Apat //

112 0 0
                                    

Isang buwan na din ang nakakaraan buhat nang maghiwalay kami ni Yeol. At masasabi kong ok naman ang lahat dahil una, mas gumaan na ang pakiramdam ko. At wala na din akong problemang iniisip hindi gaya nung mga panahong nag sstruggle pa ko sakanya. Ika nga nila 'All is Well'.

Pakiramdam ko din Sexy, Free, and Single ako. Lahat pwede kong gawin.

Nasa internet shop kami ngayon ni Suho. Nauurat kasi ako sa bahay. Napaka bagal ng internet. Eh alam niyo naman ako, hindi pwedeng hindi mag bukas ng facebook sa isang araw.

Pagkauwi ko, kahit alam kong mabagal ang internet namin, nag internet pa din ako. Tanga lang?

Mabuti na lang at medyo mabilis na ang internet kaya ok na din. Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso nang may magchat sakin. At hindi ako makapaniwala kung sino yun..

Si Chanyeol Park.. Na ngayon ay ex ko na lang. Sa sobrang kaba ko, hindi nako nagkanda ugaga sa pag open ng message niya.

"Hi! C:" Wattdafhaaak is this really happening?! Hindi na rin siya naka offline sakin! Fhaak!

Maya maya pa ay nasundan ito ng notification. Kung saan makikitang nagpost siya sa wall ko. OMG!

"Hi po. Kamusta na? c:"

Shyyt asdfgjkk!! Di ko na alam ang gagawin ko! Kinikilig ako na ewan! Alam mo yung sa isang iglap nawala lahat ng galit at inis ko sakanya.

Nag chat kami ng nag chat. Parang yung dati lang. Nagkamustahan kami at nag usap tungkol sa ilang bagay. Tungkol syempre saaming dalawa.

"May namimiss ako." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.

"Oh talaga. Sino?" Pakipot ko naman.

"Alam mo na yun kung sino <3" Yang mga style niyang yan, alam na alam ko na yan. 

Matapos ang pasimpleng landiang usapan namin.. 

"Totoo ba na kayo daw ni Lay?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Fhak. Hanggang ngayon pala ganyan pa din ang akala niya. 

"HUH?! NEVER!" Oo kasi totoo naman. 

"Pero friends pa din kayo?" Napaisip ako. Oo friends pa din kami. Pero alam kong isang maling sagot ko lang ay maaari na namang mag iba ang ihip ng hangin. Sa ngayon kasi, sa ginagawa niya, nararamdaman ko kung ano ang gusto niyang mangyari. 

"Oo. Close friend. Pero hanggang dun lang yun." Dinefend ko na agad para hindi na siya maka react pa. Pero masyado ko siyang kilala at alam kong hindi na naman siya maniniwala sakin. All this time kasi alam at ramdam kong iniisip niya na may gusto ako kay Lay which is not true. Maybe oo nung una. Medyo naf-fall ako dahil si Lay ang madalas kong kasama, nasasandalan, at nasasabihan ko ng mga problema ko lalo na pagdating sakanya. Pero hangga't kaya ko ay pinigilan ko ang sarili ko dahil alam niyo namang siya talaga ang mahal kong tunay.. Nothing beats on how he treated me nung kami pa.. At kahit nung mga panahong magkatropa pa lang kami na ni minsan ay hindi nagawa ni Lay sakin.

"Aww sige. Sa susunod nalang nga." Na-frustrate ako sa sinagot niya. Sabi ko na nga ba. 

"Ano ba kasi yun?" Pangungulit ko kahit alam ko na ang sagot. 

"Basta alam mo na yun." Natapos ang usapan namin nang ma-seen zoned ako dahil sa sagot kong..

"Ah okay." Hindi na siya nagreply pagkatapos nun. 

Pagsuko (Short Story)Where stories live. Discover now