MTJAB: Chapter 28

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kapal ng mukha mo. Ikaw lang ang humahalik sa akin, walang iba! Ikaw nga ang nakauna, 'di ba? Bakit mo iisiping nagpapahalik ako sa iba?!" Sigaw ko sa kanya. Naghalo-halo na lahat ng nararamdaman ko kay Liam. Yung pagmamahal ko sa kanya, yung sakit na nararamdaman ko at yung unti-unting galit na umuusbong sa puso ko dahil sa mga salitang binibitawan niya sa akin.

"Hindi ko alam, Lian! Hindi ko alam! Napa-paranoid ako? Fuck, nagagalit ako sa sarili ko dahil alam kong nahihirapan ka rin ngayon! Nasasaktan kita, 'di ba?! Dahil kahit anong gawin kong pigil sa sarili ko, lumalabas at lumalabas sa putang inang bibig ko yung masasakit na salita na kinikimkim ko! Gusto kitang pakasalan! Gusto kitang makasama habambuhay pero ayaw mo." Napapitlag ako nang sipain niya ang trash bin sa gilid niya. Nabasag yon at nagkalat ang mga basura. Nakakatakot magalit si Liam. Para siyang sasabog kapag hindi niya nasabi lahat ng nararamdaman niya.

"Liam, hindi sa ayaw pero gusto mo kasi ora mismong magpakasal na tayo. Ang dami ko pang pangarap para sa dalawang kapatid ko at sa magulang ko. Lahat 'yon gusto kong matupad. Dahil, Liam, ito na 'yon. Malapit na malapit ko nang maabot yung pangarap ko para sa pamilya ko, unting unti na lang." Umiiyak na paliwanag ko sa kanya. Gusto ko siyang makasama. Gusto kong siya na hanggang huli pero mas uunahin ko pa ba 'yon kaysa sa pamilya ko? Marami akong ipinangako sa kanila at ayokong masira lang ang mga 'yon dahil sa isang maling desisyon na alam kong pagsisisihan ko rin. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya at umiling iling siya.

"Nasaan ako sa pangarap mo, Lian? Wala ba ako diyan?" Humihikbing bulong niya. Marahan niyang iminulat ang dalawang mata niya at nakita ko ang pagmamakaawa roon. Sumisikip ang dibdib ko ngayong nakikita kong umiiyak siya sa harapan ko. Desperadong desperado ang itsura niya.

"Nasaan ako sa pangarap mo, baby?" Umiiyak na tanong niya sa akin at saka humakbang siya palapit sa akin. Nagtayuan ang balahibo ko nang hapitin niya ako sa baywang ko.

"Wala? Wala naman ako sa pangarap mo, 'di ba? Kung sabagay, sino nga ba ako? Ekstra lang ako diyan sa buhay mo. Pangarap mong maging singer? Kaya ba kasama mo si Kevin?" Tuluyan nang umurong ang dila ko sa pagpapaliwanag sa kanya. Bakit ba ang daming sumasagi sa isipan niya? Bakit ba lahat na lang ng pagduruda ibinabato niya sa akin?

"Liam, hindi."

"Hindi? Hindi mo alam kung saan ako ilalagay sa mga pangarap mo? Ang taas taas mo. Ang hirap mong abutin. Ang hirap abutin niyang mga pangarap mong hindi ako kasama." Parang huminto sa pagkalabog ang puso ko nang kumalas siya sa pagkakahawak sa akin. Muli siyang umatras sa akin. Ang bilis bilis ng paghinga niya na para bang hirap na hirap siya dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon.

"K-kasi a-ako, simple lang yung pangarap ko. P-pero ngayon ko lang napagtantong mahirap abutin yung simpleng pangarap na 'yon. Ikaw kasi yung pangarap ko na mukhang kailanman, hindi na matutupad. Maghiwalay na lang tayo. Kaysa ganito, nagsisisi at nag-aalinlangan ka at ako? Nagduruda sa sinasabi mong pagmamahal dahil iba ang sinasabi niyang lintik mong labi na masarap halikan kaysa sa nakikita nitong mga mata ko. M-mahal na mahal kita pero langya, masakit sobra. Ang hirap mong isuko pero mamamatay naman ako kapag hindi kita isinuko dahil sa simpleng pananakit mo." Humihikbing litanya niya. Hinila ko siya pero mahina ako dahil nagawa pa rin niya akong talikuran.

