“What?” hindi ko alam kung anong ginagawa ni Grant pero bigla siyang nakaalis mula sa pagkakapulupot ko sa kanya at muntik naman akong mangudngod.

“Eat by yourself.” matapos ay lumakad na paalis si Grant sa kinatatayuan ko at iniwan ako mag-isa. My mouth dropped.

Narinig ko ang pagtawa ng ilang mga tao sa paligid ko. I snapped my head at their direction and glared at them. “Anong tinatawa-tawa niyo d’yan?!” I yelled at bigla silang napatigil.

I counted one to three before shrieking out loud.

“Girls!!!”  

Wala pang limang segundo ay may humuhungos agad na tatlong babae papalapit sa akin. Sila ang mga bitch friends ko. Lagi nila akong hinihintay sa carpark kaya alam kong kanina pa sila nandoon at hinihintay na tawagin ko.  

“Yes Maxie?” I clenched my jaw.

“Water. I need water.” sabi ko at mabilis naman sila nakapagproduce ng tubig para sa akin. Alam na nila ang madalas kong hingin kaya they make sure na prepared sila lagi.

Sinimulan kong inumin ang tubig habang pinapaypayan naman ako ng dalawa with their hands, like it helped at all.

“Glasses.” inabot ko ang mineral bottle sa kanila at mabilis naman nilang kinuha iyon at pinalitan ng salamin. I wore my rayban and took a deep breath bago ulit ako kumalma.

“Better?” tanong ni Zoey at ngumisi ako.

“Let’s go.” at katulad ng usual routine, ako ang nauunang lumalakad at nakasunod lang sila sa akin. Siyempre, kailan pa nauna rumampa ang mga julalay sa reyna?

Papunta na ako sa first class ko which is Humanities. Obvious naman kung tungkol saan ang subject ko na iyan. We study about cultures, mapa-ancient Greek or Roman pa. It’s very lame if you’ll ask me. Sobrang daling subject, hindi ko nga alam kung bakit nahihirapan ang iba. I’d rather study Calculus III than that boring subject. Obviously, I’m a math geek pero hindi ko iyon ipinagsasabi. Nakakasira lang sa image kong pagiging Queen Beetch.

Minus points na nga na ang course ko ay mechanical engineering, hindi bagay sa malditang katulad ko. People often say na pumapasa lang ako dahil mayaman ako at isa ang Yñarez sa generous sponsor ng University na ito. Well that’s wrong, but I don’t make a habit of correcting it. Hindi naman mababawasan ang talino ko kapag ganoon ang iniisip nila.

Iniwan na ako ng mga alagad ko since hindi naman kami blockmates. They’re academically challenged, the only reason why I’m keeping them around ay dahil sumusunod sila sa mga gusto ko.Hindi pa ako nakakaabot sa corridor na malapit sa room ko ay may nakakumpol na ilang mga tao. At kapag may crowd, may happening. Napasimangot ako dahil nasa iba ang atensyon ng mga tao at hindi sa kagandahan ko. This is very insulting.

Mean for You (Mean #1) (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon