napakabait na ng batang iyon.”

Natigilan si Xander at bigla na lamang siyang kinabahan.

“Ayan na po pala siya eh.”

Dahan-dahan siyang tumingin sa harap at hindi nga siya nagkamali. Ang babaeng nagtatag ng Bicycle Battle na ito ay si Rain.

Naramdaman niya ang pagbitaw ni Paoline sa kamay niya. Pinagmasdan niya ang dalagang nasa harap nila, gusto niya itong lapitan, kamustahin pero natatakot siya at nahihiya. Isa pa, nakikita niya kung gaano na ito kasaya.

“Magandang umaga sa lahat! Ako po ulit ito, ang nag-iisang Rain Angelica Jewel Santos!”

Sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga tao pero hindi si Xander at Paoline.

“Xander, let’s go.”

“No, Paoline. We’ll stay here.”

“Grabe! Ang gagaling naman ng mga kalahok ngayon, pinahirapan kaming magdesisyon. Gusto man naming piliin lahat eh hindi naman po pwede, dahil kailangang isa lang ang manalo. At pinili ko po kasama ang aking mga kaibigan na makakatanggap ng scholarship at 3,000 pesos ay si…”

Natahimik ang mga tao at inaabangan ang sasabihin ni Rain.

“Leo Velasquez!”

Nagsisigaw ang matandang katabi ni Xander at tumakbo papunta sa harap at niyakap ang kanyang anak. Hindi maiwasang mapangiti ni Xander dahil natutuwa siya sa nakikita, napakadaming natutulungan ni Rain.

“Honey please, umalis na tayo dito.”

Hinawakan ulit siya ni Paoline sa braso nito pero huli na ang lahat nang nakalapit na si Rain sa kanilang dalawa.

“Ma’am Paoline! Xander! Hello!” masiglang panimula ni Rain.

Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ni Xander, tinitigan niya ang dalaga at napansin niya na lalo itong gumanda.

“Hi, Rain,” bati naman ni Paoline kay Rain.

“Kanina ko pa kayo nakikita eh, hindi ko lang kayo malapitan. Bakit nga pala kayo napadpad dito?”

“Dito kasi dumaan ‘yung driver namin kasi ginagawa ‘yung rutang dinadaanan namin. Pero paalis na rin kami ni Xander,” sagot ni Paoline.

“Ah h-hindi,” kinakabahang sambit ni Xander. “Pwede ka bang makausap Rain?”

Nagulat si Paoline sa sinabi ni Xander. “Hindi pwedeng kayo lang, kailangan kasama ko.”

“Okay, sige. Hintayin niyo na lang ako doon sa may gilid. Aasikasuhin ko lang ‘to, okay lang ba?” masiglang tanong ni Rain.

“Sure. Okay lang,” sagot ni Paoline.

When Rain FallsWhere stories live. Discover now