Chapter 32: Unspoken Feelings

Start from the beginning
                                    

"Bakit mo naman naitanong yan?" tanong rin ang naisagot ko sa kanyang katanungan. Nakatitig siya sa aking mga mata na para bang nakikita niya na doon ang mga kasagutan. Ano ba kasi ang pumasok sa kanyang isipan at naitanong niya ang bagay na ganyan? masyado na bang obvious na minamahal ko siya?

"Ah' never mind answering..." hindi natapos si Hershien sa pagsagot sapagkat may kung anung nabasag sa likod ng isang mayabong na halaman.

"Meow! Meow!" ang aming narinig kaya naman hinayaan na lang ni Hershien iyon. Isang pusa lang pala buti na lang at nakuha ng pusang iyon ang kanyang atensyon.

"Pwede bang dito na lang muna ako sainyo?" tanong ko para maiba ang topic naming dalawa.

"Dahil sa iniligtas mo ako sige ayos lang sa akin na dito ka ngayong araw, wala naman sina Mom at Dad kaya walang problema." nakangiting sagot niya.

"Ang ibig kong sabihin pwede bang dito na lang muna ako sainyo tumira?" mungkahi ko, gusto ko kasing makasiguro na ligtas si Hershien habang hindi ko pa naaayos ang gulo na nagawa ko, wala naman kasing kasalanan si Shien sa mga bagay na nangyayari ngayon.

"Ano!? dito ka titira?" sagot ni Hershien na parang nabigla.

"Oo pwedeng-pwede!" sabat ni Anne nang pagdating niya sa kinalalagyan namin ni Shien.

Nakikinig pala siya habang nag-uusap kami ng kapatid niya. Hinila siya ni Hershien sa isang tabi kung saan hindi ko maririnig ang pwedeng pag-usapan nilang dalawa. Tungkol na naman kaya saan ang pag-uusapan nila? tungkol ba sa akin?

Mga ilang sandali pa'y parang nagkasundo ang dalawa at marahang lumakad papalapit sa kintatayuan ko.

"Sige Curfiel payag na kami na dito ka tumira sa amin." saad ni Hershien mukhang nag-iba ata ang ihip ng hangin.

"Pero syempre hindi ka titira lang dito na walang gagawin, kaya pagsisilbihan mo rin kami bilang kapalit nang pagtira mo dito." wika naman ni Anne at seryoso siya sa pagkakasabi niya no'n.

"Sige magtatrabaho na lang ako dito sa bahay niyo para di ako maging pabigat." I replied, ayos lang naman kasi sa akin ang pagsilbihan sila basta't alam ko na meron akong malaking pagkakataon na maprotektahan siya.

"Deal yan ha!" sambit ni Anne sabay abot ng kanyang kaliwang kamay at nagshake hands kami.

"Ngayon ka na ba magsisimula?" tanong niya noong nagbitaw na ang mga kamay naming dalawa.

"Ok lang ba sainyo?"

"Oo, ok lang samin pero wag ka na munang magtrabaho ngayon dahil malala pa yang sugat mo sa katawan pero dito ka na muna matulog."

Tinawag ako ni Zhaic dahil dumating si Ate Keirsten, ano pa ba ang inaasahan pinagalitan niya na naman ako dahil hindi daw ako nag-iingat sa mga bagay na ginagawa ko.

Mga ilang oras pa ang nakalipas ay umalis na rin silang lahat, sinabi ko sa kanila na magpapaiwan ako sa bahay ni Hershien. Pinagtripan pa nga nila ako na sobrang inlove daw, na nababaliw na raw ako kay Shien, mga wala talaga silang magawang matino sa buhay.

-End of Curfiel's POV-

*Hershien's POV*

*Sigh* si anne talaga kahit kailan -- tanggapin na daw namin si Curfiel na magtrabaho sa amin para daw makabawi siya kay Curfiel sa mga pinag-gagagawa nito saken no'ng mga panahong nagsisilbi din ako sakanya.

Pahihirapan daw namei si Curfiel. He saved me pero si Anne gusto daw mag-revenge.

Nag-paiwan na si Curfiel sa aming bahay, at si Anne parang may binabalak na kaagad na hindi ko alam.

"My dear sister, what are you trying to plot?" pag-uusisa ko nang pumasok na ako sa kwarto niya.

"I'm writing all the things that we should do to that guy in this one whole sheet of yellow paper." sagot niya at nagsusulat pa rin siya. Mukhang ang dami niyang ipapagawa kay Curfiel, ako na agad ang naaawa sakanya kahit hindi pa kami nagsisimula. Ano ba naman kasi ang pumasok sa kanyang kukote at naisipan niyang tumira dito sa amin-- hindi ko matantsa ang mga ideya na umiikot sa utak niya. Anyways, mas mabuti na nga 'to para mas madali naming maisakatuparan ang balak namin ni Ayesha.

The evening came simultaneously as Ayesha and Paine came into our home, and their countenance was pale.

"Ayos ka lang ba Shien? No'ng malaman namin na dinukot ka no'ng masasamang lalaki nag-alala talga kami sa'yo. We don't know what to do, we called the police. Then when your sister texted us na nakauwi ka na at maayos dali-dali kaming pumunta dito para kumustahin ang kalagayan mo." naghi-hysterical na sabi ni Paine, dire-diretso na parang hindi humihinga.

"I'm ok, don't worry. Wala nga akong gasgas o galos sa aking katawan." I muttered.

"Who saved you from those wicked guys?" Paine seriously questioned me.

I pointed my index finger to Curfiel who was standing near our picture frames hung against the wall.

"Siya pala I thought masama syang tao but he saved you-- jowa mo na ba siya ngayon ha?" pagtatanong sa akin ni Paine sabay sundot sa aking tagiliran.

"Mali ka nang iniisip hindi ko pa siya boyfriend." I replied.

"HINDI MO PA SIYA BOYFRIEND meaning may balak ka."

"*speechless me*" at nagtinginan kaming dalawa ni Ayesha.

"Dito pala siya matutulog ngayon." I diverted the topic.

"Talaga Shien, eh di dito na rin kami matutulog. Hindi mo siya boyfriend at sabi mo yun." sagot ni Paine na parang may kung anong pumasok sakanyang utak.

"May kung anong malanding kaluluwa na naman na hindi matahimik ang pumasok sa katawan mo Paine." saad ni Ayesha.

"Matagal na akong pinamahayan ng malanding kaluluwa Sha!" wika ni Paine sabay tawa ng malutong habang medyo hinaharangan ng kanang kamay ang kanyang bibig upang hindi ito makita. Pa-demure pa.

"Sa kwarto ko na lang ulit kayo matulog na dalawa para masaya." alok ko sa kanila.

Walang masyadong imik si Ayesha, dapat ko na bang simulan ang plano naming dalawa at ng kapatid niya. Dapt ko ba silang sundin? I don't want to dilapidate someone's heart pero nakasagot na ako ng oo sa kanilang dalawa kaya sige tutuparin ko ang napag-usapan namin.

Natapos ang dinner at nagsipunta na kami sa aking kwarto, si Curfiel naman ay sinamahan ni Ate Yani upang ituro kong saan siya matutulog. Ayos lang naman daw kay Ate Yani na dito muna si Curfiel at least mayroon daw siyang makakatulong sa mga gawaing bahay at pwedeng maging tagapagbantay ko.

********

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now