Chapter 7 iba ang chemistry namin?

352 2 1
                                    

Dumating na ang Professor nila sa kanilang klase.

"May goodnews ako sainyo"

"Ano po yun ma'am? crush niyo na ako?" ang pabiro ni Jiro.

"Hindi no, ikaw talaga Jiro"

"Eh! ano nga po yun?"

"Nagustuhan ng chairwoman ang mga painting ninyo, kaya binigyan niya tayo ng reward."

"talaga ma'am ano? t.v, dvd?"

"hindi ah, 4 days tayo sa beach"

"talaga po? baka sa dati nanaman"

"Hindi jiro sa mismong beach nila, pero ang hiling ang niya ay bigyan lang siya ng isang painting kahit ano."

"yehey! sino po magpipinta?"

"Sila Sofia at Xiaobao na ang bahala doon"

"Ma'am kami pong dalawa?"

"Oo, kaya galingan niyo, sa isang bukas ng maaga tayo aalis ha, sige aatend pa ako sa meeting"

"Sige ma'am"

Masaya ang buong klase maliban kay Ju wen kaya pinuntahan siya ni Jiro.

"Uyyy.. hindi ka ba masaya? ang lungkot mo ah, dahil ba kay Sofie?"

"medyo, bakit kasi si Xiaobao pa eh, puwede naman ako diba."

"Wala tayong magagawa ganyan talaga okay lang yun, basta't masaya ang lahat."

"Pero jiro kung silang dalawa ang bahala ibig sabihin ba nun sila dapat lagi ang magkasama?

"yun lang pero hindi yan ano ka ba? wag yan kasi ang isipin mo"

"Sige na oo na"

Habang nag babasa si Xiaobao si Sofia naman ay kumukuha ng tiyempo para maki pag usap sa kanya. biglang knalabit ni Xiaobao si Sofia at tinanong ang tungkol sa painting kung saan sila gagawa. sagot naman ni Sofia na doon na lang sila gagawa dahil mas maraming makikita doon para ipinta, sumang ayon naman ito.

Nang matapos ang klase nila niyaya ni Ju wen si Sofia na umuwi na ngunit tinawag ng kanilang professor so sofia para kausapin ng chairwoman kaya pinauna na lang niya si Ju wen.

Nang dalin na si Sofia pag pasok niya sa opisina nakita niyang nakaupo si..........

(to be continued...............)

(continuation)

       Si Xiaobao kausap ng Chairwoman. Pag pasok niya binati siya agad ng chairwoman.

“Kamusta? Hindi ako maaaring magkamali ikaw si Sofia, tama ba?”

“Ah! Magandang hapon po, opo Chairwoman”

 “Naku, masiyado tayong formal, Miss Wilkes puwede mo na kami iwan maraming salamat”

 “walang ano man po yun”

“Ayun, bumalik tayo sa pinag uusapan natin, masiyado tayong formal itawag niyo na lang sa akin ay Mrs. Miles”

“Sige po Mrs. Miles”

“Sofia, Xiaobao alam niyo naman siguro kung bakit kayo nandito”

 

“Dahil po sa painting?”

“Tama ka sofia, ang gusto ko kayong dalawa ni Xiaobao ang magpipinta, dahil bagay kayong magsama at iba ang chemistry niyo, iba rin ang nararamdaman ko sa inyo kaya sana maging mas malapit pa kayo sa isa’t isa”

Sumagot si Xiaobao nag sign language.

“We do our best Ma’am”

Natuwa naman si Mrs. Miles sa kanila, nang matapos ang kanilang pag uusap ng lalabas na sila sa opisina nakita nila ang kanilang gawa na nakasabit, kaya natuwa sila.

 Nasa gate na silang dalawa, nag sign language si Xiaobao.

 “Nin zhu zai na li? (where do you live?)

 Sinagot naman siya ni Sofia, doon rin pala ang daan ni Xiaobao kaya nag sabay nalang silang dalawa, mauuna lang ang bahay ni Sofia kaya hinatid na rin siya ni Xiaobao.

 “XIe xie ni, Ming tai jian Xiaobao, man zou (thank you, see you tomorrow xiaobao, take care )

 Ngumiti si Xiaobao at nagpasalamat din.

How can i tell? (Paano Ko sasabihin?) [On Hold]Where stories live. Discover now