Chapter 23: Happiness

1.2K 28 0
                                    

Chapter 23: Happiness

*Ayesha's POV*

Parati na lang busy si Shien, ano kayang ginagawa niya ngayon? Ano kayang pinagkakabusyhan niya? Kasi naman sabi niya may gagawin daw siya kaya umuwi na'ko dito sa bahay. Nakakaboring nga dito sa house, si Kuya Kruizer naman parati ring wala, pero naintindihan ko naman kasi may pasok sila. Wala pa rin akong taong nahahanap para sa project namin. Buti pa si Shien may nahanap na, yung lalaking sinipa ko no'n do'n sa isang shop, ang gwapo niya talaga pati yung mga kasama niya, darating ang panahon makakarma rin sila. Hindi ko alam kung paano napaamo ni Shien ang gano'ng kagagwapong nilalang. Humanda ka sa akin friend maghahanap din ako ng gwapo.

Yung may sexy butt.

May 8-pack abs.

May kissable lips.

May matangos na ilong at may tantalizing eyes.

Makapunta nga kina Paine para makapagboy-hunting kami kailangan naming mangaso ngayon dala na rin ng matinding pangangailangan. Haha

Gamit ni Kuya yung kotse namin kaya kailangan kong mag-commute papunta doon kina Paine.

-@ Paine's Residence-

I rang the bell twice at pagkatapos noon eh' nakita kong sumilip si Paine sa malaking glass window ng bahay nila nakangisi pa siya habang nakatingin sakin.

Ikinaway ko yung kamay ko at biglang tumakbo si Paine papalabas ng bahay nila.

"Ayesha magboboy hunting tayo ngayon?" agad na tanong ni Paine pagkaabot niya sa gate.

Hindi naman siya gutom sa mga lalaki niyan? Yun kasi ang parati naming ginagawa pag-naglalakwatsa kami.

"Of course, wala ka pa rin namang nahahanap para sa project natin di ba?"

"Oo nga eh! pero gusto ko lalaki ang mahanap ko para masaya." excited na sabi ni Paine.

Oh di ba? Hindi talaga siya niyan hayok na hayok sa mga lalaki. WATTA word "Hayok na hayok" HAHA.

"Pasok ka muna sa bahay namin mag-papaganda tayo." dagdag ni Paine at binuksan niya na yung gate ng bahay nila.

Buti naman at naisipan niya yan, akala ko kasi dito lang kami sa labas ng Gate mag-uusap forever.

"Paine bilisan lang natin ah' kelangan maaga tayong maghanap ngayon remember EARLY GIRL CATCHES THE ANGRY BIRD OF THE HANDSOME BOY."

Yan ang motto namin ni Paine kapag mangangaso kami ng lalaki. Bakit angry bird? kasi  early in the morning angry ang bird ng mga boys. HAHAHA 

"Gusto ko na nga sanang umalis ang kaso ang oily ng face mo pwede nang magprito." pang-asar 'to si Paine porket sumakay lang ako ng jeep papunta sa kanila.

"Kaimbiyerna ka! Ano naman maganda pa rin naman ako 'no." sagot ko sakanya. Nakapasok na kami sa loob nang bahay at nasa  kwarto na ni Paine.

"Ayan oh' magpaganda ka baka layuan tayo ng mga lalaki niyan dahil sa oily face mo." sabi ni Paine sabay bigay ng make-up kit.

"Hindi 'to sebum, its just my sweat."

"Sige ikaw na may alam about sebaceous glands." Paine muttered.

"Hahaha , anyway mag-aayos pa rin ako para mas maganda ako kaysa sayo."

"Wow ha' ano 'to pageant? Gusto mo mag-suot ng gown?" pagbibirong sabi ni Paine habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok.

Pagkatapos naming mag-ayos ni Paine commute ulit kami, yung kotse kasi nila gamit din nong mom niya. Ang hirap talaga pag-ganito yung wala kang sariling kotse.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now