Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh, anong nangyari sa iyo? Okay ka lang?"

"Nahilo lang ako bigla, pre. S-Salamat."

"Ha? K-Kailan ka pa nakakaramdam nang ganyan?"

Iyong itsura ni Luis, para siyang takang-taka.

"Kahapon lang, sa kakahuyan; bakit?"

"Ahh..."

Marahan siyang napatango-tango, tapos bigla naman siyang ngumisi.

"Hmph, oy wilab, huwag mo sabihing naglilihi ka?"bigla niyang hirit.

Langya, ang serious kanina, tapos ngayon nang-aasar na. At kung kanina rin nakahawak lang siya sa akin, ngayon naman nakaakbay na.

"Kung sabihin ko sa iyong oo, pananagutan mo ba ko?"sagot ko naman na ngingisi-ngisi rin.

Hindi nakaimik si loko, at napakamot na lang ng ulo. Pagkatapos nun, natawa na lang kaming pareho. Paglingon ko, nakatingin pala si kumag sa amin. Pero hindi naman na siya kumibo; instead, nauna na siya sa amin.

                                                                         #

Nakaupo na kami sa sala. Si Mayor lang iyong nahiwalay ng upuan sa amin; kaming tatlo, magkakasama. Pero di kami nagtabi ni kumag, pumagitna kasi sa amin si Luis.

Sinabi na namin sa kanya iyong balak namin na pagpunta sa city hall.

"Sandro pasensya na, pero di ako sang-ayon diyan sa balak niyo ni Mayor."

At iyon ang naging reaksyon niya.

"Hmph, hindi namin hinihingi ang opinyon mo, at wala akong pake kung sang-ayon ka man o hindi; ang kailangan namin eh iyong impormasyon tungkol sa mga pasikot-sikot dun sa munisipyo niyo!"sagot naman ni Mayor.

Natahimik na lang siya; pero di nagtagal, sinabi rin naman niya iyong mga dapat naming malaman.

"K-Kung si de Quatro iyong habol niyo, hindi siya actually gaano naglalalagi sa munisipyo; madalas siyang wala, dahil sa ibang lugar siya nag-oopisina."

"So, saaan iyong opisina niya?"usisa ko.

"W-Walang sino man ang nakakalam dito kung saan iyon, maliban sa dalawang bodyguard niya. Wirdo di ba? Mayor siya, pero tinatago niya sa mga tao iyong tanggapan niya."

"Pero syempre, wala namang aangal dun; dahil kontrolado na niya ang mga tao dito, hindi ba?"si Mayor.

Tumango naman si Luis sa kanya. Pero parang ang oa na ata nito, bakit kailangang isecret pa pati iyong opisina niya?

"If that's the case Mayor, ano pang silbi na magpunta tayo dun?"reaksyon ko na lang, sabay tingin kay Mayor.

Hindi umimik si Mayor; napacross arms lang siya, at parang napapaisip na rin.

"Tama ka Sandro; wala tayong mahihita dun, kung wala si de Quatro. Pero ibang istorya na, kung matiyempuhan natin dun iyong dalawang bantay niya."

Napansin ko na bigla na lang napangisi 'tong si Luis, tapos tumingin siya sa wall clock na katabi nung bungo na nakaframe.

"Pwede, pwede iyong sinabi ni Mayor,"sambit niya, sabay tingin na ulit sa amin nang nakangisi pa rin.

"Anong ibig mong sabihin?"si kumag.

Heto na naman 'tong isang 'to. Given na, against siya dito; pero iyong way at tono ng pagtatanong niya kay Luis, iba eh, para siyang naghahamon ng away! Ano ba talaga iyong issue niya sa kanya?

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon