Nagtext sa akin si Grant ng word na sorry, at pagkatapos ‘non ay pinatawad ko na agad siya. After reconciling with Grant ay si Rush naman ang pinahamak ko by telling tita na uminom si Rush last time. Rush hated me for telling on him but it was worth it, especially when he was grounded from using his car.

Ipinarada na ni Grant ang sasakyan when we reached the car park. Hindi ako lumabas ng sasakyan at mukhang hindi iyon napansin ni Grant. He kept on walking and I frowned.

Nagmamadali kong kinuha ang iphone ko mula sa bag at mabilis na tinawagan siya. He stopped from walking at napatalikod siya nang makita niya kung sino ang tumatawag. Nakatingin siya sa kotse nang isinagot niya ito.

“What?”

“Aren’t you going to open the door?” I rolled my eyes.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Grant pero ibinaba niya rin ang tawag at lumakad pabalik sa sasakyan. He opened the car door for me and I smile as bright as possible nang makita ko siya. I raised my hand in mid-air at tiningnan lang iyon ni Grant. Nawala ang ngiti sa mga labi ko at binigyan ko siya ng makahulugang tingin.

He sighed again, like he always does kapag kasama ako pero nanatili pa rin ang blangkong mukha niya. Inabot niya ang kamay ko and helped me get off the car.

“Thank you.” I gave him a pleased nod.

Binitawan agad ni Grant ang kamay ko at nagsimula ulit maglakad ng hindi ako hinihintay. “Grant!” tawag ko dito pero hindi niya ako nilingon. I groaned. Sinubukan kong tumakbo para masabayan ang paglalakad niya. It wasn’t hard dahil five inches lang naman ang suot-suot kong heels. Buti na lang at hindi ko isinuot yung six inches ko.

I’m only 5’4”, I know it’s too small. Hindi ko rin alam kung bakit ganyan lang ang height ko. Hindi naman ako nagkulang sa pag-inom ng milk at pagtalon. I tried sleeping rin naman tuwing tanghali when I was a kid but it just didn’t work. Siguro ay hindi lang talaga binibigay sa lahat. Maganda na kasi ako, talented, mayaman, matalino, nasa akin na ang lahat kaya baka pag dinagdagan pa ang height ko ay magsuicide na ang ibang girls at magtampo kay God sa sobrang inggit.

See? I can be selfless and charitable sometimes.

Nakapulupot ang braso ko sa braso ni Grant at taas noo akong nakangiti. Maraming mga nakatingin sa amin at nakanganga. Siguro ay naiinggit sila dahil perfect couple kami tingnan ni Grant. Isang gwapo at maganda. Campus Queen at ang Cold Prince.

“Are you going to eat lunch with me?” mapang-akit na tanong ko sa kanya.

“No.” my alluring smile disappeared.

Mean for You (Mean #1) (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now