Hapis

215 5 0
                                    

Written on: June 24, 2017

Mga ala-alang wasak at duguan
   kumakalat sa gabing inangkin ng kawalan.
Mga usok na humahangin
    dinadala ang mga boses na hindi mo kayang dinggin

Mga talang kumikislap sa galit
    dinadamayan ang mga pusong naghihimagsik.
Mga matang pigil ang mga luha at naghihintay na makaidlip
     ngunit sa pagdaan ng bawat oras ni isang sakit o galit ay hindi makalimutan kahit isang saglit.

Ang buwan na nagkwe-kwento ng pag-ibig ay napagiwanan na ng mapait na bukang liwayway.
Mga pusong tumatambol sa galit dulot ng mga sungay ng pagkabigo ay patuloy na sumisibol
      hanggang sa maabot ang langit na may dalang bagyo
       na patuloy ang pagkaway sa mga kaluluwang sumusuko.

Mga tinig ng pagdurusa ng pagmamahal
       umaalulong sa kalawakan
humihingi ng bagong pagkakataon
        ng pagbabago na maaaring maganap.
Ngunit sa halip ay isang laya ang ibinigay.

Ang layang kahit kailanman ay hindi ginusto ng lahat.

Words of the Broken and the LoverOnde as histórias ganham vida. Descobre agora