Chapter 15: Map To Hell

1.3K 34 4
                                    

Chapter 15: Map To Hell

*Hershien's POV*

*6:30am*

(Kriiiing, Kriiing)

Sa pagtunog ng alarm clock ay bigla na rin akong na gising, ako'y nagdasal muna upang mag pasalamat sa panibagong magandang umaga at pagkakataon na makagawa pa ng mabuti sa aking kapwa.

I went to the comfort room and did some stuff and then after that, I walked going to the dining room and saw my sister eating breakfast and was ready going to school.

"Ate mauuna na ako, ingat ka parati ha. '"Anne said at naglakad na siya papalabas ng bahay dahil inaantay na siya ng school service nila.

"Ingat ka rin Anne." wika ko habang ikinakaway ang aking kanang kamay at nakangiti.

Mag-isa na akong kumain ng almusal. Pagkatapos ko ay tumulong na ako kay Ate Yani sa mga gawing bahay, alam ko naman kasi na hindi niya iyon kayang mag-isa.

*8:00 am*

Dahil nga sa wala pa 'yong driver namin, nagcommute ulit ako papunta sa bahay nina Curfiel. Sa ngayon mag-isa ako, pero nilakasan ko na lang ang loob ko. I can do everything as long as I have Jesus Christ, thats what I believed in.

Laking gulat ko dahil wala na namang tao at hindi na naman nakalock ang gate, buti na lang at hindi ninanakawan ang bahay nila.

Kagaya nang dati dire-diretso lang akong naglakad papasok ng bahay nila upang tingnan kung may tao nga o wala. Baka siguro gumagawa na naman ng tao si Curfiel, just like yesterday.

Pero wala akong narinig na kung ano man galing sa kwarto niya, kaya binuksan ko yung pinto ng silid ni Curfiel nang nakapikit ang mata baka kasi may makita na naman akong hindi ko dapat makita.

"Ate Keirsten! Curfiel!" I shouted.

Binuksan ko yung mata ko pero wala nga talaga sila. Saan ba sila nagpunta?

Dahil sa sobrang takot ko na baka kagaya noong last day ang makita ko at dahil sa kakasigaw ko ng pangalan nila ng paulit-ulit I became thirsty so I went to the kitchen to quench my thirst. 

At mayroon na naman akong nakitang sulat na nakadikit sa ref.

"May pasok kami ngayon, kaya walang tao dito. Pag-alis mo i-lock mo na lang yung pinto, tapos yung gate. Kung gusto mo pumunta ka na lang dito sa school namen. Sa likod ng sulat na'to may mapa papunta sa paaralan. Gumawa pa talaga ako ng mapa para sa'yo. Ingat ha."

Huh? may pasok pala sila, hindi naman kasi nagsabi. Sino kaya nagsulat nito? at alam niya talaga na pupunta ako dito sa kusina.

Kinuha ko na yung sulat at nakitang mayroon ngang mapa sa likod nito.

Pupuntahan ko na lang sila, sayang naman kung hindi, nakakahiya naman sa nagdrawing nang mapa well-detailed, pati yung street lights at puno dinrawing pa.

Kaya naman ay ni-lock ko nang lahat ng pinto pati na rin 'yong gate.

Sumakay na lang ako ng jeep, ang gastos kasi kung magtataxi pa ako.

*Makalipas ang ilang minuto*

"Ito na ba yung school nina Curfiel?" natanong ko na lang sa sarili ko no'ng marating ko na yung school na nakalagay do'n sa mapa.

Pumasok na ako sa gate nang  dahil wala namang guard na nagbabantay. Marami akong nakitang nag-susuntokan. Mayroong nakauniform at meron ding nakacivilian.

Ang daming estudyanteng nakatingin saken, parang merong apoy na gustong lumabas mula sa kanilang mga mata.

Tapos nagsitakbuhan sila papunta sa'kin kaya tumakbo na rin ako. Ang bibilis nila! Nagtago ako sa likod ng isang malaking building. Dahan-dahan akong naglakad papaatras do'n sa mga humahabol sa'kin pero kahit na sobra ang pag-iingat ko, hindi ko pa rin nakita 'yong isang halaman na nakalagay sa paso, bigla itong nahulog at napansin ito no'ng mga estudyanteng humahabol sa'kin kaya nakita nila ako. Ang dami nila at may kanya-kanya pa silang bitbit na sandata.

The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now