"S-sabi mo hindi mo ako iiwanan kahit anong mangyari pero bakit tinatalikuran mo na ako?" Umiiyak na bulong ko. Humugot siya ng malalim na paghinga at mas lalong nag-unahang tumulo ang luha ko dahil sa sumunod na sinabi niya.

"I'm sorry pero mukhang hindi ko na matutupad 'yon." Pangatlong beses na niya akong tinalikuran at parang gusto ko na ring sumuko. Hindi ko man lang naisip na hindi ko siya isinasama sa pangarap ko.

Mahal na mahal ko na siya. Kahit ilang masasakit na salita pa ang bitawan niya sa akin, tatanggapin ko lang nang tatanggapin lahat ng 'yon dahil mahal ko siya. Alam kong may mali ako, inaamin ko. Maling pagsisisihan ko ang bagay na pinahalagahan niya nang sobra at mali na mag-alinlangan ako sa kanya.

Dama ko yung paninikip ng dibdib ko dahil sa sakit. Kapag nagmahal ka, huwag mong kakalimutang ihanda ang sarili mo para sa sakit na matatanggap mo. Dahil sa una, mararamdaman mong panalo ka pero kapag nasaktan ka na, doon mo mararamdamang talo ka pala. Ipinusta ko yung puso ko kay Liam at doon ko nalaman na panalo ako sa kanya sa simula. Pero ngayong nararamdaman ko yung sakit, alam kong talong talo ako.

Hindi pala simpleng magmahal. Akala ko, madali lang. Pero mahirap pala. Mahirap dahil marami kang lubak na daan na lalakaran at hindi mo maiiwasang madapa sa lubak na 'yon. Tama rin naman si Liam. Hindi magwo-work out ang relasyon naming dalawa kung ako ay nagsisisi at nag-aalinlangan at siya naman ay nagduruda sa akin. Walang pupuntahan ang relasyon naming dalawa kung palaging gano'n ang magiging set up namin.

Ayaw tumigil ng luha ko. Maging ang paglipad ng marahan at malungkot na mga paru-paro sa tiyan ko, ramdam na ramdam ko. Unti-unti silang namamatay at nawawalan ng sigla dahil wala yung taong nagpapasaya sa kanila. Iniwanan na ako.

Mabilis lumipas ang araw. Isang linggo kong hindi nakita ni anino niya rito sa eskwelahan. Wala akong sinasamahan. Maski si Claire, hindi ko nilalapitan. Natatakot na akong ma-attach sa kahit na sino dahil pakiramdam ko, iiwanan at iiwanan rin ako bandang huli.

"Maayos ka na." Bulong ko sa sarili. Pinaayos ko kasi kahapon ang cellphone kong nabasa ng ulan nung araw na nagsimula ang away namin Liam. Hanggang ngayon, kumikirot pa rin yung puso ko sa sobrang sakit.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang bumukas ang cellphone ko. Sunod-sunod na text messages ang natanggap ko. May limang text si Eris, pinapauwi ako ni Nanay sa Lucban. Dahil siguro iyon sa pag-amin ni Liam sa nangyari sa aming dalawa. Napalundag ako nang mag-vibrate ito. Huminga ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag ni Eris.

"Ate! Mabuti naman at bukas na 'yang cellphone mo." Sermon sa akin ni Eris. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin ang tungkol sa amin ni Liam.

"N-nasira ang cellphone ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Hindi na importante 'yon Ate! Umuwi ka na ngayon dito sa Lucban, si Tatay—"

"Eris alam kong galit—"

"Inatake sa puso si Tatay, Ate. Ibinenta na lahat ni Nanay ng lupain para lang mapagamot ang Tatay." Doon ko na narinig ang paghikbi ng kapatid ko. Bumuhos na naman ang luha ko. Kasalanan ko na naman 'to.

Mabilis akong naglakad palabas ng university habang sunod-sunod na pinupunasan ang luha ko at sa pagmamadali ko hindi ko inaasahan ang makakabangga ko.

Sina Liam at Olive na magkahawak kamay.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon