Dalawa //

126 1 0
                                    

Andito na naman yung feeling na parang may bumabagabag sakin. Feeling ko bumabaliktad ang sikmura ko sa sobrang gulo ng isip ko.

Hindi ko maintindihan. Akala ko okay na kami pero hindi pa rin pala.

Ano bang nagawa kong mali at kelangan kong pagdusahan to ng ganito?

Natuwa ako in some way na malaman na nagseselos si Yeol samin ni Lay. Pero bakit parang simula noon ay umiwas na siya sakin? Bakit parang ayaw na niya sakin? Si Lay padin ba ang dahilan o siya na mismo?

Hindi ko alam ang gagawin ko dahil kahit sa facebook at text ay iniiwasan niya ko.

Sa facebook na chinat offline niya ko. Kahit obvious naman na naka online sya ay pinabayaan ko paden.

Sa text na kahit ako na yung gumagawa ng paraan para makapag usap kami ng matino hindi siya nagrereply. Iniiwasan ako. Pinabayaan ko paden.

Hanggang kailan ba ko magpapabaya at iintindi? Hanggang sa sumabog nalang ako sa sakit na nararamdaman ko?

October 18.. Science Camp sa school namin at pinilit kong sumama para sa experience at magbakasakali na rin kung kasama siya.

Tuwang tuwa kami ng tropa ko ng magkita kita kami. Pero syempre gusto ko pa din malaman kung kasama nga ba siya o hindi.

"Si Yeol kasama ba?" tanong ko sa isa sa mga kaklase niya.

"Oo."

"Ah.. Sige salamat!" natuwa ako ng malamang kasama siya.

Nakapila na kami at by section ang pila. Since dadalawa lang naman ang sumama sa kasunod naming section, halos kasunod nadin namin sila sa pila kaya nakita ko agad siya.

"Yizz kasama siya!!" Bulong ko dun sa kaibigan ko.

"Oh talaga?! Asan?!"

"Ayun oh!!"

"Ayiee sana magkagrupo kayo!"

Ganyan na ganyan din ang panalangin ko. Sana nga magkagrupo kami.

Sa twing tinatawag ang mga magkakamyembro, kinakabahan ako. Random kasi ang magkakasama. Ang isang grupo ay binubuo ng iba't ibang year levels. Tapos iba't ibang section pa. Sobrang random talaga as in.

Meswerte ka kung may makakasama kang kaklase mo. Pero sakin ayos lag naman kung wala akong kasamang kaklase basta kagrupo ko siya.

Nawalan ako ng pag asa nang matapos matawag lahat ng magiging kamyembro ko ay hindi siya kasama. Mabuti na lamang at kasama ko ang kaibigan ko. Pero sobrang nadidismaya pa din ako.

Abot kamay ko na siya dahil katabi ko siya sa pila pero ni isang beses hindi manlang niya ko tinapunan ng tingin. Masyadong masaklap. Dagdag mo pa na alam mo mismo sa sarili mong alam niya na nandun ka pero sadyang iniiwasan ka lang talaga niya.

Sabi ko sa sarili ko, sige hayaan mo na. Ok lang yan. Sana nalang magkasunod lang ang grupo niyo.

Hinihintay kong matawag siya pero hindi siya natawag. Nagtaka lang ako kasi bakit ni isa sa section nila ay walang natatawag. Anong ibig sabihin nun.

Natapos nalang ang groupings at ni isa sa section nila ay walang naigroup. Kaya naman napagpasyahan ng faculty na pagsamahin at gawin nalang na isang grupo ang section nila. Napa-face palm nalang ako at parang gusto ko nang sabunutan ang sarili ko. Bakit ba sa tuwing ipininapanalangin kong sana magkalapit kami ay lalo kaming pinaglalayo sa isa't isa? Ay putangina nalang masasabi ko.

Pinapunta na kami sa mga rooms na tutulugan namin. Wala akong ibang iniisip kundi siya at siya lang. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa dahil sa takot na baka hindi niya ko pansinin. Tsaka halata namang iniiwasan niya ko.

Acquaintance party. Lahat ng campers pinapunta sa gymnasium. As usual, hinahanap ko na naman siya at simpleng tinitignan.

Nagkaroon ng contest na sasalihan ng bawat team at magsasayaw sa gitna. Ewan ko kung anong klaseng hangin ang sumapi sakin at naisipan kong sumali. Kahit na alam ko sa sarili kong magmumukha lang akong tanga.

Dahil sa mga panahong yun, gusto ko lang na mapansin niya ko.

Nagsayaw kami ng mga kagrupo ko at nagpakabaliw ako sa gitna ng madla. Hindi ko man naririnig pero alam kong may iba jan na pinagbubulungan na ko. Siguro sinasabi nila na nakakahiya naman yung ginagawa ko kasi hindi naman ako magaling sumayaw at nagkakalat lang ako. Pero wala akong pake. Dahil ginagawa ko ito para mapansin niya ko.

Pero ang tanong? Pinansin o di kaya tinignan man lamang ba niya ko? Hindi ko alam ang sagot. Pero sana oo.

Natapos kami at tsaka ko nalang naramdaman ang hiya. Hiya sa sarili ko. Bakit ko nga ba to ginagawa? Para sakanya. Pero naaappreciate ba niya? Malamang hindi.

Team Building na namin. Patapos na ang camp at kahit isang beses ay hindi man lamang niya ko pinansin.

Kung anu-anong challenges ang sinuong ng grupo namin at kahit papano ay dun muna nabaling ang atensyon ko. Sa sandaling oras na yun, pansamantala ko muna siya hindi inisip. Hanggang sa makarating kami sa isang booth kung saan nandun ang grupo nila.

Kinuha ko na ang pagkakataon at kinausap at nilapitan siya.

"Uy galit ka pa din ba sakin?" paawa kong sabi sabay hawak sa braso niya.

Ewan ko pero sa itsura niya ay parang naiinis siya na ewan.

"Hindi." mataray na sabi niya sakin at inirapan pa ko. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko. Naiiyak ako.

"Weh talaga?" pinilit kong umakto ng normal kahit na sa loob ko ay sobrang sakit na.

"Oo nga." may bahid ng inis sa boses niya at tuluyan niya nang inilayo ang sarili niya sakin. Wala na naman akong nagawa kundi ang hayaan siya at maiwan akong pahiya.

Hindi ko na alam kung ano pa bang pwede kong gawin para lang pansinin niya pa ko. Nasasaktan na ko pero parang wala na siyang pake. Ganyan ba talaga siya? Siguro sawa na siya sakin kaya pinararamdam niya sakin yun. Pero bakit kailangan ganun pa ang gawin niya? Pwede niya namang sabihin nalang sakin ah para di ako nagmumukhang tanga ng ganito.

Uwian na. Tapos na ang camping. Hindi ko na kayang pigilan pa. Naramdaman ko nalang na umaagos na ang luha ko. Pinipilit kong pigilan dahil ayokong may makakita lalo na ang mga kaibigan ko.

Bakit ganun ? Hindi ko maintindihan.

Nasasaktan ako sa tuwing tinitignan ko siyang masaya mula sa malayo. Kasama niya yung mga kaklase niya at yung bago niyang babae. Siguro patay na patay siya sa babaeng yun. Ano nga naman ang laban ko dun diba?

Sa twing naiisip ko ang mga bagay na yan feeling ko guguho ang mundo ko.

Mas lalo akong nasaktan nang parang bulang dumaan siya mismo sa harap ko. Alam mo yung parang hindi kayo magkakilala. Ganun yung ginawa niya sakin. Dumaan lang siya sa harap ko na parang wala lang. Gusto ko siyang hatakin pero hindi ko magawa. Hindi ko nagawa dahil takot akong mapahiya uli at alam ko naman na kahit gawin ko yun at wala pa ring kwenta dahil hindi niya naman ako papansinin.

Pagsuko (Short Story)Where stories live. Discover now