Katapusan //

141 0 0
                                    

A/N: To feel this chapter much more better, just play the music at the multimedia. Feeling ko kasi it really suits this chapter. If you search for the meaning of the song, it's really sad and so sentimental. Closer sung by Taeyeon. 

Last Chapter .. 

__________________________________

KATAPUSAN // A letter for Him 

Dear Mr. Ex,

Naaalala mo ba yung mga araw na masayang masaya tayo? Yung mga araw na mahal na mahal natin ang isa't isa? Nakakamiss diba? Kung pwede ko lang balikan yung mga araw na yun, gagawin ko. Alam kong malabo at imposibleng mabasa mo to. Pero gusto ko lang sabihin na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa din kita. Ayoko sana kitang pakawalan pero wala akong ibang choice kundi I LET GO ka. Tsaka sabi rin nila, dun mo masusukat ang pagmamahal mo sa isang tao. Kung kaya mo siyang I LET GO. Nung una hindi ako naniniwala sa kasabihang yan. Kasi sabi ko bakit ko papakawalan ang taong mahal ko sa isang walang kwentang basehan na yan. Mahal nga kita eh kaya bakit kita i-leletgo? Ano tanga lang? Pero nung nagkaproblema tayo, dun ko naunawaan ang lahat. Kahit pala sabihin kong mahal na mahal kita, hindi pa rin sapat yun para hindi ka manatili ka. Kasi kahit ano pang gawin ko, wala na rin namang mangyayari. Dun at dun rin naman ako babagsak sayo. Ang I LET GO ka at sumuko.. Dahil gaano man kita kamahal. Wala na kong ibang pagpipilian kundi pakawalan ka at para na din maging masaya ka.

Alam mo ba yung mga araw na pinag uusapan natin yung future natin. Sabi ko pa nga gusto kong ikasal sa tabing dagat. U know? Tas sabi mo wag nalang dun kasi mahal yun. Sa simbahan nalang. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nun kasi pati ikaw napapaisip tungkol sa future natin. Ano kayang feeling mo habang pinag uusapan natin yun? Natutuwa at kinikilig ka din kaya?

Naaalala mo ba yung mga moment noon na palagi tayong magkasama? Ang paalam ko gagawa ng project, may practice, etc. Pero ang totoo gagala lang naman tayo. Yung palagi tayong nasa bahay nila Tao. Dun minsan nagnanakaw tayo ng mga sandali. Yung pasimple tayong naghoholding hands, minsan nga kinikiss mo pa ko eh. Hindi ko malilimutan yun.

Tanda mo pa ba yung mga moment na gabing gabi na. Alas tres na ng madaling araw pero magkatext pa din tayo? Yung kung anu-ano nalang ang pinag uusapan natin. Pero hindi parin tayo nagsasawa. Matitigil lang tayo kapag nakatulog na yung isa. Nakakamiss diba?

Tapos naalala mo din ba? Yung mga panahong patay na patay ka sakin. Nung hindi tayo naging magkaklase. Palagi mo kong sinusundo sa room ko nun. Walang palya. Tas nagalit ka sakin nung iniwan kita. Sabi mo bat di kita hinintay. Baka kasi kung mapano ako sa daan. Gabi na din kasi tayo nauwi nun. Nakakamiss talaga.

Tapos nung nag film showing tayo nun. Sobrang nafrustrate ka nung hindi tayo magkasama sa isang cinema. Ang saya ko din nun tas palagi mo kong binobola na ang ganda ganda ko. Isa yan sa mga insecurities ko pero pinapawi mo. Tapos yung kwento sakin nung classmate mo. Napadaan daw kayo sa isang jewelry shop at tinuro mo yung isang singsing. Sabi mo pa daw ipapasuot mo sakin yun pag kinasal na tayo.

Naaalala ko din yung mga kwento ng kaklase mo. Isang beses daw nakatulala ka sa bintana at nung tinanong ka nila kung anong problema mo, sabi mo daw namimiss mo ko. Tapos ayaw mong ipahiram sa iba yung cellphone mo kasi ako yung wallpaper mo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya at kakilig habang kinekwento nila sakin yan.

Alam kong ilan lang yan sa mga magagandang alaalang nagawa natin nung mga panahong mahal na mahal pa natin ang isa't isa. At nakakalungkot isipin na sa isang iglap, natapos ang lahat at ngayo'y mga alaala nalang. Ni hindi na nga natin kilala ang isa't isa. Yung nagkakasalubong tayo pero walang pansinan. Masakit yun alam mo ba. Gusto kitang ngitian manlang o kausapin at sabihing "Hello! Ako nga pala yung ex mo." pero hindi ko magawa. Kasi tignan lang kita kahit sa malayo pakiramdam ko sasabog na sa kaba ang puso ko. Malakas pa rin naman ang epekto mo sakin eh. Nothing can change that fact. Hindi ko lang pinapahalata.

Masaya ako kasi ikaw ang naging first boyfriend ko. First love, and even my first kiss. Kahit naman pagbali-baliktarin pa ang mundo, kahit pa sabihing may galit pa din ako sayo, hindi naman sapat na dahilan yun para makalimutan kita ng basta basta. After all we've been through, pinaramdam mo din namang espesyal akong tao. You made my life complete..

Thank you for everything. Sa lahat lahat ng magandang bagay na ginawa natin ng magkasama. Worth it lahat yun. Kasi sa loob ng isang taon, naging matatag tayo. Siguro nga hindi lang talaga tayo para sa isa't isa. Or maybe.. Hindi lang talaga ito ang right time para saating dalawa. Bata pa tayo at marami pang pwedeng mangyari. Siguro nga kailangan muna nating kilalanin ang mga sarili natin bago tayo pumasok sa isang relasyon. You know, sabi nila puppy love lang to. Pero sabi ko, kung puppy love man ito sa paningin nila, I don't care. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi lang basta puppy love lang pinagsamahan natin, it's true love..

I know I'm such a masochist for saying this. It hurts so much but I'm still happy to see you happy too.. With someone you love. Siguro ngayon nagkakagustuhan na kayo. Hindi naman ako magtataka kung magugustuhan ka din niya. Hindi ka naman kasi ganun kahirap mahalin. Sana lang yung mga ginawa mo sakin nung mga panahong nagkaroon tayo ng problema, wag mo sanang gawin sakanya. Make her feel special. Pakatatag kayo. And please.. Do take care of her..

Sana lang kahit may bago ka na, wag mo kong kakalimutan. Na minsan sa buhay mo may isang Baektorinang naging parte nun. Mahal kita. At walang makakahigit sa pinagsamahan natin. Please be happy.. Take care always..

Love,

Baek

Pagsuko (Short Story)Where stories live. Discover now