Chapter 4 The Complicated Story Book/ Ang komplikadong Storya na libro

443 2 0
                                    

Sa loob ng classroom nila Sofia. Pinuntahan siya ni Juwen at tinanong kung saan galing ang sugat niya sa braso. Kinuwento ni Sofia ang nangyari, kay Juwen. Pagkatapos ng kanilang kuwentuhan, Pumuntang mag-isa si Sofia sa Library dahil tuwing lunch doon siya pumupunta o kaya naman sa ilalim ng puno, doon siya magbabasa at kakain. Pagkapasok niya sa library narinig niya ang usapan ng dalawang babae.

“Uy! Alam mo bang may bagong lipat na studyante dito. Ang guwapo niya.”

“Oo nga, kakaiba siya. Ang alam ko isa daw siyang half Chinese at filipino.”

Natawa lang si Sofia sa kanyang narinig, kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad. Ngunit napahinto siya ng marinig niya ang bagong lipat daw na studyante ay hindi nakakapag salita. Kaya binalikan ito ni Sofia at pinagsabahihan ang mga nag-uusap na babae.

                    Hinahanap ni Sofia ang kanyang madalas na basahin na libro ngunit wala ito sa kanyang lalagyan.  Sa kanyang paghahanap nakita niya si XiaoBao. Nagulat siya, pero tinitigan niya ito. Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

“Ano ba itong nararamdaman ko? Teka, diba siya yung nasa tren at nakabunggo ko?”

Habang nag sasalita siya ng pabulong nakita niyang hawak- hawak ni XiaoBao ang kanyang paboritong libro. Ang komplikadong storya na libro.Tumalikod siya at nag-iisip kong ano ang gagawin niya at ano ang sasabihin niya para makuha ang libro. Ngunit ng kanyang pagharap nawala na si XiaoBao, hinanap niya ito at nakita niya na nakaupo at binabasa ang libro. Lumapit siya at kinausap niya ito.

“Ah! Excuse me.”

Ngunit hindi lumingon kaya kinalabit niya at lumingon ito sa kanya.

“Ah! If you don’t mind can I borrow too that book, after you finished It?”

Ang hindi alam ni Sofia na ang pinag uusapan ng dalawang babae ay si XiaoBao. Sinagot ni XiaoBao si Sofia sa papel.

“After 20minutes I give it to you.”

Nang pagkabasa iyon ni Sofia lumabas siya ng library para doon na lang mag hintay ngunit nakatulog siya. Nang matapos na ni XiaoBao basahin ang libro hinanap niya si Sofia. Lumabas siya ngunit hindi niya napansin na ang natutulog na babae ay si Sofia. Kaya ng pagkagising na nito ay uwian na. hinanap ni Sofia si XiaoBao. Nakita niya ito sa ilalim ng puno sa kanyang gustong puwesto.

“Hoy! Akala ko ba ibibigay mo sa akin ang libro, nasaan na?”

Hindi siya maintindihan ni XiaoBao. Pero nang kukunin na niya ang libro para ibigay kay Sofia. Tinawag naman ni Juwen si Sofia para umuwi na at tumakbo na ito papunta kay Juwen.

How can i tell? (Paano Ko sasabihin?) [On Hold]Where stories live. Discover now