Isagad Ko Na Ba Baby?

2.2K 46 14
                                    

Nakakagreen po ito. Please lang layuan niyo na kung hindi niyo rin lang magugustuhan yung theme. Hindi ako makakasiguradong hindi kayo masasaktan at maooffend sa irereply ko sa comment niyo.

Isagad Ko Na Ba Baby?
(Wanshat)
----------------------------------------------------------------------------------

 

Bigla akong napatili ng may yumakap sa likuran ko at tinakpan ang mga mata ko.

"Eric?" sambit ko sa pangalan ng nakakabatang kapatid ko. Pero mukhang malabong si Eric to. Napakabango ng nilalang na nasa likuran ko. Kumpara sa palaging amoy pawis na si Eric, sobrang nakakatakam ang amoy ng lalakeng ito.

Nang hindi siya sumagot, napangiti ako. "Johnford?" banggit ko naman sa pangalan ng pinsan ko. Pero hindi maskulado si Johnford. Mataba ang pinsan ko. At sa pagsiksik ko sa sarili ko palapit sa katawan niya, ramdam na ramdam ko ang matigas niyang mga abs na tumatama sa likuran ko.

Naramdaman kong dinampian niya ng halik ang batok ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. Isang tao lang ang nakakagawa ng ganun. Humagikhik ako bago magsalita, "Alam kong ikaw yan T*ti ko!"

Naramdaman kong lumuwag ang kamay na nakatakip sa mga mata ko at nung lumingon ako, nabistahan ko ang pinakamasarap na nilalang sa balat ng lupa. Ang aking T-Boy. Si T*ti ko!

Lumapad yung ngiti sa mga labi niya ng makita niya ang mukha ko. Gusto ko tuloy magtititili nung makita ko nanaman yung mga dimples niya. ANG CUTE CUTE NIYA TALAGA!

 "P*pet ko," sambit ng napakapulang mga labi niya. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa eh T*ti ko." nagbablush kong sagot. Kanina pa nagwawala ang mga obaryo ko at konti nalang sasakmalin ko na talaga siya. "May ipapakain ka ba sakin?"

"Syempre naman meron P*pet ko! Say ahhh!" sabi niya habang nilalabas yung isusubo niya sakin.

Namumula kong ibinuka ang bibig ko. Naghihintay na ipasok niya ang masarap at katakam takam na pagkain dito.

Nang maramdaman kong parang hangin lang ang pumapasok sa bunganga ko, nakita kong naiinip na tinititigan niya ang mukha ko. Hawak ng mga kamay niya ang mahabang bagay na isusubo sakin. "P*pet ko naman eh! Ibuka mo pa! Hindi papasok to sa ganyang kaliit na butas! Nahahanginan na oh, dalian mo kasi lalamig na to!"

Nagsorry ako at mas lalong ibinuka ang bunganga ko. Grabe naman kasi eh! Bakit ba ang laki laki nung gustong isubo sakin ng T*ti ko? Malapit ng mapunit ang mga labi ko eh! Kaso gutom na gutom na talaga ako at sabik na sabik na akong mapadampi sa mga labi ko ang hawak hawak niya.

"Ahhh! Okay na ba to T*ti ko?" tanong ko sa kanya. "Dahan dahan lang ha? Baka masakit eh!" bilin ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at sinabing, "Wag kang magalala P*pet ko, kailanman hindi kita balak saktan. Masyado kitang mahal."

Naramdaman ko na ang pagpasok ng mahabang bagay sa bunganga ko. Ramdam na ramdam ng dila ko ang bilugang uluhan nito pati na ang malagkit na likido sa bandang dulo. Napakasarap. Napakalinamnam. Napakatamis.

Nakakaadik talaga ang mga Spanish bread na gawa ng T*ti ko.

Di mapalis ang mga ngiti sa aking labi habang nginunguya ang tinapay. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng T*ti ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat hagod at masa niya sa harinang ginamit niya para mabuo itong napakasarap at katakam takam na Spanish bread sa bunganga ko.

"I love you T*ti ko." nakangiti kong sabi pagkatapos kong lumunok. "Dahil sa pagiging thoughtful mo. Dahil sa pagiging caring mo. Dahil sa mga efforts mo palagi kong nararamdaman ang pagmamahal mo sakin. You're the best boyfriend that I ever had!"

Tumawa lang siya at kinindatan ako. "Isagad ko na ba baby?"

***

Isagad ko na ba baby?
Itong pantasya ko.
Isagad ko na ba baby?
'Tong kahibangan na to.

 

Isasagad ko na ba baby?
Ang pagsulyap sayo?
Isasagad ko na ba baby?
Isasagad ko na ba baby?

 

Isagad ko na ba baby?
Itong pagibig ko.
Isagad ko na ba baby?
Itong kagagahang to.

 

Isasagad ko na baby?
Kasi nasagad ko na baby.
Isasagad ko na ba baby?
Isasagad ko na ba baby?

 

Isagad ko na ba baby?
Itong kirot na to.
Isagad ko na ba baby?
Dito sa puso ko.

 

Isasagad ko na ba baby?
Sagad na sagad na baby.
Isasagad ko na ba baby?
Isasagad ko na ba baby?

 

Itong sakit saking puso.
Parati ng nagdurugo.
Sa tuwing ika'y nakikita,
Masaya sa piling ng iba.

Mahirap bang ako naman?
Sana ang yong mapagmasdan?
Hanggang pangarap nalang ba 'tong
nararamdaman para sayo?

Araw araw lumilipas,
Pagibig ko'y walang kupas.
Ngunit minsan di na kaya,
Wala man lang ni ligaya.

Isasagad ko na ba baby?
Tong hapdi na to.
Isasagad ko na ba baby?
Dito sa pulso ko?

 

Isasagad ko na ba baby?
Isasagad ko na ba baby?

 

[End]

 

[A/N]: Lately hindi ko alam kung bakit ang dadrama ng mga oneshot na ginagagawa ko. Nagumpisa to na gago gago lang talaga kaya kahit ako di alam kung bakit naging ganyan. Wala naman akong shota at crush ngayon. Yung totoo? May alter ego ata ako eh HAHAHA

 

P.S. Di ako sure kung tula ba o lyrics ng kanta yung nagawa ko sa itaas. Bahala na.

Wanshats na pinulot sa kung saanWhere stories live. Discover now